Kabanata XI

38K 789 14
                                    

"Are we going?"

Nagising ako sa pagiisip nung marinig ko ang boses ni Jayden.

"Huh?" Tanong ko sakanya at napabuntong hininga naman siya.

"You're not listening to me" napahawi nalang ako sa buhok ko.

I was thinking about mom, dad and everybody. Nag lulunch kami ngayon ni Jayden sa bahay pero kaming dalawa lang. The house felt so empty.. with Jess not around.

Si mommy ay nag susulat ng bagong libro but I doubt it, feeling ko ay ayaw lang niya talagang lumabas sa kwarto niya. Nasa office naman si daddy.

"Sorry" yan nalang ang nasabi ko at uminom ng tubig.

"As I was saying, nag ya-yaya sila Jasper mamaya sa Marco Polo." Tinignan ko ng masama ang kapatid ko.

Nag-iisip ba sila?

"Marco Polo? Nag bibiro ka ba? After ng lahat?" Hindi ako makapaniwala sa sinasuggest nila.

"Jas, kung mag mumukmok tayo dito wala naman mangyayari. Kahit anong gawin natin dapat ay mag move on tayo pakonti konti and we could invite Jess too.." natigilan ako sa sinabi niya.

Tama.. chance to para makita si Jess.

"Okay I'll text her" sabi ko at nakita kong napailing nalang siya.

Mabilis kong tinext si Jess. Mabilis din naman siyang sumagot ng sasama daw siya.

"Okay we're going" sabi ko at nagpatuloy na sa pagkain.


"Gosh! Malapit ng magpasukan!" Sabi ni Ate Pin at napasandal sa upuan. Nandito na kami sa VIP lounge ng Marco Polo.

We decided to have a drink first.

"Sexy schoolmates again" nakangising sabi ni Jerem kaya binatukan siya ni Jayden.

"Grabe! Hobby niyo bang batukan ako?" Nagtatakang tanong niya.

"Paano ba naman, puro kamanyakan yang lumalabas sa bibig mo." paliwanag ni Jade. Nag apir pa kami ni Jade.

From time to time.. pwede naman sigurong huminga at tumawa.

Tahimik lamang si Josh na umiinom. Within 2 days ay aalis na daw siya papuntang L.A.

"Josh! Loosen up!" Sabi ni Kuya Jos pero hindi siya kinibo ni Josh.

Napailing nalang si Kuya Jos.

Napatingin ako nung mag vibrate ang phone ko.

"Jess is here" sabi ko nung makita ko ang text ni Jess.

"Ate!" Napalingon ako sa tumawag sakin. Napangiti ako nung makita ko si Jess.

Mabilis akong tumayo at yinakap siya. I missed her so much. I felt crying again! Damn! Hindi ako iyakin pero.. I just want to cry.

"I missed you" bulong ko sakanya. Ginantihan naman niya ako ng yakap.

"I missed you too" sabi niya. Lumapit din si Jayden at yinakap si Jess. 

Hinila ko siya at pinaupo sa tabi ko.

"We miss you!" sabi ni Jade at nakita kong natuwa si Jess doon.

"How was your stay there?" Tanong ni Kuya Jos.

"Jos, you know they have those guys with coats. Nakakatakot pero cool. We should hire some men for us." excited na singit ni Jerem pero sinamaan siya ng tingin ni Kuya Jos.

Facing The Legacy (FS # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon