Kabanata XXVII

32.7K 645 9
                                    

"What happened?!" Nag-aalalang tanong ni Tita Bea nung makitang may benda sa braso si Jade. Tulog pa siya, sandali lamang siya nagising kanina at nakatulog din ulit.

"Ako na magpapaliwanag. Mag dinner na muna kayo." Sabi ni Kuya Jos sa amin at tinignan niya kami na para bang hindi kami makakakontra.

"Hintayin na kita" sabi ni Ate Pin at tumango naman siya. Lumabas na kami ni Jayden, Jerem at Jasper.

Napatingin ako sa phone ko at nakita kong wala pang text mula kay Dylan. Nagaalala na ako sakanya kanina pa. Kaagad nalang siya umaalis na wala man lang sinasabi.

"Nasaan na pala si Ivor?" Napataas ang kilay ko sa narinig ko mula kay Jayden.

"Close kayo?" natatawang sabi ni Jerem kay Jayden pero sinamaan siya ng tingin ni Jayden. Tinaas niya ang kamay niya na para bang sumusuko na.

"Malamang umalis na. Ano pa bang gagawin no--" natigilan ako sa nakita ko. Si Ivor ay nakaupo sa waiting area. Nakasandal ang ulo nito at mukhang natutulog.

"Looks like Jade got him" nakangising sabi ni Jasper at nakipag apir sa kapatid ko. Lumapit kami sakanya at tinapik siya ni Jayden.

Nagmulat ito ng tingin at tinignan lamang kami.

"You can go home" sabi ko pero ngumisi lamang ito. 

Tumayo siya at nagpamulsa. Halos kapantay lang niya ng tangkad ang kapatid ko pero mas matangkad siya ng konti.

"I will just eat dinner" sabi niya, hindi ko na siya pinigilan. Malay ko ba kung babalik pa siya, maybe not.

If he will come back then maniniwala na ako na may gusto siya kay Jade.

"He is cool" nakangising sabi ni Jerem kaya napalingon kaming lahat sakanya.

"What? I mean he is a Montgomery, their business line are cars, gears, airplanes and ships so he is a jackpot. I like him for Jade" dagdag pa nito at binatukan siya ni Jasper. Natawa naman ako dahil doon. Kahit ata tumanda na kami ay hindi parin maititigil ang pananapok kay Jerem.

"You're a Scott" sabi lang ni Jasper at nauna ng maglakad. Pailing iling pa ito habang naglalakad. Inakbayan naman ako ni Jayden.

Sa lahat ng Scott si Jerem lang ang alam kong walang masyadong tiwala sa kung anong meron siya. He is easily amused by this things. Alam naman niyang kayang kaya niyang bilhin ang mga bagay na ito.

"How are you?" tanong niya sa akin at ngumiti ako. 

"Good? I don't know" I honestly answered. Walang rason para magsinungaling ako sa kapatid ko. Sumakay kami sa kotse ni Jayden at pumunta sa pinakamalapit na Restaurant. 

Napagusapan na mag te-take out nalang kami para makakain din lahat. 

"May sumusunod sa atin" natigilan ako sa pag tingin sa cellphone ko nung marinig ko si Jayden na magsalita.

Siya ang nagda-drive ngayon. Napatingin ako sa likod at hindi ko maintindihan. Liningon ko siya muli at nakita kong nakatingin siya sa rear view mirror.

"Even though I am thrilled with what is happening this is bullshit!" sabi ni Jerem habang nakatingin sa likod. Nag papanic ako bigla, I mean what the heck is happening?! 

"What is happening?" Tanong ko habang sinubukan hanapin ang sinasabi nila. Puno ng kotse sa likuran namin kaya hindi ko alam kung sino doon.

Mabilis na nag u-turn si Jayden.

"JD!" Sigaw ko dahil pinaharurot niya ang sasakyan. Napahawak nalang ako sa seatbelt ko. Buti nalang at naka seatbelt ako.

Narinig ko namang humihiyaw si Jerem at Jasper sa likod. 

Facing The Legacy (FS # 1)Where stories live. Discover now