Kabanata VIII

43.9K 894 16
                                    

"Bye sexy girls" sabi ni Jerem pag ka upong pag ka upo niya sa sasakyan. Pag kagising naming nung umaaga ay sinabi samin ni Ate Pin na uuwi na kami.

Hindi na kumontra si Jess.

Kay Kuya Jos parin ako nakasakay, Si Ate Pin at Jayden ang nakasakay kay Josh ngayon.

"Stop with the sexy girls already Jer" mapanuksong sabi ni Jade sakanya.

I know Jade is trying to make the atmosphere a little lighter even though it's hard.

"I know, I know. I was just saying goodbye" sabi niya at tumingin nalang sa bintana. Umiling nalang ako. Alam ko naman na pinapagaan lang din niya ang atmosphere sa loob ng sasakyan.

"Kuya.. Kuya Jos" mahinang tawag ni Jess. Mukhang lahat kami ay nagulat sa pagsalita niya. This is the first time she talked to us..

"What is it?" Mabilis na tanong ni Kuya Jos.

"Did you tell the elders already.. na alam ko na?" tanong ni Jess.

Napapikit ako sa tanong niya. Yun lang ay nasasaktan na ako. Paano pag nangyari na?

Napahawak sa kamay ko si Jess. Alam kong natatakot siya at natatakot din ako para sa kanila.

"Yes.." napasinghap ako sa sagot ni Kuya Jos. I mean.. alam kong kailangan pero hindi ko alam na ganon kabilis.

"Ayoko pang umuwi.." ani Jess.

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Ako mismo ay hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko kayang makitang masaktan si mommy. Keeping this from us means that she has a reason why she did it.

"We need to go home.. galit na galit sila sa akin. Inako ko na ang lahat." malungkot na wika ni Kuya Jos.

"But it's not your fault!" Giit ko pero umiling siya sa akin.

"I'm the eldest. Ayoko naman madamay si Pin dito. It's okay. I can manage." Wika niya kaya mas lalong nanikip ang dibdib ko.

Napatingin ako kay Jess na diretso lang ang tingin. Pinisil ko ang kamay niya at tinignan naman niya ako. Ngumiti siya sa akin at tumingin ulit sa daan.

"I know Kuya, I need to face this.." sabi ni Jess. Napabuntong hininga naman ako.

I don't want to talk anymore..

Tinignan ko ang nag vibrate kong phone. Tumatawag siya! Dylan is calling! What should I do? Should I answer?

Dumikit ako malapit sa may bintana at sinagot iyon.

"Hello?" mahina kong sagot pero sinigurado kong maririnig niya.

"Hey" Damn, his voice is so sexy. Napangiti ako at napansin kong nakatingin sa akin si Jade. Ngumiti nalang ako at mukhang napangiti din si Jade.

He can change my mood that fast. He can make my heart be at peace that fast.

"Where are you?" tanong niya sa akin. 

"On the way home.." mahina kong sabi. Malungkot ako na uuwi na kami, hindi pa ako handang harapin ang problema at alam kong mas hindi pa handa si Jess.

"I told you to follow your heart.. do you think you're following it?" sabi niya sa akin kaya natigilan ako. Tinignan ko ulit si Jess na diretso lamang nakatingin sa harap.

Dylan! I know what he's trying to do! I'm falling for him even more!

Hinawakan ko ang kamay ni Jess kaya nagulat siya.

Facing The Legacy (FS # 1)Where stories live. Discover now