Chapter 17

171 5 0
                                    

Chapter 17

LOVELY

"SIGE na naman na Kuya, oh. Ibigay niyo na siya sakin, ibalik niyo na siya sakin! Hindi ko talaga kaya na wala siya sakin araw-araw, eh! Siya lang ang nakakasama ko sa lahat ng gusto kong puntahan. Saka, ako ang naghirap para makuha siya, eh! Kaya sige na, kumbinsihin mo na sila. Alam mo namang ikaw lang ang malakas sa mga yon, eh!" Pagsusumamo ko na sa brother ko na kaharap ko ngayon. Kailangan ko talagang ipaglaban 'to. Hindi ko talaga kaya, eh! See? Nakakaisang araw pa lang ako pero——Argh!

Nandito ako ngayon sa company namin, sinadya ko nga siya rito para sabihin ang bagay na yon. Na hingin pabalik ang mahal na mahal kong si Georgia, ang sasakyan ko na pinundar ko five years ago pa. Sapat na kasi ako sa isa, hindi ko na kasi kailangan pa ang magpa-iba iba dahil masaya naman na ako sa kanya. Hindi ko rin kasi siya kayang palitan, dahil tulad ng condo unit ko, sila lang ang lagi kong kasa-kasama sa lahat.

Kinuha kasi nila yon sakin ilang araw bago kami ikasal dahil nga raw sa dahilan nila na yon. Hindi ko naman na nagawa pang umalma sa desisyon nila nung araw na yon dahil wala ako sa mood that time, nanahimik na lang ako.

Okay na rin kasi dahil hindi ko naman yon pinapabayaan. Every month, pinapa-customized ko naman siya at pinapa-check ang condition niya. At minsan, kung ano ang trip ko na color ng nails ko every pa-manicure and pedicure ko, yon din ang pinapakulay ko sa kanya. Rose pink ang color ni Georgia ngayon, two months na rin ang nakakaraan mula nung last kong maipakulay sa kanya yon. At hindi ko na nga napalitan dahil kinuha nga nila siya sakin. Ang saklap pa nga dahil ni hindi man lang ako nakapagpaalam ng maayos sa kanya. Huhuhu!

"Hindi ako malakas do'n. Ikaw nga, eh. Saka, mas gusto no'n na ikaw ang manghingi ng pabor. Pakikinggan ka no'n agad." He said while smiling widely.

I glared at him when he said that. "Are you kidding me, Kuya? Wag mo nga akong inaasar!" Inirapan ko siya. Pero kaagad kong ibinalik ang pagsusumamo-look ko. Pinagsalikop ko pa ang mga kamay ko. "Sige naman na, Kuya! Minsan lang ako manghingi ng pabor sa'yo, oh. Gawin mo na! Maaatim mo ba na ma-stress lagi ang look ng maganda mong kapatid dahil sa taong yon? So, please?" Patuloy ko. Nagpa-puppy dog eyes na rin ako sa kanya ngayon. Alam ko para na kong ewan pero okay lang, basta makuha ko lang ulit ang Georgia ko! Hahayaan ko na sa lalaking yon ang kotse na yon.

"Oo, ngayon ka na lang ulit nanghingi ng pabor sa'kin. Pero dati madalas." Nakangisi pang sagot niya na hindi naman tugma sa sinasabi ko sa kanya.

Dahil do'n, napasimangot ako. I rolled my eyes and looked away. Hindi na rin ako sumagot pa. Haaay, here we go again. Psh.

"Ano ba kasi ang problema? Kristoff is a nice person. Ayaw mo no'n? Sa pagkakalapit niyo araw-araw, unti-unti kayong magkakasundo." Salita na ulit niya. Buti hindi na niya itinuloy ang 'pagbabalik tanaw' niya na nakakaiinis talaga!

Ibinalik ko ang tingin ko sa kanya nang nakakunot ang noo ko. "What? Si Kristoff, nice? Huh, I don't think so!" Sarcastic akong napangisi habang naiiling. "At saka, oo, araw-araw akong mapapalapit sa kanya. At sa pagkakalapit namin na yon, araw-araw akong mapipika!" Inis na sabi ko.

"Whoah, whoah. Teka nga, ha? Hanggang ngayon nagtataka pa rin ako, eh. Dahil since nung una kayong magkita sa mansion no'n, ganyan ka na. Bakit? Ano bang meron?" Pagtatanong niya na halata ngang nagtataka.

Mataman ko siyang tinitigan na para bang sa kanya ako galit. "Ah, basta. Masama ang ugali niya, at daig pa babae kung mainis sa'kin, eh! Daig pa ko! Tapos.. tapos.. Argh! Basta yon!" Napailing-iling pa ulit ako. Pero agad na balik pagsusumamo-look ulit ako. "Kaya sige na, Kuya! Convince them to give my Georgia back to me, please? Just for me." Dagdag ko.

Missing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon