CHAPTER FIFTEEN

3.2K 132 7
                                    

******
"Kiss na darling ko... alam mo namang miss na miss kita. Ang tagal nating di nagkasama."

"Heh! Eh gusto mo yata ihampas ko sa nguso mo itong sandok ha!"

"Kaw naman darling ko. Di mo naman yata ako namimiss eh." (Singhot) "di mo na yata ako lab. Siguro may iba kana. Baka nagkaroon ka ng boypren nung ala ako dito." (Singhot ulit)

"Dyaske kang matanda ka! Gusto mo yata ibalik kita sa kulongan hah!"

"Darliiiing......"

Natatawa na lang kami kina nanay at tatay. Kinukulit kasi ni tatay si nanay habang nagluluto. Sa wakas, nakalaya na si tatay at masaya kaming lahat.

"Ayos na ang problema natin sis. Lovelife mo na lang ang kailangang maayos." Sa sinabi ni ate Kate, pakiramdam ko'y  nagtwinkle ang mata ko.

"Tama ka ate. I'm inlove. Ayieeee!" Kakong parang naiihi.

"Kanino?"

"Alam mo na kung sino ate. Sa kanya lang talaga ang puso ko." Kakong napatingin sa kisami na tila nangangarap.

"Tama na yan ate! Malaglagan pa ng butiki yang mukha mo." Si Pot. Kahit kelan talaga kontrabida to. "Nag aantay sa labas ang manliligaw mong babae!" Anito pa. Bigla akong napatayo.

"Si-sino?" Natatarantang tanong ko habang inaayos ang buhok ko.

"Si ate Amber. Sino pa ba?" Anito.
Parang nawala ang excitement ko. Akala ko pa naman... hay... di ko dapat iniisip to. Unfair naman kay Amber, napakabait nyang tao.

"Ala! May sinabi ba ako? Hmp!" Tinalikuran ko na sila at nagmadaling lumabas.

"Amber!"

"Hi!" Anito with matching smile. Bakit kapag si Alex ang ngingiti sa akin pakiramdam ko tumalon ang puso ko sa lupa tas kinain ng aso.

"Hi! Napadalaw ka." Akward na sabi ko. Naman Ciel! Manliligaw nga diba?

"Bawal na ba baby girl?"

"Hahaha ikaw talaga. Lika na pasok ka. Bakit di kapa pumasok kanina?"

"Mas okay na dito sa labas. Presko ang hangin kasi may puno." Anito at umupo sa bangko na nasa lilim ng puno ng talong.  Namunga kasi yong paper tree ng artipisyal na talong. Alam ko si Pot nanaman naglagay eh. Bakla talaga yon.

"Ayaw mo lang sa loob kasi ala kaming aircon." Kakong nakanguso.

"Silly. Gusto lang kitang masolo dito. Namiss kasi kita." Nabilaukan ako sa sarili kong laway dahil sa sinabi nya.

"Hehehe ikaw talaga. Puro ka kalukohan."

"Come here. Upo ka sa tabi ko. Bakit parang natatakot ka sa akin?"

"Hehe hindi naman." Kako at umupo naman ako sa tabi nya.

"Im serious Ciel. Nung sinabi kong liligawan kita." Anito at hinawakan ang kamay ko.

"Eh..."

"You gave me a chance right? Bakit parang alanganin ka ngayon?"

"Ha? Ah...." tang ina.... anu ba dapat kong sabihin?

"Do you still want me to court you?" Anitong seryuso ang tono.

"Kwan kasi...." di na ako makatingin sa kanya. Parang sobrang nagagandahan ako sa lupa dahil doon na ako nakatingin.

"Bumalik na ba sya sayo?"

*******

Lunch na pero ala pa si Alex. Di rin ako mapakali. Kami na kaya ulit? Hinalikan nya ako. Pero paano si Laureen? Alangan namang pagsasabayin nya kaming dalawa diba? Di rin kasi kami nakapag usap ng maayos dahil may biglaan itong tawag kaya kinakailangan muna nitong umalis.

You Are My EVE-rything (book2)Where stories live. Discover now