Chapter 41

150 6 0
                                    

Chapter 41

LOVELY

SINAG ng araw na bahagyang tumatama sa mukha ko ang nakapagpagising sa akin ngayong umaga. Nakalimutan ko na naman palang hawiin 'yon pasara kagabi. Or should I say... hindi ko talaga nahawi 'yon kagabi dahil sa pagkakaalala ko, nakatulugan ko na si Kristoff kagabi habang nakatambay kami sa dalampasigan. At siguro, siya na naman ang umakay sa akin kagabi papunta rito.

Napangiti ako. Naalala ko 'yong pag-oopen ko sa kaniya kagabi. Sa ibang tao, kahit pa matagal ko nang nakakasama, hindi ko nagawa ang ganoon. Nagiging komportable na talaga ako sa lalaking 'yon at nakakagaan naman ng feeling kaya hinahayaan ko na lang ang sarili ko.

Napatingin ako sa wall clock kung anong oras na. Maaga pa pala pero bumangon na ako. Since day 1 namin dito, lagi nang maaga ang gising ko kahit hindi naman ganito ang nakagawian ko. Ang sarap kasi gumising ng maaga para masaksihan mo ang ganda ng umaga rito.

Kahapon nga ang saya kasi talagang naabutan ko 'yong sunrise, ang ganda talaga lalo na at makikita mo talaga 'yon na lilitaw sa Mt. Taal. Ang lakas kasi maka-good vibes kapag ganoon ang makikita mo sa simula ng umaga mo. Para bang nalayo ka sa lahat ng pangit na nangyayari sa buhay mo kahit pansamantala lang. Alam ko paulit-ulit na ko, pero 'yon naman talaga ang totoo, eh. Kung pwede nga lang dito na ko tumira, eh. Pero hindi naman pwede 'yon.

Pumasok na muna ako sa banyo para ayusin ang sarili ko at pagkatapos, lumabas na rin ako sa room ko para tumanaw nga ulit sa dagat.

Paglabas ko, nagtakha ako sa mga nakikita ko. Nakaayos ang paligid na para bang may event na gaganapin.

May mga pole na nakatayo sa paligid ng dalampasigan at ang mga 'yon ay may nakasabit na mini flags sa dulo na iba't iba ang kulay. Sa kabilang banda, may mga bandiritas naman na nakasabit. At sa di kalayuan, may mini stage pa na nakatayo sa di kalayuan.

Okay? So, anong meron ngayon dito?

"Magandang umaga, Ma'am Lovely!" Napalingon ako sa taong 'yon na pagkasigla-sigla pa talaga ang bati sa akin. Si Claire pala na kasalukuyang papalapit sa akin ngayon ng nakangiti.

I smiled back. "Good Morning din." Bati ko rin sa kaniya. Saka ako napatingin ulit sa paligid. "Anong meron? Bakit nakaayos ng ganito itong resort? May event ba?" Curious na tanong ko sa kaniya nang tuluyan na siyang makalapit sa akin.

"Fiesta po sa Taal ngayon! Ganito po talaga rito kapag may ganitong pagdiriwang. Lalo na po mamaya, mas mag-eenjoy kayo!" Ani nito.

Napatango-tango ako. Well, halata ngang fiesta dahil sa mga nakasabit pa lang halata na. Bakit hindi man lang ako aware kahapon na magfi-fiesta ngayon dito? Hindi rin naman kasi nabanggit ni Kristoff kagabi.

"Anong ginagawa niyo?" Tanong ko ulit sa kaniya. Ngayon ko lang kasi napansin 'yong mga hawak niya.

"Ah. Heto po, inaayos na namin 'yong mini dance floor para mamayang gabi. Sakto po, para ito sa mga couple. Sayawan para sa mga turista at bakasyunista na nandito ngayon sa resort. Taon-taon po ginagawa ang ganito rito, nakagawian na kumbaga. Masaya po ito, sobra! Join po kayo ni Sir Kristoff, ha?" Sagot nito na ngiting-ngiti pa rin.

"Sayawan?" Pag-uulit ko.

"Opo, sayawan po." Ani nito na napapatango-tango pa. Bahagya siyang lumapit sa akin. "Alam niyo po ba? May kwento po sa resort na ito, eh. Ahmm, matagal na siyang paniniwala pero totoo raw po, eh. Kapag ang couple daw po ay nakapagsayaw dito kapag ganitong fiesta rito sa Taal, mas lalong tumatagal daw po ang pagsasama nila! Kumbaga, dito po, nagkakatotoo ang forever! Sabi-sabi lang po 'yon pero napakarami na raw namang nakapagpatunay na totoo 'yon! Kaya 'yon, Ma'am Lovely. Dapat makapagsayaw kayo ni Sir Kristoff mamayang gabi nang mas lalong tumagal ang pagsasama niyo at sure na kayo forever!" Kwento pa sa akin nito.

Missing PieceWhere stories live. Discover now