Chapter 8

164 5 0
                                    

Chapter 8

"OKAY! Photoshoot is done. Thank you, guys!" Said the Photographer to us.

Nilapitan ako ng Photographer at ni Mr. Corpuz. "Thank you, Ms. Lovely!" Mr. Corpuz said na inilahad pa ang kamay for a handshake.

I smiled and tinanggap ko ang pakikipagkamay niya. "It's nothing, Mr. Corpuz. This is my job, so I have to do it properly. Thank you din dahil ako ang kinuha niyo to be your magazine's cover for this month." Pagkasabi ko no'n, tinanggal ko na ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Sosobra, eh. Uy, magalang kong sinabi 'yon, ha? Wag kayo!

Nag-excuse na muna ako sa kanila, naupo na muna ko. Nakakapagod din kaya ang mag-pose nang mag-pose ng ilang oras, 'no! Pero kahit gano'n, maganda pa rin naman ako kaya, push! *flips hair*

Pero teka, bigla akong may naalala. "Ahmm, excuse me?" Tawag pansin ko sa babaeng kadaraan lang sa harap ko. Ewan ko kung ano siya rito, siguro assistant gano'n. Nilingon naman ako nito. "Ano'ng oras na?" Tanong ko rito.

Napatingin naman ito kaagad sa suot na wristwatch. "Exact 3:00 pm po, Ms. Lovely." Sagot nito. Nginitian ko na lang ito at tinanguan, kaya nilagpasan na ako nito.

Oh My! 1:00 pm 'yong wedding, and the time now is 3:00 pm?! Oh My! Bakit ko nakalimutan?!

"Candy!" Kaagad na pagtawag ko sa baklang makeup artist na kasama namin dito sa photoshoot.

Agad-agad din naman na lumapit ito sakin. "Why po, Ms. Lovely?" Tanong nito.

"I-retouch mo ko, bilis!" Utos ko sa kanya.

"Okay. Ora mismo, Ms. Lovely! Tara po sa make-up room." At kaagad na nga akong tumayo at sumunod sa kanya papunta sa make-up room.

Buti na lang at hindi ito nagbagal, inumpisahan na niya kaagad ang pagre-retouch sa mukha ko. May pinatawag pa akong isang tao para utusan.

"Ano po 'yon, Ms. Lovely?" Tanong kaagad no'ng taong pumasok. Si Didi, 'yong isa rin naming kasamang assistant. Siya nga 'yong pinatawag ko.

"Paki-kuha naman no'ng dress na susuotin ko, nasa van." Utos ko naman dito. Kaagad din namang lumabas ulit ito. At ilang sandali lang ay bumalik na nga ito dala 'yong pinakuha ko. I gave her my thanks, then lumabas naman na ito ulit.

"Ayan! Perfect na po ulit, Ms. Lovely!" Said Candy nang matapos siya sa pagre-retouch sa'kin. Nag-thanks na lang din ako sa kanya saka ko siya pinalabas na dahil magbibihis na ko. Ito na rin kasi ang dressing room dito.

After kong maisuot 'yong dress ko, lumingon ako sa isang full length mirror para makita ang look ko. Napangiti naman ako. "Gorgeous!" I said in myself. Hindi naman na nagtagal, lumabas na ulit ako.

Paglabas na paglabas ko ng pinto, naagaw ko ang pansin ng mga tao na nandito pa rin ngayon sa studio kung saan ginanap ang photoshoot namin kanina.

As usual, hindi na ko nagtaka sa mga reaction nila ngayon habang nakikita ako. Mas nagmukha pa naman akong dyosa dahil dito sa suot ko ngayon.

Hinahabol pa nila ako ng tingin habang napapadaan ako sa harap nila. I just gave them a smile. I also flip my hair para mas dalang-dala, di ba?

"There you are! Oh, ayan naman pala, eh. Bihis ka na. Paaalalahanan pa sana kita about do'n sa wedding na a-attend-an mo." Icee said ng makita niya ko.

Inirapan ko nga siya nang makalapit ako sa kanya. "Ay, thank you, Icee ha? Naisip mo palang paalalahanan ako no'n?" Sarcastic na sagot ko sa kanya.

"Okay, sorry na. Nakaligtaan ko, eh. May kausap kasi ako kanina." She said.

"Oo na. I have to go na." Sabi ko na lang. Nagpaalam na muna kami kina Mr. Corpuz bago tuluyang umalis. Oo, nakipaalam na ko at baka mamaya talakan na naman ako niyang si Icee.

Missing PieceWhere stories live. Discover now