CHAPTER 0NE

6K 160 18
                                    


Hehe sorry kung matagal akong di nakapag update. :)

Luciel

"Nay, simula po ngayon kayo po muna maghahatid kay Angel sa school. Ngayon na kasi simula ng trabaho ko." Pakiusap ko.

"Walang problema don Ciel, nakagayak ka na pala, tulog pa si Angel a." Sagot nya sa akin.

"Kayo na lang po muna bahalang magpaliwanag sa kanya, kailangang kong maaga ngayon para maipaliwanag sa akin ang mga dapat kong gawin."

"O sya, wag ka mag alala, ako ng bahala kay Angel. Ingat ka rin sa trabaho mo anak ha."

"0po Nay salamat." Niyakap ko na rin sya at dumaan muna sa kwarto namin ni Angel bago umalis.

***

"Basta ang mahalaga kay mam magawa natin ng maayos ang trabaho natin, kahit tumambay na tayo maghapun, hi hi hi!" Ani Myrna sa akin habang tinuturo ang mga dapat kong gawin.

"Pero papayag kaya sya na stay out ako?" Alangang tanung ko.

"Yon lang ang di ko alam. Di mo kasi nasabi na mag e stay out ka pala e yong dating naging kasama ko puro stay in." Sagot nya sa akin. "Pero wag ka mag alala, malay natin papayag sya." Pang aalo rin nya sa akin nung makita nyang lumungkot ang mukha ko.

"Sana naman pumayag sya.." Bulong ko na lang.

"Pero bakit kasi gusto mong mag stay out? Di ka na nun makakatipid nun." Aniya sa akin.

"Ah hehe.. Ang totoo nyan kasi may anak ako at ang nanay ko  at bunso ko lang na kapatid ang kasama nyang naiiwan sa bahay." Sagot ko.

"Huh? Weh.. di nga? May anak ka pala?" Parang shock pang tanung nya sa akin. Tumango na lang ako.

"Pero hindi kasi halatang may asawa ka na eh. Ang ganda mo at napakasexy mo pa." Aniya sa akin. Ngumiti na lang ako.

"Luko ka naman Myrna. Bobolahin mo pa ako. Tuloy na lang natin mga gawain natin." Pang iiwas ko nalang. Maisip ko lang... nag start na ako magtrabaho pero di ko pa nakikita ang amo ko.

****

"Meryenda muna tayo Ciel." Alok ni Myrna sa akin. May dala itong tray na may lamang juice at tinapay.

"Sige lang pero hindi ba nakakahiya sa amo natin? Baka mamaya magalit sa atin." Sagot ko.

"Naku, wag kang mag alala. Mabait yon, di sya katulad ng ibang amo na masungit na,  madamot pa sa katulong." Anito at nagsimula ng kumain kaya kumain na rin ako, aba, grasya rin to, mahirap naman kung tatanggihan.

"Myrna, matanong ko lang. Anu naman hanapbuhay ng amo natin? Mag isa lang ba talaga sya?" Curious na tanong ko.

" Ang alam ko dati ng nangibang bansa ang pamilya nya kasama nya, bumalik lang sya ulit dito sa pinas para ituloy ang naiwan nilang negosyo." Sagot nya sa akin habang panay ang nguya, langya, katulad ko rin yatang patay gutom to.

"Eh, anu naman negosyo nya?" Tanong ko ulit.

"Mga sikat na bar, hindi mga pipitsuging bar a. Karamihang pumupunta don mga artista at mayayaman... Pero teka, interesado ka yata sa amu natin a." Anya sa akin.

"Alangan naman." Paingos kunwari na sagot ko. "Amu natin kaya interesado ako."

"Ahehe! Sabagay nga naman.." anito at napahagikhik pa, lalo tuloy sumingkit ang maliit nyang mata.

Pinagpatuloy pa namin ang aming gawain, magaan lang naman ang mga gawain. Bandang hapun nung may pagbuksan ang guard sa gate, pumasok ang isang kotse at may lumabas na clown. Oo, di ako nagbibiro, isang clown yong lumabas. Kahit malayo ito ay halata ang makapal nitong make up sa mukha. Nilapitan ko si Myrna na nasa kusina, nakaismid naman ito na may inihahanda sa mesa.

"Myrskie!" Tawag ko sa kanya, 0o, yan na ang bago kong tawag sa kanya. "Sinu yong dumating? Yon ba ang amu natin?" Tanung ko. Lalo naman itong umismid.

"Hindi noh! Bwisita lang yon." Sagot nya sa akin.

"Bwisita? Base sa reaction mo, halatang ayaw mo don sa bisita na dumating. Kaanu anu naman ng amu natin yon?" Tanung ko ulit.

"Feeling girlfriend lang naman ni mam yon, kala mo pa kung sinu, hmp!"

Feeling girlfriend? What ulit? Girlfriend? Friend na girl lang o tama ba tong nasa isip ko. Nakakarelate naman yata ako sa amo ko. Lesbian din kaya sya? O yong tomboy na mukhang lalaki, wala manlang kasi nakadisplay na picture ng amu namin dito.

"Oy Ciel! Tulala ka naman. Ganito kasi yon, ang amu natin lesbian, pero dont worry harmless yon si mam. Hindi sya manyakis, kahit nga ganu ako kaganda di naman nya ako pinag interesan."

"Eh?"

"Wag kang kukuntra Ciel, magkasundo naman tayo sa lahat ng bagay diba? O sya, maiwan muna kita, bibigyan ko muna ng lason yong bwisita." Anito at nagtungo na sa sala. Nangingiti na lang akong tumango.
Hmm... Lesbian pala ang amo ko. Talaga bang naglipana na ang katulad namin dito sa mundo?

"Nakakabadtrip talaga!" Ani Myrna, nagdadabog ito pabalik ng kusina.

"Bakit naman?"

"Eh kasi yang bisita natin, ipagpilitan ba namang nandito ang amo natin e wala nga. Sarap nyang sabunutan!"


"Ehehe! Relax ka lang Myrskie, masisira ang beauty mo pag ganyan."


"Di talaga ako marerelax pag andito yang bruhang yan, pinapalitan pa nya meryenda nya, dapat daw may plating. Kainis talaga."

"Eh? Sobra naman yan, wala naman sya sa restuarant. Sige, handa na lang natin at ako na maghahatid, baka masabunutan mo pa sya." Natatawang sagot ko.

Inayos nga namin ang meryenda ng bwisita daw ng amo namin na wala naman sa bahay at di ko pa nakikita. Grabe, pinagpawisan din ng konte ang kilikili ko dahil sa plating pang nalalaman ng bwisita namin. Kaarte naman, dapat sa mga resto o kahit anung pagawaan ng  meryenda sya pumunta.

Pagbungad ko sa kusina ay para akong mahihilo sa naamoy ko. Ang bwisita pala namin yon, isang batya na yata ng pabango ang ipinampaligo nito. At grabe ha, wagas ito kung maka head to foot sa akin, sabay nagtaas ito ng kilay na halata naman talagang di pantay.



"Meryenda nyo po." Dahan dahan kong nilapag sa center table yong tray. Nagdekwatro naman ito at tiningnan ang cake na nilapag ko sa mesa sabay taas kilay ulit.

"Oh my God..." Anito at nagpaypay ng mukha gamit ang daliri. Fully airconditioned na nga tong bahay.
"Kawawa naman ang girlfriend ko sa inyong mga tsimay nya. Wala kayong taste! Wala kayong alam sa pagsasaayos ng pagkain! Panu na lang ang girlfriend ko! Kapag kinasal kami tanggal ka--

Di ko na pinatapos ang mga dapat pa nyang sabihin. Nagmamadali akong nagtungo sa kusina.

"Anu Ciel? Badtrip ka din?" Si Myrna.


"Dali Myrskie, kuha ka ng kutsilyo at murderin na natin yong nilalang sa sala!"







:-)

Marlonestar☆

You Are My EVE-rything (book2)Where stories live. Discover now