Sa likod ng saya, may nakakubling lihim.
Sa bawat ngiti, may nakakurbang pait,
sa bawat matang nangniningning, ay may damdamin dumadaing.
Minsan nakakatakot maging maligaya, na parang laging kaakibat ay pangamba,
na sa bawat halakhak at saya, may nababadyang lungkot at luha sa mga mata.
Ang buhay ay hindi puno ng ligaya, kaakibat nito ay lungkot, sinta.
Ngunit hindi ka dapat magpadaig sa bawat pighati, sa halip ang isipin, ang araw ay sisikat muli.
YOU ARE READING
Sulat
PoetryKung anu-ano lang na nakasulat sa wikang Tagalog. P.s Apologies to all my non-tagalog speaking friends, but I chose to write this in Tagalog. Salamat!