Chapter 64

126 5 0
                                    

Chapter 64

KRISTOFF

KAAGAD kong tinungo ang pintuan ng isang condo unit na nakita kong pinasukan ni Lovely paglabas na paglabas ko ng elevator dito sa condo buliding kung saan ko siya sinundan pag-alis niya kanina roon sa office ko.

"Loves, lumabas ka d'yan! Please, mag-usap muna tayo! Mali ang nakita mo kanina, loves!" Wika ko mula rito sa labas ng unit na pinasukan niya habang sunod-sunod ko na itong kinakatok.

"Kristoff!" Gulat na bigkas sa pangalan ko ng taong nagbukas ng pinto. "Ano bang nangyayari sa inyo?!" Tanong pa nito na mukhang gulong-gulo na rin.

"Icee, where's Lovely? I need to talk to her! She misunderstood everything!" Nagpapanic na wika ko na kay Icee habang panay na rin ang silip ko sa loob ng unit niya para makita si Lovely. Kaniya pala itong unit na ito.

"Teka nga! Teka nga!" Saway niya sa akin habang pilit na rin niya akong pinipigilan ngayon. Napahinto naman ako at napatingin sa kaniya. "Ano ba kasi ang nangyari sa inyong dalawa, ha? Ano 'yong sinasabi mong 'she misunderstood everything'?" Tanong niya ulit sa akin.

Dahil sa sinabi niya, mas lalo lang akong nainis sa sarili ko. Kaya napabuga na lang ako ng malalim na hininga. "Nasaan siya?" Tanong ko ulit sa kaniya at muli rin akong tumanaw sa loob ng unit niya dahil hindi ko nakikita si Lovely roon.

"Wala siya d'yan sa sala, nandoon siya sa loob ng isang spare room ko. Doon siya pumasok kanina, bigla na lang nagkulong." Sagot niya sa akin. "Tara nga rito sa loob! Ipaliwanag mo sa akin ang nangyari sa inyo kanina dahil naguguluhan na naman ako sa inyong dalawa!" Ani niya pa at saka niya ako hinila papasok sa loob ng unit niya.

Agad niya akong pinaupo sa couch sa sala niya, saka niya ako iniwan saglit para raw ikuha ako ng tubig. Ako naman, nag-aalalang tinanaw ko 'yong isang nakasaradong pinto kung saan niya tinuro ang kwartong pinasukan daw ni Lovely kanina.

"O, ayan! Tubig, para kumalma ka!" Ani ni Icee sa akin pagbalik nito. Kaya nalipat sa kaniya ang pansin ko. Naupo na rin siya sa katapat kong couch. "Now, tell me, what happen between the two of you earlier?" She said.

Napatitig ako sa hawak kong baso ng tubig na binigay niya matapos kong uminom dito, muli rin akong napabuga ng malalim at saka ko ikinuwento na sa kaniya ang nangyari sa amin ni Lovely kanina. Ikinuwento ko ang lahat sa kaniya mula sa pagpunta ni Jessica sa office ko ng hindi ko alam hanggang doon sa mga pinagsasasabi at ginawa sa akin nito kanina, na naabutan nga ni Lovely.

"Si Jessica Tan? Siya 'yong ex mo bago kayo i-kasal ni Lovely, di ba?" React niya. Tumango naman ako sa sinabi niya. "Wow, ha? Kung kailan kasal ka na, saka ka babalikan? Baka naman gusto lang manggulo ng babaeng 'yon?" Dagdag niya.

"Hindi ko alam kung bakit naging ganoon si Jessica kanina, hindi ko akalain na sasabihin niya sa akin ang mga ganoong bagay at kikilos siya ng ganoon dahil... hindi ganoon ang pagkakakilala ko sa kaniya, eh. Parang may iba sa kaniya na hindi ko alam?" Naguguluhang salita ko naman.

Totoo naman, eh. Yes, kahit pa sandaling panahon ko lang nakarelasyon si Jessica noon, malayo siya sa ugaling ipinakita niya sa akin kanina. Mahinhin siya——No, siguro akala ko lang talaga 'yon. Dahil 'yong ginawa niya nga sa akin noon ay hindi ko rin inakala, eh.

"Siguro, kaya umakto ng ganoon 'yong ex mo na 'yon ay dahil hindi pa talaga siya nakaka-move on sa 'yo? Tapos 'yon ang naging resulta, nagpapakadesperada na para bumalik ka sa kaniya." Komento niya. "Pero grabe 'yang si Jessica, ah? Base d'yan sa kinuwento mo, hindi ko akalain na gagawa 'yon ng ganoong bagay. Eh, pa-dalagang Filipina ang peg ng babaeng 'yon, eh! Tsk, sa hitsura lang pala!" Dagdag pa niya. Tama naman ang sinabi niya, dahil ganoon naman talaga ang image ni Jessica sa lahat. Pero ang ganoong ugali niya ang napakagaling manlinlang.

Missing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon