Kabanata XXXI

35.5K 684 9
                                    

Napatingin ako sa daan, hindi ko na alam kung saan kami papunta. Isang malawak na taniman na nakapalibot sa daan ang tinatahak namin ang nakita ko at natigilan ako nung makita ang pamilyar na sasakyan sa gilid ng daan.

Tumigil si Dylan sa tabi non at lumabas ng sasakyan. Nakita kong lumabas si David sa kotseng iyon at nag-usap sila ni Dylan. Tango lamang ang sagot ni David kay Dylan. Nung natapos sila ay lumapit si Dylan sa sasakyan at pinag buksan ako ng pintuan. Bumaba ako at lumapit kami kay David.

"This is a big hassle to my part lalo na at hiniram pa nitong si kuya ang sasakyan ko. Why are you in the airport anyways? Akala namin ay aalis ka ng bansa." kumunot ang noo ko sa way ng pagsasalita ni David. This is the first time na nakita kong hindi siya inis o galit.

Pag nakikita ko kasi siya ay pakiramdam ko galit siya sa buong mundo. Pero ngayon.. parang close pa kami. Ngumiti pa siya sa akin.

"Well hinatid lang namin si Jade." napawi ang ngiti niya sa sinabi ko. Humigpit ang hawak sakin ni Dylan. May nasabi ba akong mali? Hindi ba ay dapat matuwa pa siya?

"W-what did you say? B-bakit hindi ko alam?" Napaawang ang labi ko sa nakikita ko. Is he crying? For what?

Lumingon siya kay Dylan at nakita kong nag a-alala na rin si Dylan sakanya.

"K-kuya.. bakit hindi natin alam?" Para siyang batang pinagkaitan ng katotohanan.

Gusto kong maawa sakanya pero hindi ko magawa dahil alam kong siya rin naman ang dahilan kung bakit umalis si Jade. Whenever I see him, I can always see Jade's crying face.

"Why are you acting like this? Hindi ba iyon ang gusto mo? Ang mawala sa landas mo si Jade?" Sunod sunod kong saad sakanya. I can't think of anything na dahilan niya para maging ganito.

Except if.. he loves her.

"I love her" natigilan ako sa sinabi niya. The tears that he tried to stop is now flowing. Natawa pa ito, I don't know what to react. 

"Yeah, I love her.. it took me a long time to say this but yes I love her. Pero tama na iyon, I know she'll be happy there" tumingin siya kay Dylan at tinapik ito sa balikat niya. 

"Chase your happy ever after brother" sabi nito at naglakad na papunta sa sasakyan niya. Sumakay ito doon at pinaharurot ito.

"What did just happened? I mean.. why did he hurted her if he loves her?" Nagtatakang tanong ko kay Dylan.

Bumuntong hininga si Dylan at hinaplos ang pisngi ko.

"Nakita niya kung paano ka nahirapan sa sitwasyon natin. He doesn't want her to experienced that kaya niya ginawa ang lahat para masaktan si Jade. He did everything to make Jade hate him." Napakagat ako sa ilalim ng labi ko.

"Bakit ikaw? If you know Im hurting, why are you still keeping me?" Seryoso kong tanong sakanya.

He looked at me in my eyes. Dahan dahan siyang lumapit sa akin at hinalikan ako sa noo. Napapikit ako dahil doon. Bumaba at hinalikan niya ako sa tungki ng ilong ko. Nag mulat ako ng mata at nakita ko ang sinseridad sa mga mata niya.

"Because I love you too much to stay away from you. Ayaw kitang masaktan pero ikamamatay kong hindi ka makasama. I sounded so gay but this is the truth." Pinunasan niya ang mga luhang nag simulang nag sitakasan sa aking mata. Naninikip ang dibdib ko sa hindi malamang dahilan.

"Then are you saying that your brother's love for Jade isn't that strong?" Tanong ko sakanya pero umiling ito.

"What I am saying is.. may ganon talaga. Kahit kapatid ko siya, what I can say is hanggang doon nalang ang kayang gawin ng pag mamahal niya sakanya. The only thing he can do is to save her from the misery. Maybe the love is not that strong, I don't know. But I am sure that they'll find what they deserve." Napatango nalang ako.

Facing The Legacy (FS # 1)Where stories live. Discover now