Chapter 57

129 6 0
                                    

Chapter 57

"KRISTOFF, wake up! Tanghali na! Baka ma-late tayo sa mass! Hey, bangon ka na d'yan!" Gising ko na kay Kristoff na hanggang ngayon ay prente pa ring nakahilata sa kama namin. Nakababa na ko't lahat pero siya, hayan, sarap na sarap pa rin sa pagtulog.

Lumapit ako sa closet para mag-ready na ng damit na isusuot. Sunday kasi ngayon at naisipan ko siyang yayain na mag-simba. Alam niyo na, siyempre dapat lang na magpasalamat ako sa lahat ng magagandang nangyari ngayon sa buhay ko. Ang tagal ko na rin kasing hindi nakakatawag sa Kaniya.

At pagkatapos naming magsimba, didiretso naman kami sa mansion. Nagyaya kasi sina Mama na mag-lunch doon together with his family para bonding na rin daw naming lahat. Siyempre, bakit ako tatanggi sa anyaya na 'yon ng parents ko gayong unang beses 'yong mangyayari sa amin.

Paglingon ko sa kama namin, nakahilata pa rin siya roon at tila ba wala pa talaga siyang balak na gumising! Napailing na lang ako saka ko siya nilapitan ulit.

"Hoy, Kristoff! Ano ba? Wala ka pa ba talagang balak na bumangon d'yan? Baka hindi tayo makaabot sa start ng misa!" Panggising ko ulit sa kaniya, niyugyog-yugyog ko na rin siya ng bongga pero inungulan lang niya ko. Napa-cross arms ako dahil nawawalan na ko ng pasensiya sa taong 'to. "Ayaw mo talagang bumangon d'yan? Teka lang, mag-iisip lang ako ng kanta para sa 'yo——"

"Loves, kiss lang ang kailangan ko." Ani niya bigla ngunit nakapikit pa rin. Hindi ko naman napigilang mapangisi sa tinuran niyang 'yon. Nagpapa-cute na naman po siya!

Naupo ako sa gilid ng kama malapit sa kaniya, saka ako yumuko para paglapitin ang mga mukha namin. "Kiss ba ang gusto mo, loves?" Tanong ko sa kaniya sa malamyos na boses. Nagdilat naman na siya ng mga mata at saka niya ako mataman na tinitigan bago siya tuluyang tumango. I gave him a seductive smile because of that.

Ibinaba ko na ang titig ko sa mga labi niya saka ko unti-unting inilapit pa ang mukha ko sa kaniya. Pero, hindi para halikan siya. Sa halip ay hiniklat ko ang leegan ng suot niyang t-shirt para pabangunin na siya. Mukhang nagulat naman siya sa ginawa kong 'yon dahil tuluyan na siyang napamulat at nanlalaki pa ang mga mata niya sa akin. I smirked. Akala mo, ha!

"Neknek mo, Mr. Suarez! Ayaw mo kong sundin, tapos gusto mong i-kiss kita? Huh! Bumangon ka na d'yan dahil baka po ma-late tayo!" Singhal ko na sa kaniya.

Napasimangot naman siya sabay kamot sa ulo. Nakaupo na siya ngayon sa kama. Saka siya bumulong-bulong. "Hindi man lang ako binigyan ng morning kiss?"

"Oy! Anong binubulong-bulong mo d'yan, ha?" Sita ko nga sa kaniya.

"Wala! Sabi ko, heto na nga! Babangon na po!" At tila napipilitang sagot niya sa akin saka siya tuluyan na ngang bumangon mula sa kama. Napangiti naman ako ng pagkalawak-lawak. Susunod din naman pala, eh!

"Ikaw na ang maunang maligo, susunod ako. Bilisan mo--" Natigil ako sa pagsasalita nang dahil bigla-bigla na naman niya akong hapatin sa bewang palapit sa kaniya. "Hay, ang kulit! Tama na nga! Maligo ka na r'on!" Sita ko sa kaniya. Pinanlakihan ko pa siya ng mga mata pero hindi ko rin naman mapigilang hindi matawa.

"Gusto mo, loves? Para hindi tayo ma-late sa misa, sabay na lang tayong mag-shower para makatipid tayo sa oras. Masaya rin 'yon!" Ani niya pa na may pilyong ngisi sa mga labi.

Hinampas ko nga siya ng malakas sa braso dahilan para bitawan niya ko. "Ikaw! Tumigil ka na, ha? Ang aga-aga, ang kulit mo!" Saway ko sa kaniya, habang siya ay napapahilot na sa braso niyang tinamaan ko.

"Ang sakit n'on, loves, ah?" Daing niya pa malaunan habang hinihilot pa rin niya ang braso niya ngunit natatawa rin naman.

"Ang arte, ha?" At tuluyan ko na nga siyang tinawanan. Hindi rin nagtagal ay tinulak ko na siya papunta sa CR. "Bilis na! Maligo ka na!" Pagtataboy ko na rin sa kaniya. Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko dahil hindi ko talaga mapigilang hindi matawa sa ugaliang ipinapakita niya sa akin.

Missing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon