Chapter 48

121 4 0
                                    

Chapter 48

HINDI na ko nagulat pa nang paggising ko, naramdaman ko na lang bigla ang pananakit ng ulo ko. Sanay na ko rito. Sa maraming beses ko ba naman nang nagpakalasing?

Halos nakapikit at nakahilot sa noo na lumabas kaagad ako ng kwarto ko para maka-inom na nang tubig sa baba.

Ewan ko ba? Kapag umiinom ako, sagaran talaga at hindi ko iniisip ang lahat dahil ang kadalasan na dahilan lang naman ng pag-inom ko ay ang pansamantalang pagtakas ko sa isang nakaka-stress na bagay. Pero kapag ganitong gigising na ako sa umaga at itong hangover na nga ang sasalubong sa akin, halos murahin ko na lang ang sarili ko at pagsisihan kung bakit ako nagpakalango. Patunay lang talaga na sa lahat ng bagay na nagbibigay ng kaligayahan sa 'yo, malamang, sakit at pagdudurusa ang mahihita mo pagkatapos. Tsk.

Akmang papasok na ako sa kusina para magtungo sa ref nang bigla na lang akong mapahinto sakto sa bukana ng pintuan. Pakiramdam ko ay nawala nang biglaan ang iniinda ko kanina pati antok ko dahil sa nakikita ko ngayon.

Hindi ako pwedeng magkamali, si Kristoff ang nakatalikod na ito na nakaharap sa kalan at mukhang nagluluto base sa bango ng ulam na naaamoy ko ngayon.

Ilang sandali lang din, unti-unti na siyang humarap sa gawi ko. At nang makita niya ako, he immediately gave me his very wonderful smile na sa katanuyan, laging nagpapatunganga sa akin habang nakatitig ako sa mukha niya sa tuwing gagawin niya 'yon. Ang wide pa talaga ng smile niya sapat na para makita ko ang mapuputi at pantay-pantay niyang mga ngipin. Kaya hayan tuloy, tuluyan na akong napatanga sa kaniya at napanganga. Jusko, Lord! Ngiti pa lang 'yan!

Nakita ko na unti-unti na rin siyang lumalapit sa akin ngayon hawak ang isang plato na pinaglalagyan yata ng niluto niya. Habang papalapit siya, napababa ang tingin ko sa katawan niya. Oh my God! Nakahubad pala siya at tanging apron lang ang tumatakip sa matipuno niyang katawan ngayon! Pero kitang-kita ko pa rin ang broad shoulders niya na akala mo tulad ng sa mga male models na nakakasama ko dati sa mga photoshoots. Pero para sa akin, mas yummy ang kaniya! Ohh~

Napaangat ulit ako ng tingin sa mukha niya nang tuluyan na siyang makalapit sa harap ko. Nakakainis! Nakangiti pa rin siya!

Inilapit niya sa akin ang platong hawak niya at saka siya nagsalita. "Gusto mo na bang kumain?" Malumanay na tanong niya sa akin in a low and very sexy voice na ngayon ko lang narinig sa kaniya. Feeling ko tuloy parang bigla ring uminit sa paligid namin. Shit!

Napatingin ako sa laman ng plato na hawak niya, hotdogs pala 'yon. Pero parang hindi ako roon natakam, eh. Kaya napaangat ulit ako sa mukha niya sabay lunok ng laway at saka ako napatango sa kaniya ng wala sa loob.

Mas lalong nadagdagan ang lawak ng ngiti niya na para bang mapupunit na ang gilid ng mga labi niya sa kakangiti sa akin. Tuloy, hindi ko na talaga alam kung paano pa ako mag-iiwas ng tingin sa kaniya dahil aaminin ko, gustong-gusto ko ang tagpo naming ito ngayon.

Nakakagat na siya sa ibabang labi niya ngayon at ilang sandali pa, napansin ko na na unti-unti na ring bumababa ang mukha niya sa mukha ko. Kaya ang ginawa ko naman , pumikit na lang ako at hinintay ko na lamang ang susunod na mangyayari.

Heto na, mukhang ilang pulgada na lang ang lapit ng labi niya sa mga labi ko dahil nararamdaman ko na ang paghinga niya sa mukha ko. Okay, ready na akong——

*Clap! Clap!*

At kaagad na lang din akong napadilat nang marinig ko ang malakas at biglaang pagpalakpak na 'yon sa kung saan. Saka lang ako natauhan nang makita ko na wala naman pala si Kristoff sa harap ko! So, it means...

Missing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon