CHAPTER FOUR

3.6K 130 3
                                    

*****

Luciel

Di pa din ako makapaniwala na magkikita ulit kami ni Alex, ilang taon na din ang lumipas. Napahawak ako sa dibdib ko. Tama si ate Clarise, may epekto pa rin si Alex sa akin. Mahal ko pa din sya.. Mahal pa din kaya nya ako?

"Momy! Gutto ko magplay!" Si Angel, kasama namin si nanay at Potpot. Nasa isang mall kami at katatapos naming kumain. Hay... Kasama ko pala ang pamilya ko eh kung anu ano pa ang iniisip ko. Magkikita kita sana kami nina ate Kate kaso bigla silang di natuloy, matapobre kasi ang magulang ng asawa ni ate Kate at magkakasama pa sila sa isang bubong. Sana naman maayos ito don. Si Tatay pa ang isang iniisip ko, dalawang buwan na namin syang di nadalaw.

"Sige, labas na tayo baby ha pero wait nyo ako sa labas. Iihi lang si momy tas magpiplay na kyo ng titoPot mo, okay?" Masaya namang tumango ang anak ko kaya lumabas na kami.

"Nay, Pot, saglit lang ako. Hintayin nyo ako. Si Angel ha..." Bilin ko. Tumango si nanay, si Pot naman ay busy sa kakatingin sa mga display. Hay... Naawa rin sya sa kapatid, malamang may gusto ito kaso di masabi dahil alam na gipit kami ngayon.

**
Pagkatapos kong umihi ay nagpahid ako ng konting polbo at nag lipgloss na din. Naman... Konting retouch lang naman saka ako lumabas sa restroom.

Papunta na ako sa pinag iwanan ko kina nanay nung may makasalubong akong pamilyar.

"Oh, we meet again!"  Bumilis ang tibok ng puso ko. Parang kakaiba ang aura nito ngayon kesa sa unang pagkikita ulit namin. Yong titig nya parang nakapainit at anumang sandali ay matutunaw na ako.

"H-hi..?" Alanganing bati ko. Sobrang ninenerbyos sko.

"Momy!"
Sabay pa kaming napalingon.

"Momy... Ang tagal mo po.. " ani Angel, agad itong kumapit sa skin. Kasama nya sina nanay.

"A-alex?" Ani nanay at halatang nagulat din ito.

"Ako nga po. Kumusta po kayo?" Anitong nakangiti kay nanay, nakatingin pa ito kay Angel, bakit sa akin di manlang ngumiti?

"Ayos lang naman iha. Siya pala si Angel, anak ni Luciel." Sagot nito sa nagtatanong na tingin ni Alex.

"Ah... Ok, nag asawa ka na pala. Congrats!" Anito at ngumiti.

"Hin-"

"Alex darleng! Nandito ka lang pala. I was looking for you, hmmmm...." Nabitin ang pagtatama ko sana sa sinabi ni Alex nung may lumapit dito na matangkad na babae at parang sawa na pumulopot ang braso nito kay Alex. "Who are they?" Tanong nito na tiningnan sina nanay, panghuli ako at tinaasan pa ako ng kilay. Tse! Mas maganda yata ang natural kong kilay noh!

"Mga kakilala. Tara na." Anito at tumango kay nanay at di man lang ako tinapunan ng tingin. Deadma na ang beauty ko sa kanya? May kasama kasing sawa, hmp! Ok na din na ang pagkakaalam niya ay may asawa ako. Nakakainis talaga.

*****

"Lutang ka Ciel, masama yata pakiramdam mo?" Si Myrna.
Oo masakit kasi puso ko.. Sagot ng isip ko.

"Hindi, ayos lang ako. Napagod lang ako nung day off ko, namasyal kasi kami nina nanay kasama ang anak ko." Sagot ko.

"Nagtataka lang din ako minsan Ciel, sana wag ka magagalit ha."

"Ha? Bakit naman? Ano yon?" Tanong ko.

"Kasi, buti payag ang asawa mo na magtrabaho ka. Bakit? Isa lang naman ang anak nyo. Anong trabaho ng asawa mo? At bakit di ka manlang nya sinundo dito kahit minsan lang?"

Natahimik ako sa tanong ni Myrna. Di ko expect yon a. Anong isasagot ko?

"Ah Ciel, sorry ha... Kahit wag mo na sagutin hehe, pasensya kana sa pagka tsismosa ko ha.." Alanganin ang ngiti nya sa akin, halata yata nito ang pagkatense ko.
Nginitian ko na lang ito at ipinagpatuloy namin ang pagtatrabaho.

****

Patungo ako sa kwarto ni mam Celeste dala ko ang pang taghalian nito dahil don daw ito kakain at ako daw ang gusto nitong magdala dahil may pag uusapan daw kami tungkol sa benefits ko. Hay... Kala ko kung ano na.
Kumatok ako.

"Come in." Anito pagkabukas ng pinto. Nakasuot lang ito ng maikling roba kaya expose ang mahahaba nitong legs. Napalunok ako, ang bango din kasi nito at halatang bagong ligo. Naalala ko si Alex. Hay... Alex nanaman. Umupo ito sa isang couch at nagdekwatro. Yay! Masisilipan ko na to. Ipinatong ko yong tray sa maliit na mesa malapit sa kanya.

"Sit down Luciel. Para kang natatakot sa akin." Anitong ngumiti.

"Po? Hin- hindi naman po!" Nabubulol pang sagot ko kaya lalo itong ngumiti. Umupo rin ako sa isang single couch.
Tinitingnan lang nya ako habang nilalaro ang ballpen na hawak nito.
Ano bang trip ng amo kong to? Kala ko mag uusap kami?

"Kumusta kana Luciel?" Anito at deretsu sa mata nya akong tiningnan.

"Ha? Ah, maayos naman po ako mam." Sagot ko. Himig kong may iba pa itong tukuyin.

"Oh I see..? So how are you after meeting Alex again?"

Lalalala anu to? Bibigyan ba ako ng isang milyon pag sinagot ko ang tanong nya?

"Eherm... Hihi. Okay pa din po." Sagot ko, alam kong namumula na ang pisngi ko. Bakit kong anu ano kasi tinatanong nito eh. May alam ba ito sa nakaraan? O baka si Alex ba ang makukuha kong benefits? Napangiti tuloy ako sa naglalaro sa isip ko.

"Mukhang okay ka nga, you're smiling huh? So are you together again? Alex said may date sya kahapon." Aniya sa akin saka nanunudyong ngumiti.

Napasimangot naman ako. Date nya pala ang sawang yon ha!

"Ow... Bakit napasimangot ka naman? Hindi ba naging maayos ang date nyo?"

"Ah mam, di po katulad ng iniisip nyo." Kako, naks naman. Akala pa ako ang date ng asong yon.

"So anu?"
Sasagot sana ako nung nagbukas ang pinto at niluwa si Alex?

"What are you guys doing huh?" Anito na palipat lipat ang tingin sa aming dalawa ng amo ko. Napasinghap naman ako. Parang mawawalan ako ng oxygen, ang talim kasi ng tingin nya sa akin. Bakit parang nag-iba na si Alex? Malamig ang mata nito kung tumingin. Galing ba ito sa freezer? Galit ba ito dahil sa nakaraan? Pero mukha namang nakamove on, may kadate pa nga itong sawa kahapon. Ako pa nga yata ang di nakamove on. Dyemn met...!

"Chill Alex.. Just a little chitchat." Ani mam Celeste na nakangisi pang tumingin sa akin.

"Ah, bababa na lang po ako mam. May gagawin pa po ako." Kako na lang, parang di ko kasi kaya ang presensya ni Alex.

"Okay sweetie pie." Ani mam Celeste at kumindat pa sa akin. Wew... Pilya pala tong amo ko eh. Nagkasalubong naman ang kilay ni  Alex. Minadali ko nalang ang paglakad paalis kahit parang nangangatog ang tuhod ko.

*****

Hellow there! Sa mga hindi nagsasawang mag antay ng update kahit napakatagal, THANK YOU VERY MUCH..

_Ace_



You Are My EVE-rything (book2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon