Last Chapter

5.1K 153 27
                                    

EPILOGUE

*********

Inot inot akong bumangon. Masama nanaman kasi ang pakiramdam ko.

"Morning hon!" Bati ko kay Alex na nakatalikod habang nagluluto.

"Morning too hon. I love you!" Nakangiting bati nito at muling itinutok ang atensyon sa niluluto.
Napadako ang mata ko sa pwet nyang matambok. Nanggigil ko itong nilapirot.

"Aw! Hon! Masakit yon ha." Anitong nakanguso. Kaya hinalikan ko ito ng mabilis lang sana kaso hinapit nya ako kaya tumagal gang sa lumalim ang aming halikan.

"Sarap mo talaga hon." Anito pa at kumindat.

"Gushto mo isha pa?" Landi ko sa kanya. Akmang hahalikan ko ulit sya nong may maamoy kami. Agad nyang binalikan amg niluluto nya.

"Shit hon! Sorry, nasunog yong hotdog!" Tarantang sabi nito.

"Okay lang hon. Dahil din naman sa kalandian natin." Hagikhik na sagot.

"You're so naughty my wife hmm?" Anito at hinalikan ako sa leeg. Lalo nanamang nag init ang pakiramdam ko. Ewan ko ba parang mahilig na ako ngayon. Gustong gusto ko din talaga ang amoy ni Alex.

"Nakikiliti ako hon." Kako pero lalo ko namang nilapit ang sarili ko sa kanya.

"Sana palagi lang maglihi hon. It suits you. Mas lalo ka naging wild and hot. And i like it my wife...." anas nito. 1 month mahigit na kasi akong buntis at pinsan ni Alex na bakla ang donor.

"So.....?"

"Parang gusto ko na sa kama na tayo mag almusal hon...." anito at binuhat na ako papunta sa kwarto namin.

******

"Hon, Angel's teacher called me. Pinapatawag tayo sa school nya
" ani Alex sa akin.

"Ha? Bakit daw? May nangyari ba kay Angel?" Nag aalalang tanong ko.

"Wala naman daw masamang nangyari hon. May ginawa lang yata ang anak natin na hindi dapat." Kalma nitong sagot.

"Anu naman daw hon?" Kilala ko naman kasi ang anak ko. Pilya ito pero di ito gagawa ng nakakasakit sa kapwa nito.

"Di pa sinabi hon, pag uusapan na lang daw natin sa office nila." Anito.

"Sige, magbibihis lang ako at pupunta na ako."

"Sasamahan kita hon..."

"Di ba papasok ka ngayon? Ilang araw  ka ng di nagpupunta sa bar?"

"Problema sa anak natin yon hon kaya dapat dalawa tayong pupunta don." Anito.

"Hon... thank you. Sobrang blessed kami ni Angel na dumating ka sa buhay namin." Kako at niyakap sya.

"Kayo ang blessing sa akin hon. Kasama ang little monster na yan sa tyan mo." Anito at hinaplos ang impis ko pang tyan.

"Hmp! Little monster ka dyan. Ito ang pangalawang anghel ko ano?" Nakangusong sabi ko.

"Yeah hon. So magbihis kana. O gusto mong ako magbibihis sayo." Tudyo niya sa akin.

"Sus wag na! Baka di na ako makakapagdamit nun." Kako at nagmadaling nagtungo sa kwarto para magbihis.

******

"Ano pong problema sa anak namin." Ani Alex na nakaakbay pa sa akin. Di naman na nagulat ang principal dahil kakilala ito nk Alex at alam naman nito ang klase ng relasyon namin. Nasa office na kami ng school.

"Merun kasing ginawa ang anak nyo. Tss. Panu ko ba ito ipapaliwanag." Anito.

"Handa po kaming malaman kung anuman mam." Sabi ko.

"Si Angel kasi. Hinalikan nya ang kaklase nyang babae!" Anito. Kinabahan ako pero napahalakhak lang si Alex na akala mo natutuwa pa.

"Whats wrong with that Megan? Baka friendly kiss lang naman?"

"Its not a friendly kiss Alex. Sa lips nya hinalikan ang kaklase nyang babae!" Hysterical na sabi ng principal. At babae pa pala ang hinalikan na anak ko. My God! Twelve years old lang ang anak ko!

"She's just a kid Megan. Baka disgrasya lang na sa lips lumanding ang halik ng anak namin. Malambing kasi yon." Ani Alex.

"Its not. Sinadya nya talagang halikan sa labi ang kapwa nya batang babae. They're bestfriend nung batang babae, silang dalawa lang palage ang magkasama. Nung may nakipagkaibigan don sa isa na batang lalake ay nagalit ang anak nyo. Pinilit nyang halikan yong kaibigan nya sa lips pa! And do you know what she said after she kissed the poor little girl?"

"What?" Relax lang na tanong pa ni Alex.

"That no one can kiss or even touch her friend except her because she will marry her!" Napatawa pa si Alex habang naluluha ako.

"So I should celebrate then." Anito pa.

"Alex! Hindi biro ito!"

"Yes I know. Pero wala tayong magagawa kung ganun ang anak natin. Lets accept it. Pagsabihan na lang natin na wag gawin ang mga di pa dapat." Anito.

"Pero napakabata pa nya para maramdaman agad na kakaiba sya."

"Bata pa lang din ako nun noong malaman ko sa sarili ko na kakaiba din ako."

"Nakatrauma pala ang batang hinalikan ng anak nyo Alex. Takot na ito sa anak nyo. Naaawa ako don sa bata. She's an orphan. Kaya lang nakapag aral yon dito dahil matalino at isa itong nakuha sa schoolarship."

"Pwede namin syang ampunin. Iuuwi namin sya sa bahay." Ani Alex.

"Sira ka ba Alex? Pagsasamahin mo yong dalawa? Idi lalo matrauma yong bata! Takot na nga ito sa anak natin." Saway ko.

"Mas maganda para malabanan nya yong takot nya. Malalaman nyang mabait naman pala ang anak natin. Pwede rin naman nating itanong sa psychiatristk kung pwede ang ganun, kung nakakatulog ba." Anito.

"Pero...."

"May point din naman si Alex, Ciel. Pag usapan nyong maigi para pag talagang aampunin nyo tutulong ako. Gusto ko ding gumanda ang buhay ng batang yon. Napakatalino at napakabait na bata nun." Anito.

"Sige po. Pag uusapan po namin."

******

"No! I don't like it! Kung titira dito si Miya titira lang! Wag nyo syang ampunin!" Umiiyak na sabi sa amin ng anak ko. God! Anong nangyayari sa anak ko. 

"Why? You dont like her to be your little sister. Shes an orphan, she need a parent, like us." Paliwanag ni Alex.

"I dont like her to be my sister! I want her to be my girlfriend!"

"Bata ka pa para sa gangan Angel!" Pagalit na sabi ko. "Saka are sure na gusto mo sya, parehas kayong babae at napakabata nyo pa!"

"Really ma? Tatanungin mo pa ba ako? How about nyo ni mom? Pare parehas lang naman tayo. Bakit di nyo na lang ako suportahan?"

"Angel! Dont talk to your mother like that! Buntis ang mama mo!" Si Alex.

"Im sorry momy...." Ani Angel kay Alex at yumakap. Ako talaga ang ina ni Angel pero mas close pa silang dalawa.

"Sa mama mo ka magsorry young lady. Ang point lang ng mama mo ay napakabata mo pa para sa relasyon na yan."

"Ma sorry...." anitong nakayuko.

"Its okay anak... basta sana wag muna ngayon. Masyado ka pang bata."

"Yeah ma. Pero wag nyo pa rin syang aampunin. I will marry her ma."
Napailing na lang ako. Bakit ba katigas ng ulo ng anak ko?





"The end"

You Are My EVE-rything (book2)Where stories live. Discover now