32

22.6K 495 51
                                    




**Reece's POV



"San mo ba ako dadalhin?" Takang tanong ko kay Yassy.






"Gusto ko lang sabihin sa'yo na hindi muna tayo matutuloy sa New York." Tumingin ito sa akin ng saglit saka nagmaneho ulit.






"Yes, change of TIME but not change of plan." Sagot ko sa kanya. Hindi pa ako pwedeng umalis dahil walang magmomonitor kay Mommy. Wala pa rin si Dad dahil, with his words, may Confidential Case  ito sa ibang bansa. It has been a month simula ng andoon siya.






"Fine."






"Sagutin mo nga ako. Saan ba talaga tayo pupunta?" Hindi pa rin ako kinikibo ng bruha. Nanatili kaming tahimik pero ilang saglit lang ay hindi ko na ito kinaya.







"Yassy Monteverde! Anong ginagawa natin dito?!" Dinungaw ko ang pamilyar na building kung saan pumasok ang sasakyan pababa sa parking space.






"Manahimik ka nga. Sasamahan mo lang ako saglit!" Nakasimangot na sabi nito.






"Mananahimik ako kung sasagutin mo ang tanong ko!" Pagpupumilit ko.







"Relax ka lang, okay? Buksan mo yang compartment sa harapan mo." Utos nito.







Inirapan ko ito at tsaka binuksan ang compartment niya. Agad kong napansin ang isang maliit na navy blue box. Inangat ko ito at ipinakita sa kanya.







"Hoy, Monteverde! Wag mo nga akong pinaglololoko." Binato ko ito sa kanya sa ulo. Nasalo naman nito agad at natatawa pa ang bruha.






"Gaga! Hindi galing sa akin yan! Bakit naman kita bibigyan ng ganyan!" Pilosopong sabi nito at muling binalik sa akin ang box. "Buksan mo dali!"







Hindi man lang makapag-antay. Kulang na lang siya na mismo magbukas. At laking gulat ko na lang nang makita ko ang laman nito.







"Pa--paano?" Takang tanong ko.







"Two days ago pinadala sa akin iyan ni Boni. Binilin niya na puntahan raw natin." Ngumiti ito sa akin saka agad bumaba ng sasakyan.







Sumunod naman ako sa kanya na gulong gulo ang isip. Pinadala na lang niya? Why not to me? Ayaw na ba niya akong makita o makausap kahit saglit man lang? May nagawa ba akong hindi dapat at ganito siya sa akin ngayon? Nagsawa na ba siya sa akin?






Pero teka..







"TWO days ago! Bakit ngayon lang?!" Mabilis akong naglakad para sundan siya.







"Busy ako." Maikling sagot nito na parang nangaasar pa.







Gusto ko itong habulin at sabunutan. Hindi man lang niya ito binanggit sa akin ng mas maaga.







Pero sa totoo lang, hindi ko maramdaman ang pagkainip na sa wakas ay makikita ko na ang unit ko. Dahil kung sa tutuusin, mas sabik pa akong masilayan ang mukha ni Boni. Ito nanaman ako, nalulugmok.






"Anong floor ka?" Tanong nito ng makapasok kami ng elevator. Lihim akong napapangiti dahil may nakasama sa susi ko na isang surfboard keychain.






"21." Pinanood ko itong pindutin ang floor ko at may nilabas sa bag niya.






"You need to wear this." Inabot nito sa akin ang isang pink na sleeping mask. "I'm only following instructions from my cousin here. She wants you to somehow feel surprised."






Doctor Who? [BOOK 1] COMPLETEDWhere stories live. Discover now