Magic Mike

17 0 2
                                    

Nakilala kita ng di inaasahan,

Kaopisina pala kita, di ko naman alam.

Nagkakilala sa tulong ng mga kaibigan

"Ish si Carlos", "Carlos si Ish"

At dun nagsimula ang gawa ni Jen na

tambalang "Carlish".

Tahimik ka, madaldal ako,

Sobrang taliwas tayo.

Pero nagkakwentuhan sa Christmas Party,

Kahit pinapasunod kita kay Mary para bumili ng coffee,

Mas pinili mong maupo at makipagkwentuhan,

Kahit ang topic natin ay kung ano ano lang.

Ang pagiging suplado mo nawala,

Sinong magaakala na sa akin nawalan ka bigla ng hiya?

Picture doon, picture dito,

halos puro mukha ko ang nasa album mo,

Kaya naman kantsaw doon, kantsaw dito ang mga kaibigan ko.

Isang araw tinext mo ko, binigay ni Mary number ko sayo,

"Happy Birthday!I wish you all the best" ang bati mo,

Ang reply ko sayo "thanks,pero bukas pa ang birthday ko".

Alam kong pahiya ka konti,

kaya naman kinabukasan ikaw ay bumawi.

Shala! si Koya may birthday video na ginawa,

kasama pa ang pamangkin na parang interpeter lang sa likod nya.

Pagkalipas ng ilang araw binigyan kita ng pastillas,

May halong pagpapakitang gilas, ;)

Alam kong kinilig ka, wag kang magkaila!

Kaya naman simula nun madalas na tayo magkausap, diba?

O wag magfeeling, wala yang gayuma!

Sabe ko pa nga, magtae ka sana.

Lumipas ang araw at buwan, magkausap pa rin tayo,

Pero habang tumatagal nagiging tropa ata tayo

Kung iisipin parang barkada lang talaga,

Pero nung naglaon, ayun, naging magjowa pala. :)

Masyado tayong kumportable sa isa't isa,

Madalas mo nga tinutuluan ng laway ang balikat ko, diba?

Pakiramdam ko ang tagal na natin dalawa,

Pero ang totoo, mag 4 na buwan pa lang natin pinipikon ang isa't isa.

Eto na nga marahil ang summary ng lovestory natin,

Hindi ko rin alam kung magkakaroon tayo ng "happy ending".

Basta yung "ngayon" ang mahalaga,

Andiyan ka at hindi ako nagiisa.

Alam ko naman walang forever,

Kaya nga dumodouble time talaga ako sa prayer.

Ginawa ko 'to para maiba,

Ang sabi mo gumawa naman kasi ako ng masaya. :)

Eto na nga at para sayo 'to,

Para sa pinalusog na version ng Magic Mike ng buhay ko. :*


SulatWhere stories live. Discover now