"Ayusin niyo tong statements. Ibigay niyo sa akin ang latest list of sales ng bawat branches" utos ko sa sekretarya ko at mabilis naman itong sumunod.
I stretched and focused myself again. I need to fix everything, Jade's presence is really needed here pero I know that she needs time.
May kapalit naman siya but I still trust Jade's capabilities in terms of marketing.
I heard that she is doing good there. She increased the sales for five percent in just three weeks there. Tuwing naiisip ko na umaayos na ang kalagayan niya ay gumagaan ang pakiramdam ko.
"Find him" nag angat ako ng tingin sa nagsalita. I looked at Kuya Jos, kasama niya ang iba ko pang mga pinsan. I raised an eyebrow at them.
"Imbis na nakatayo kayo diyan, why don't you go to your work?" sabi ko nalang at nagpatuloy sa pag tatrabaho.
Narinig kong sinara nila ang pinto at nagulat ako nung may humablot sa kamay ko at pinatayo ako. Hinarap ko si Kuya Jos.
"Late na.. let's go home" wika niya pero hinablot ko ang kamay ko. Marahas niya iyong hinablot ulit.
"Ang dami pang kailangan gawin dito. Mauna na kayo" sambit ko pero hindi parin niya ako binibitawan.
"Mas gusto kong hanapin mo na yung lalaking yon kesa sinusubsob mo ang sarili mo kakatrabaho at kakamukmok. You are woking 15 hours a day for pete's sake! Nalaman ko pa na minsan ay dito ka na natutulog. Tita Cams is worried about you atsaka daig mo pa si Jayden na head ng security team." napapikit ako at dahan dahang inalis ang kamay niya sa pagkakahawak sa braso ko.
"Jas, do you want to have fun? Labas tayo?" pagya-ya sa akin ni Jerem pero umiling ako. Ngumiti ako at tinignan silang lahat. Huminga akong malalim at binigay ko ang pinakamatamis kong ngiti.
"I want to make Grandpa Luke proud, I heard na ganito din siya dati nag wowork lalo na at narinig kong may bago tayong makakalaban." pangangatwiran ko sakanila pero mukhang hindi talaga sila aalis sa opisina ko.
"We don't want you to be like this! Hindi namin sinabing i-inherit mo ang working habits ni Grandpa!" sigaw ni Jasper kaya lalo akong napasapo sa mukha ko. Hindi ko alam kung saan ako lulugar. Hindi ko na alam kung paano ko pa matatama ang mga pagkakamali ko.
Napahawak ako sa lamesa ko. Totoo yon, I was overworking myself. Gusto kong makalimutan lahat, gusto kong maging proud sila sakin. I want to be the responsible good daughter again.
"Kuya.. paano ko pa matatama yung mga pagkakamali ko? Tulungan mo ako.. ang hirap mabuhay na nagigising ako tuwing umaga na pakiramdam ko lahat ng nangyayari dahil sa pagkakamali ko. Kung hindi ko siya minahal, hindi makikilala ng mga Wong si Jess. Kung ganon hindi siya kukunin.. kung hindi ko siya minahal baka hindi rin nagtagpo si David at Jade, baka nandito pa si Jade ngayon. Kung hindi din ako umalis nung oras na yon, baka hindi namatay si-" yinakap ako ni Kuya Jos kaya lalo akong napahikbi. Kitang kita ko na nahihirapan din sila sa pangyayari.
Hindi ko akalain na ganito ang magiging consequences ng mga ginagawa ko. I was too busy loving him that I didn't notice how much I've hurt them.
"It is not your fault.. parehas lang tayo. Biktima ng tadhana, kahit ano pang gawin natin lahat ng nangyayari sa mundo ay naka takda na. Jess is a Wong, we can never deny that. She belongs to them as she was to us. Grandma and Grandpa found their way to forever and that is in heaven." paliwanag niya sa akin. Para namang gumaan ng sampong libong beses ang puso ko. Lumapit si Ate Pin at inayos niya ako.
"Wag mong dibdibin lahat. Mag pipinsan tayo diba? We should be helping each other" saad ni Ate Pin at yinakap ako. Tumango nalang ako bilang tugon. How am I gonna remove the guilt I have in my heart?
BINABASA MO ANG
Facing The Legacy (FS # 1)
Romance"Hindi mo ba naiintindihan? We can't be together, the stars won't allow it and the heaven is against us. We have dissimilar worlds." - Jasmine Salazar "As long as you want me as I want you. No legacy can stop me" - Dylan Wong Forbidden Love Series #...