Bus

7 0 0
                                    


Ang love daw parang bus,dahil kelangan mong maghintay ng para sayo kung saan ibababa ka sa destinasyon mo.

Siguro sakin ilang bus na ang lumagpas, hinabol ko, nasiraan sa harap ko, hinituan ako pero wala pa rin talaga yung tamang routa ko.

Minsan ko ng hinabol ang bus na dadaan sa destinasyon ko , ngunit sobrang bilis ng takbo, ndi nya napansin na may pasahero pa lang gusto sumakay dito, wala na rin ako nagawa kundi huminto sa pagtakbo kahit hingal kabayo na ako.

Naghintay ulit ako at swerte naman may dumating na bus at buti nakaupo ako.

Pero di kalayuan, napansin ko parang iba ang routa nito.

Maling bus ang nasakyan ko, wala akong nagawa kundi bumaba at maghintay.

Ang daming bus na dumadaan na hindi ko kelangan, kaya naman sige pa rin ako sa paghihintay.

Dumating din sa wakas ang kelangan ko. Nakaupo ako, masaya na ako.

Inakala kong okay na ngunit bigla itong nasiraan.

Huminto kami sa kalagitnaan ng biyahe.

Ang ibang pasahero nagsibabaan na, samantalang ako umaasang maayos pa rin ito.

Ang tagal kong nagtiis at naghintay hanggang sa sumuko ako at bumaba.

Naglakad pabalik at muling naghintay.

Sa aking pagbalik, napaisip ako, nakakapagod din pala ang ganito, hanggang ngayon di pa rin ako nakakarating sa pupuntahan ko.

Kaya heto ulit ako.

Pagkalipas ng ilang oras na paghihintay, may dumating na bus na aking kelangan, ngunit wala ng upuan.

May isang babae nauna sa dapat ko sana upuan. Nagdadalawang isip ako ng una dahil tayuan pero sumakay pa rin ako, sa kagustuhang makarating sa aking pupuntahan kahit alam kong sasakit lang ang binti ko sa kakatayo at kahihintay na may magpaupo.

Nararamdaman ko na ang sakit ng binti ko, unti-unti na itong namamanhid at namimitig, may kalayuan pa sa destinasyon ko.

Hindi ko din kinaya at napilitan din akong bumaba.

Sa may bus stop, ako'y napaupo, nakatingin sa malayo at naghihintay sa susunod na bus na darating.

Habang iniinda ang masasakit kong binti, sinasabi ko sa aking sarili na ano man oras may darating na bus sa routa na kelangan ko at ako ay makakaupo at makakarating sa pupuntahan ko. Manalig ka!

SulatDonde viven las historias. Descúbrelo ahora