Melissa

6 0 0
                                    


Nakilala kita bilang Melai,

May angkin taglay na taray.

Sa umpisa ngimi ako sayo,

pano ba naman ikaw ang bestfriend ng jowa ko.

Pakiwari ko nung una di tayo itinadhana na maging

magkaibigan na dalawa.

Ngunit sinampal ako kaliwa't kanan ng realidad,

pagbisita mo sa Pinas, prends tayo agad-agad.

Nagkwento ka ng buhay mo,

at nakinig naman ako sayo.

Maya maya nakita kitang humahagulgol sa dulo,

sabay sabi,

"Tos yung girlprend mo, pinapaiyak ako!"

Ako na lang ay napanganga,

Langya sa taray mong yan, tumitiklop ka pala?

At umuwi ka na nga sa Canada,

nagbbye na tayo sa isa't isa.

Akala ko dun nagtatapos ang ating istorya,

joke lang pala dahil may mga pahabol pa!

Hanggang sa araw-araw tayong magkachat,

mga jowa natin walang binatbat,

ang #relationshipgoals magdamag! (char!)

At doon unti-unti kitang nakilala,

doon mo ipinakilala kung sino ka talaga.

Na sa likod ng matapang mong aura, ay parang bata puno ng takot at pangamba.

Na sa kanya nakakubli ang puno ng pagmamahal sa kaibigan at pamilya.

At hindi matatawaran kung sino siya bilang ina.

Siya si Melissa.

Na ang bawat suliranin, nais solusyunan kahit hindi naman kailangan.

Na ang bawat "ewan ko sayo" ay may mas matimbang na "pagaalala ko".

Na ang babaeng akala ko walang sinasanto, ay hindi pusong bato.

Na madami na siyang pinagdaanan higit pa sa inaakala ko.

Napahanga mo ako sa maraming bagay,(pwera na lang pag ikaw ay nangaaway.LOL)

Dahil sa kabila ng lahat, heto ka pa rin nananitiling matatag.

Hindi ko inakala magiging kaibigan kita,

Pero salamat at naging bahagi ka.

Alam kong di pa dito nagtatapos ang ating kwento,

kaya naman hinapyawan ko lang ng medyo kung sino ang Melissa na kilala ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 11, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SulatWhere stories live. Discover now