Kabanata XXVI

32.5K 656 51
                                    

"Uuwi na kami bukas" panimula ko sa pag uusap namin habang kumakain kami.

Napatingin siya sa akin at tumango. Hindi ko mabasa ang nasa isip niya.

"Yeah, I heard that we will drop you off back to Manila" sabi niya sa akin at napatango naman ako. Of course he is my cousin's bestfriend and co-owner of this. Malamang alam niya.

"Paano nga pala kayo naging close ni Josh? I mean nasa China kayo diba?" Matagal ko na tong gustong itanong sakanya. Ngayon lang ako nag ka chance.

"Well, nagkaroon ako ng business meeting sa New York. I need to be there para matutunan ang business so I went and I saw Josh. Wala naman akong pakielam kung nandoon siya but when I heard your name na kausap niya sa phone. I talked to him" napaawang ang labi ko.

"I asked him what happened and immediately, I wanted to see you. I asked him to bring me to you and I saw you in the coffee shop. I heard na naghahanap siya ng partners for his Cruise Line and I talked to him about that. Sinama ko pa si David. We became best of friends" napangiti ako sa huli niyang sinabi.

"Ikaw ah, stalker!" Natatawa kong sabi sakanya. Natawa din ito and I felt so alive just by hearing his laugh.

"Handsome stalker" pag cocorrect niyang sabi sa akin at napailing ako.

"What do you think will happen afterwards? Pag iniisip kong babalik na ako sa Manila pakiramdam ko mawawala ka na din sa akin. Pakiramdam ko panaginip lang lahat to." seryosong sabi ko sakanya. Kanina pa ito bumabagabag sa akin. Kung tutuusin, napakarami palang bagay ang bumabagabag sa akin. 

Nakaka inis na walang kasiguraduhan lahat. Na lahat to, pwedeng maglaho.

Tumayo siya at inabot ang kamay niya sa akin. Ngumiti ako at kinuha iyon, hinila niya ako paharap sa katubigan, yinakap niya ako mula sa likod.

"This is not a dream. Hindi ako mawawala, I will never let anything or anyone separate us. Just hold on and never release my hands. Don't ever turn your back on me please.. I am begging you with my heart" lumingon ako sakanya at ngumiti. 

Hinawakan ko siya sa mukha at hinaplos iyon. I love this man so much, too much that it hurts to think that our happy ever after is not sure. 

Bumaba ang mukha niya sa akin at dahan dahan niyang dinampi ang labi niya sa akin. 

Sa ilalim ng buwan ay naramdaman ko ang pinaka masayang gabi ng buhay ko.

NAGLALAKAD ako patungo sa conference room naming pamilya. Bow ng bow ang mga tao habang dumadaan ako. Nag vibrate ang phone ko at nakita kong text iyon ni Dylan na dadaan muli ang barko nila dito bukas. 1 week had passed simula nung makita ko siya at miss na miss ko siya. Call at text nalang ang komunikasyon namin. Minsan wala pang signal.

Binuksan ko ang pintuan ng kwarto at napailing ako nung makita ko ang nangyayari.

Nag kekwentuhan ang mga pinsan ko at kumakain pa ng snacks.

"Guys, you are not here to eat" mataray kong sabi at dere-deretsong pumasok na, umupo ako sa tabi ni Jade na tumatawa. I am happy to see her laughing.

Kumuha din ako ng brownies at nag cross legs. 

"Sus! Kakain ka din pala ate" natatawang sabi ni Jayden. Nag roll eyes lang ako at napangiti sa lasa ng brownies. Napaka sarap nito! Wow.. kung sino man ang nag bake nito ay hindi na papakawalan ng kompanya namin.

"Masarap diba?" nagniningning pa ang mata ni Jade habang kumakain. Tumango naman ako at kumuha ulit.

"Pinadala yan ng certain Joachim Ivor Montgomery for Jade Scott" tumaas naman ang kilay ni Jade kay Jasper. Binaba niya ang brownies at tinignan ng masama si Jasper.

Facing The Legacy (FS # 1)Where stories live. Discover now