Kabanata XV

37.7K 813 23
                                    

"Hey, sasama ka ba mamaya?" tanong ni Jade sakin. 

She was talking about the party sa bahay nila Dylan. I-wewelcome daw nila officially si Jess pero hindi naman ibigsabihin non ay mag papalit siya ng apilyido.

Atleast she is still a Salazar.

"Of course" sabi ko at pumasok na siya sa klase niya. Ako naman ay dumiretso sa cafeteria para puntahan sila Ate Pin. Si Jade ay may last class pa.

Kahapon ay hinatid na namin sila Josh sa airport. Wala pa man ay ramdam na namin ang kakulangan sa amin. Josh is Jerem's very close cousin. Sila ang laging magkasama kaya parang nanahimik din ng konti si Jerem.

"Jas, why don't you take a risk?" napalingon ako sa tanong ni Ate Pin. Nakaupo kami sa cafeteria at hinhintay sila kuya.

"What?" naguguluhang tanong ko. Ngumiti naman siya sa akin at bumuntong hininga.

"I mean about Dylan" napaawang ang labi ko sa tanong niya. Lumunok ako at bumilis ang tibok ng puso ko sa pagkarinig ko ng pangalan niya.

"Ate Pin.." mahina kong tawag sa pangalan niya. Umiling siya at hinawakan ang kamay ko.

"I saw how hurt Jess about what happened. Pinag sisisihan ko araw araw na hindi ako nakatulong at isa pa ako sa naging dahilan kung bakit nahirapan lahat. I should be one of the people who are helping her but I didn't. So right now, I want to be a sister to you. I know you like him and I can see that he likes you too and who knows baka lumalim pa to pero alam kong pinipigilan mo." nanubig ang mata ko sa sinabi niya. Naiintindihan ko siya, I know where she is coming from.

Pag nakikita niya si Jess ay minsan umiiwas siya. I know it's also hard for her. Kaya lang naman niya nagawa 'yon ay dahil nagiging ate siya. Siya ang pinaka matanda, kumbaga resposibilidad niya kami.

"Ate.. I like him." nagpakawala ako ng buntong hininga nung sinabi ko yon. Ang sarap sabihin, sobrang sarap. "I like him too much. Yung tipong marinig o makita ko lang siya sobrang saya ko, bumibilis ang tibok ng puso ko at yung tipong hindi na ako makahinga pero alam mo gustong gusto ko yung pakiramdam na yon. Gustong gusto ko" ngumiti ako at ngumiti din siya. Hinintay niya akong ituloy ang sasabihin ko.

"Pero tuwing nakikita ko siya nasasaktan din ako. Kasi alam ko at naalala ko palagi na hindi pwede. Na kahit gaano tayo kayaman hinding hindi ako magiging karapat dapat para sakanya. Alam kong hindi ako dapat manliit pero alam kong walang magagawa ang karangyaan natin dahil baligtarin ko man ang mundo, wala ni isang dugong chinese ang dumadaloy sakin. Ayokong masaktan ang pamilya natin kapag nakita nilang nasasaktan na rin ako. Ayoko rin makasira ng pamilya, ng tradisyon" sabi ko at tuluyan ng nagbagsakan ang luha ko. Mabilis ko rin itong pinunasan. 

"Oh Jas, I never thought that you're feeling this way. Gosh, what can we do" I can see that she is lost of words. Umiling ako at ngumiti.

"It's enough that I know that you're all behind my back. Its enough." sabi ko at tumango naman siya. Yinakap niya ako at naramdaman kong gumaan ang puso ko.

Tahimik lang kami lahat na nasa sasakyan ni Kuya Joseph. Isang kotse lang ang gamit namin at pinagsiksikan namin ang sarili namin doon. 

"Sila Tita Rean? Hindi ba pupunta? Wala akong narinig mula sa mga elders simula kanina pa." tanong ni Jayden samin. Kahit sila mommy ay hindi pa nagrereply sa akin. 

Hindi na kasi kami umuwi dahil tinext kami ni Tito Brian na dumiretso sa hotel at doon mag ayos.

"Baka nasa event na." sabi ni Jade at nag kibit balikat.

"We're late" naiinis na sabi ni Jasper at tumingin sa relo niya.

"Well, it's us." natatawang sabi ni Jerem at umiling nalang kami.

Facing The Legacy (FS # 1)Where stories live. Discover now