CHAPTER TWENTY-ONE

2.9K 97 4
                                    

*****

"Araw araw kang nagmumukmok dyan. Maligo ka nga ambaho mo! Amoy gang labas ang amoy mo! Nakakahiya sa kapitbahay!"

"Tigilan mo ako."

"Anong gusto mong mangyari sa buhay mo ha ate? May anak ka pa oy!"

"Alam ko! Tss. Basta hayaan nyo muna ako ngayon."

"Ay ewan ko sayo. Maligo kana at sasama ka sa amin."

"Ayuko. Kayo ang pupunta kung gusto nyo!"

"Bakit kaba nagkakaganyan? Dapat nga ikaw ang unang pumunta noon doon. Anu na bang nangyayari sayo ate?"

"Wag nyo na akong pakialaman. Kung gusto nyo syang puntahan, puntahan nyo na lang."

"Di mo ba sya mahal ate? Pagkatapos nyang sagipin ang buhay mo ay ganyan lang ang gagawin mo?"

"Umalis na kayo! Iwan nyo lang ako dito!"sigaw kong napahagulhol. Bagamat nagulat ito sa inakto ko ay tinalikuran na lang nya ako.

"Ciel! Anu nanaman ba? Kinakausap ka ng bata ng maayos? Bakit ganun ang tugon mo? Bakit kaba nagkakaganyan?" Si ate Kate.

"Hayaan nyo na kasi ako! Di nyo ako maintindihan!"

"Anu pa ba kasi ang dapat naming intindihin sayo? Simula sapul inintindi ka namin. Mga nagdaang nangyari inintindi namin. Ngayon magkakaganyan ka nanaman? Sino sa akala mo ang matutuwa sa ginagawa mo? Pati anak mo napapabayaan mo!" Anito at tinalikuran na ako.

Bakit di kasi nila maintindihan ang pakiramdam ko ngayon? Sarili ko ang sinisisi ko sa nangyari kay Alex. Ito ang pangalawang beses na nilagay ko sya sa kapahamakan. Di ko sya kayang makita! Di ko sya kayang tingnan. Na sana kung di naging matigas ang ulo ko, sana di yon nangyari sa kanya!

*****

"Anak, umayos ka naman. Kung sisisihin mo ang sarili mo sa nangyari, alang mabuting maidudulot yon sayo. Tingnan mo nga ang sarili mo. Di kana halos kumakain. Napapabayaan mo na ang sarili mo. Panu ang anak mo ha? Pababayaan mo na rin lang?"

Muling tumulo ang luha ko dahil sa sinabi ng nanay ko.

"Sa pangalawang pagkakataon niligtas ka ni Alex. At ginawa nya iyon dahil mahal ka nya. Kaya sana wag mo ng sisihin ang sarili mo. Nandito lang kami para sayo. Ang anak mo, naapektuhan din yong bata sa nakikita nyang kalagayan mo. Bakit, sa akala mo ba di yon nagtatanong kung bakit ka nagkakaganyan?"

"Nay pa-

"Yaan nyo na sya nay! Kung ganyan ang gusto nya hayaan nyo na! Napakatigas ng ulo mo. Ngayong may nangyari saka ka nagkakaganyan. Idadamay mo pa mga taong nakapaligid sayo! Di mo manlang isipin ang anak mo!"

"Kate! Wag mong pagsalitaan ng ganyan ang kapatid mo!" Saway ni nanay kay ate Kate. Lalo akong napaiyak. Tama si ate, bakit ko nga ba sila dinadamay? Kasalanan ko naman, pati anak ko napapabayaan ko.

"Ilang beses na syang nakausap ng maayos. Kahit manlang sana sa anak nya umayos na sya pero ayaw nyang makinig. Anu pa ba gusto nyang mangyari?"

"Anak, intindihin mo naman ang kapatid mo. May pinagdadaanan sya."

"Alam ko yun nay, pero sana isipin naman nya ang anak nya. Anu pa bang inaarte nya? Buhay naman si Alex! At sobrang nagtatampo na dahil di manlang nya madalaw!"

"Anak, bakit kasi? Bakit di mo sya dalawin?"

"Nay... di ko kaya..."

"Bakit? Di mo kayang makita ang kinalabasan ng pagkamatigasin ng ulo mo? Tinaya nya buhay nya sayo! Pano kung di sya nakarating don? Baka pinaglalamayan kana namin! Di mo lang alam ang naramdaman namin nung gabing tumakas ka Ciel! Sinisi ko pa ang kasintahan mo! Bakit di manlang nagising nung bumangon ka! Sya na ang sinisi ko sa sobrang pag aalala ko sayo!" Ani ate na napaiyak.

"Ate, nay.... sorry.. di ko sinasadya! Ginawa ko lang din yon dahil akala ko yon ang dapat..." Napaiyak na kaming lahat. Di ko masisi si ate kung galit sya sa akin. Pinairal ko kasi ang katigasan ng ulo ko.

*****

"Hoy babae! Isang buwan na ang nakalipas mula nakalabas sa ospital si Alex pero di mo manlang sya dinalaw." Si ate Clarise.

"Di ko pa sya kayang harapin ate. Nahihiya ako." Kakong nakayuko. Magaling na raw ito. May karapatan ba akong magtampo dahil di na nya ako tinawagan at di na nya ako pinuntahan dito sa bahay? Di ko naman sya masisi. Di ko din naman sya nadalaw sa ospital, eh ako ang dahilan. Natatakot kasi ako na baka tuluyan syang mawala. Na ako pa ang dahilan. Di ko sya kayang makita sa ospital na nag aagaw buhay.
Noong nabaril nga ito ay sobrang natakot ako. Niyakap nya kasi ako kaya ito ang natamaan. Itinaya nya ang buhay nya para sa akin. Sobra akong nakunsensya dahil kung di dahil sa katigasan ng ulo ko di sana nya mararanasan yon.

"Sinisisi mo pa din ba ang sarili mo? Wala kang kasalanan."

"Parang di ko na kasi sya kayang harapin ate. Pangalawang beses ko na syang nilagay sa alanganin." Malungkot na sagot ko.

"Mahal ka nya kaya ka nya niligtas."

"Tama naman si ate Kate. Dahil sa katigasan ng ulo ko napapahamak ang taong mahal ko.."

"Wag mong sabihin yan. Di naman siguro ganyan ang ibig sabihin ni Kate."

"Ciel....."

"A-ate Kate! Kanina ka pa dyan?" Lumapit ito sa amin at tumabi sa akin.

"Patawarin mo ako kung may nasabi ako sayong di maganda. Sobrang  nag alala kasi ako sayo. Di ko na din alam kung anu ano na ang lumalabas sa bibig ko. Nung gabing tumakas ka sobra kaming nag alala sayo. Sinisi ko sarili ko dahil di kita nabantayan. Pati rin si Alex dinamay ko. Di ko kasi alam kung buhay kapa bang makakabalik. At sobra naman akong nag alala nung binalita sa amin na nasa ospital daw kayo ni Alex.
Nagpasalamat na lang ako dahil buhay ka, dahil sa pagligtas sayo ni Alex. Wag mo na din sisibin ang sarili mo. Isa kang ina at kapatid. Kahit sinong ina ay susuongin ang panganib mailigtas lang ang anak at mahal sa buhay. Patawarin mo ako kung merun akong nasabi na di maganda. Ayuko lang din naman kasi na pababayaan mo ang sarili mo. Nandito naman kami at ang anak mo."

"Ate ko!" Napayakap ako sa kanya. Ganun din sya sa akin. "Patawarin nyo rin ako ate kung masyado akong padalus dalos... at wala kang kasalanan sa akin ate. Yong sinabi mong yon sa akin ang gumising sa akin."

"Sus! Drama nyo! Tama na nga yan!" Ani ate Clarise na nagpupunas ng luha. "Hoy Ciel! Ala ka pang victory! Yong love life mo baka sumablay nanaman." Anito. "Pabaya ka kasi!"

"Ate naman. Tulongan nyo ako!" Kakong ngumuso.

"Oo naman ikaw pa!" Ani ate Clarise.

"Anu naman maitutulong namin? Sasamahan ka namin don?" Ani ate Kate.

"Di ko nga alam kung papanu. Nag aalangan kasi ako." Sagot ko.

"At bakit naman?" Ate Clarise.

"Eh di naman na nya kasi ako tinawagan. Galit siguro sa akin..."

"Tss. Di magagawang magalit sayo yon. Mahal na mahal ka nun. Nagtatampo lang siguro. Lam mo na, doberman yon. Pero kunting lambing mo lang don maglalaway na sayo yon. Lam mo naman yon ulol na ulol yon sayo."

"Narinig ko yon Clarise!"

"Alex!" Gulat na sabi ko.

"Yes baby...."

*****

VOTE😚

-AcemarieT-

You Are My EVE-rything (book2)Where stories live. Discover now