CHAPTER TWENTY

3.2K 102 6
                                    


*****

"Kumusta? Anong balita?" Si ate Clarise kasama si Violeta.

"Ala pang balita, wala pa din naman kasi kaming natatanggap na tawag mula sa kumuha sa kapatid at pamangkin ko." Sagot ni ate Kate. Gulong gulo na ako kung anu ang gagawin ko. Alalang alala na ako. Miss na miss ko na ang anak at kapatid ko. Kawawa naman sila..

"Ciel, nangangayat kana. Sumbong ni Alex sa amin di ka daw kumakain." Ani ate Clarise. Napabuntong hininga lang si ate Kate.

"Di ko mapilit anh sarili kong kumain."

"Pero dapat mo pa ding pilitin. Nu kaba Ciel! Panu mo mahahanap ang anak mo kung ganyan." Ani ate.

"Bakit ba di nyo na lang ako hayaan! Di nyo kasi alam ang pakiramdam ng mawalay sa anak at kapatid! Ni hindi ko alam kung maayos ang kalagayan nila! Kung kumakain ba sila!? Kung buhay paba sila o hindi!" Kakong napaiyak nanaman.

"Di ninyo kasi alam! Panu ako makakain kung naiisip ko kung yong anak at kapatid ko ay nakakakain ba!?"

"Alam namin ang pamiramdam mo. Wag mo lang naman sanang pabayaan ang sarili mo. Pati si Alex alalang alala sayo tapos aawayin mo pa." Si ate Clarise.

"Bakit ba di nyo ako maintindihan!" Sigaw ko at iniwan ko na sila para magkulong sa kwarto.
"Angel anak ko... nasaan ka na ba? Pot kapatid ko......" niyakap ko ang unan at bumaluktot ng higa.

*

Nagising ako dahil sa tunog ng cellphone ko. Nung una di ko pinapansin kasi nasa isip ko si Alex nanaman.. pero nung tingnan ko ay bagong number.
Agad kong sinagot, baka ang siya ang kumuha sa anak at kapatid ko.

"Hello! Sino to?" Tahimik lang nung una hanggang sa may marinig akong tawa.

"Hoy demonyo ka! Ikaw ba kumuha sa anak at kapatid ko!?"

Tumigil ang pagtawa.

"Magsalita ka! Anong gusto mo ha!? Hayup ka!"

"Masyado naman init ulo mo." Anang boses. Kilala ko ang boses na to!

"Hayup kang intsik ka! Ibalik mo sa amin ang anak ko! Ibalik mo sila ng kapatid ko!" Galit na sigaw ko pero tinawanan lang ako.

"Hayuuuuup!!! Magsalita ka!"

"Wag kang galit! Nasa akin nga ang kapatid at anak mo! At kung di ka umayos manganganib sila!"

"Hayup ka!" Kakong napahagulhol. "Napakawalanghiya mo! Alang kasalanan ang mga bata sayo!"

"Oo wala pero ikaw merun!"

"Ala akong atraso sayo tangina ka! At kung sa akin ka galit wag mo idamay ang mga bata! Ala silang laban sayo!"

"Di ka aayos dyan? Gusto ikaw yata masaktan tong dalawa dito!"

"Hayup ka! Ano bang gusto mo!?"

"Tss tss! Ikaw alam naman kung ano ang gusto ko di ba? Kita tayo. Ikaw lang, ala kasama!"

"Hayup ka talaga! Alam mo namang di kita gusto!"

"Di ikaw punta? Ikaw alam na mangyayari anak at kapatid!"

"Wala kang konsensya! Saan tayo magkikita!?"

"Yan.. dapat ikaw sunod akin. Dapat ikaw lang ala ikaw kasama. Wag mo report pulisya! Pag ikaw report sila patay! Maliwanag?"

"Oo!! Siguraduhin mo lang na di sila masasaktan at nasa maayos sila!"

*****

"Baby. Im sorry kung galit ka sa akin. Ayuko lang naman na magkasakit ka. Ayukong pinapabayaan mo ang sarili mo."

You Are My EVE-rything (book2)Where stories live. Discover now