CHAPTER EIGHTEEN

4K 122 3
                                    

R18!
****

"Oy congrats huh. Nagbalikan na pala kayo ni Alex." Ani Lara. Ang aga nilang sumugod ni Raem dito sa bahay.

"Luh.. panu nyo nalaman? Ala pa naman akong naekukwento sa inyo a." Sabi ko. Panu naman kaya nila nalaman?

"Edi kay Alex mismo! Nagpost sya sa fb! May nalalaman pang "#together again" sa caption tas picture nyong dalawa yong nakapost nung nag aaral pa tayo!" Ani naman ni Raem. Malay ko ba di ko alam. Ala naman kasi akong facebook. Pero teka.... hanep, an sweet sweet naman ng dober ko hihi!

"Tapos ngingiti ngiti ka ngayon dyan?" Si Raem ulit.

"Bakit ba? Kinikilig ako eh." Kako sabay hampas sa kanya.

"Abah! Teenager ang peg!" Ani Lara na tumatawa. "Pero masaya kami na nagkabalikan na kayo." Anito.

"May text si ate Clarise! Magkita kita daw tayo mamayang lunch!" Ani Raem na hawak ang cellphone.

******

"Tagal naman nun. Sya ang nag aya sya pa ang late." Nakangusong sabi ni Raem. Ewan ko ba sa lalaking to, parang bata pa din. Buti napagtyatyagaan ni Lara.

"Di ba sabi nya may dadaanan lang daw saglit." Ani Lara. Halos kalahating oras na din kasi kaming naghihintay.

"O, ayan naman pala pero.... may kasama." Si Raem. Nabaling naman ang paningin ko sa pinto papasok sa paborito naming toro toro.

*****

"Ku-kumusta ka na Ciel..."

"0kay lang naman. Ikaw kumusta? Ang tagal din nating di nagkita a."

"Umm...  okay lang din naman." Kimi itong ngumiti at halata ang pagkailang. Anong nangyari kaya dito? Hindi naman ganito ang pagkakakilala ko sa bratinilang ito.

"Umm... Ciel.. sa mga nangyari noon sana ma-mapatawad mo ako." Anito.

"Ha?" Nagulat pa ako sa sinabi nya. Nanghihingi sya ng tawad? Panu naman kaya to nagbago?

"Eh okay lang yon. Wala na sa akin yon." Sincere na sagot ko.

"Ciel, Violeta! Seryuso naman ng usapan nyo!" Si Raem. Nakangiti lang si ate Clarise.

"Pakialam mo Raem! Kumain na kaya tayo. Kain na tayo Violeta." Baling ko kay Violeta. Tumango naman ito at tipid na ngumiti.

"Ate Clarise! Bakit di mo sinabing kasama mo si Violeta? Dito pa naman tayo kumain. Baka di nya magustuhan dito." Si Raem na agad namang siniko ni Lara. Namula naman si Violeta. Napakaarte kasi ng pagkakilala namin sa kanya.

"Ah okay lang. Gusto ko naman dito." Sabi naman ni Violeta at nagsimula na itong sumandok ng pagkain. Nakatinginan namin kami nina Raem. Si ate Clarise naman ay tahimik lang na kumakain.

"Nung nangyari kay Violeta ha ate? Bakit kadami yatang nagbago sa kanya." Bulong ko kay ate Clarise.

"Tss. Nagbabago rin ang tao ano. Malay mo isang araw kaw naman ang magiging maldita." Pabulong din nyang sagot sa akin sabay ngisi. Ehem.

"Dami mong alam ate. Baka sya naman yong dahilan kaya di ka manlang nagparamdam ng ilang taon."
Saglit itong natigilan sa sinabi ko.

"Ikaw ang maraming alam Ciel. Di ka pa masaya at di na kayo gugulohin ni Violeta?"

"Masaya syempre. Pero bakit kasi magkasama kayo ngayon?"

"Ang kulit mo... malalaman mo din." Anito at pinanggigilan ang pisngi ko. Sa inis ko ay pinanggigilan ko din ang pisngi nya tapos sabay kaming nagtawanan.

You Are My EVE-rything (book2)Where stories live. Discover now