Chapter 1

1.6K 59 0
                                    

(Sa Pledis High...)

MINGYU'S POV

Lunch time nanaman. Yan nanaman sila, amaze na amaze sa kapogian ko.

"Mingyu"

Tignan mo tong isang to, nahulog niya pa yung chocolate cake na nasa tray niya ng makita ako.

Ibang klase talaga ang kapogian ko...

Pupulutin ko sana yung chocolate cake tutal kasalan ko naman kung bakit niya nahulog yun.

Bakit ko kasalan?

Kasi nga nahulog niya yun dahil sa kapogian ko...

Pero bago ko magawa yun, tinanong niya muna sakin...

"Mingyu, pwede bang itali mo yung sintas ng sapatos ko?"

3RD PERSON'S POV

"Wala pa ba yung mga bata?" kalmadong tanong ni Seungcheol, ang leader ng grupo na Seventeen

"Bukas nalang sila makikipag-practice. Alam mo naman, high school. May night class pa yung mga yun kasi malapit na exams nila" sabi naman ni Joshua

Tumango nalang si Seungcheol at ipinag-patuloy na nila ang practice.

Ang mga 'bata' na tinutukoy niya ay sila Mingyu, Seokmin, Minghao, Seungkwan, Vernon at si Dino. Hindi nakapunta ang anim sa practice room na nasa 'Pledis University' kasi nasa 'Pledis High' palang sila.

Sila Seungcheol, Jeonghan, Joshua, Jun, Hoshi, Wonwoo at Woozi lang ang nasa practice room. Sila kasi ang mga college students sa grupo kaya nandun na sila mismo.

Habang nag-prapractice sila may bigla nalang pumasok, ang kapatid na babae ni Jeonghan na si Jeongmin. Poker face ang muka niya habang naglalakad papunta sa bench kung saan nakalagay yung bag ng kuya niya.

Nilagay pala niya yung inhaler ng kuya niya sa loob ng bag nito. Pagkatapos nun umalis na siya pero may isang lalake na tinignan siya mula pagkapasok niya hanggang sa paglabas niya.

"Wonwoo focus" sabi ni Seungcheol

- - -

(Sa Pledis High...)

Habang naglalakad si Mingyu sa hallway nila ang daming kinikilig na babae. Siya naman napangisi lang, ang pogi niya daw kasi.

Nang buksan niya ang locker niya puro love letter, chocolates, at kung ano-ano pang regalo ang nakalagay sa loob. Halos matabunan na nga lahat ng mga gamit ni Mingyu pero okay lang, masaya siya para matanggap ang lahat ng ito.

"Mukang ang dami atang laman ng locker mo ah?"

Napahawak si Mingyu sa chest niya sa sobrang gulat. Bigla ba naman siyang tinusok ng daliri sa bewang niya "Nakakagulat ka naman Minghao!"

Tinusok naman siya ni Seokmin sa kabilang bewang "Uso magshare! Bigyan mo kami" nakangiting sabi ni Seokmin

"Oo nga! Bawasan natin yung laman ng locker mo!" pagsang-ayon naman ni Minghao

Tumango nalang si Mingyu kaya nagumpisa na ang dalawa na hakutin yung mga gifts na nasa locker ni Mingyu saka siya iniwan pero nagpasalamat naman ang dalawa.

"Hoy! Ikaw ba si Kim Mingyu?" may maangas na lalake na umapproach kay Mingyu

"Ako nga" kalmadong sabi ni Mingyu pero sa totoo lang nababanas na siya sa lalake dahil masyadong maangas ito "Bakit?"

Parehas lang silang 185 cm ni Mingyu pero ng kwelyuhan ng lalake si Mingyu, napataas niya ito ng konti "Layuan mo si Yerin kung ayaw mong masaktan" saka niya binaba ng marahan si Mingyu

"Sinong Yerin?" pabalyang inalis ni Mingyu ang pagkakahawak ng lalake sa kwelyo niya "Lalayuan eh hindi ko naman kilala? Kaya bakit ko lalapitan?"

"Yung babae kanina sa cafeteria! Yung nagpatulong sayo kasi hindi nakatali yung sintas niya tapos tinali mo!" beastmode na yung lalake habang sinasabi niya yan

Tinawanan lang siya ni Mingyu "Tinali lang yung sintas! Hahaha! Hindi porket tinali ko yung sintas niya kilala ko na siya. Saka isa pa, siya ang lumapit sakin." hinawakan ni Mingyu sa balikat yung lalake "Sakanya mo sabihin na lumayo. Siya naman ang lumapit sakin kanina"

Hindi na nakapagpigil ang lalake kaya sinuntok niya bigla si Mingyu kaya napaupo ito pero nakatayo din at ginantihan ang lalake ng suntok. May lumapit na mga kasamahan ng lalake at pinagtulungan nila si Mingyu.

'Asan na ba sila Seokmin at Minghao? Iniwan naman ako bigla'

Hindi na nakatayo si Mingyu kaya nagpatuloy ang mga lalake na pagtulungan siya hanggang sa may narinig nalang silang tunog ng pito kaya tumigil na sila't nagtatakbo palayo. Nang wala ng sign na meron pa yung mga lalake nagpakita na kung sino ang nagpito, si Jeongmin na galing 'Pledis University' kanina.

Nilapitan niya si Mingyu na nagdudugo ang labi "Ayos ka lang?"

Ngumiti si Mingyu "Oo naman ayos lang ako! Pinagtulungan nga ako nung mga yun tapos di man lang ako nakabawi! Pumutok pa nga yung labi ko! Oo! Ayos lang talaga ako! Isa pa! Isa pa!" pamimilosopo ni Mingyu kaya ang nag-aalalang muka ni Jeongmin ay napalitan ng pagkapoker face

"Jan ka na nga!" aalis na sana si Jeongmin pero hinawakan siya ni Mingyu sa kamay dahilan para mapigilan ito sa pag-alis "Problema mo? Makahawak sa kamay" agad na bumitiw si Jeongmin pero hinawakan ulit ito ni Mingyu saka siya nginitian

"Dito ka muna. Samahan moko" hinila niya si Jeongmin paupo sa tabi niya "Sorry. Napalakas ata yung hila ko."

"Okay lang. Ayaw mo bang pumunta sa clinic?"

"Baka tanungin lang nila kung bakit ganito yung muka ko"

"Kung bakit nabugbog?"

"Hindi. Kung bakit ganito kapogi. Aray!" piningot ba naman siya ni Jeongmin "Bitaw Jeongmin! Isusumbong kita sa kuya mo sige ka!" pagbabanta ni Mingyu pero hindi pa din bumibitaw si Jeongmin

"Kahit kailan ang presko mo talaga!" binitawan na ni Jeongmin yung tenga ni Mingyu saka siya tumayo at tinulungan niya si Mingyu "Tara sa clinic. Wala naman tao dun"

"Kaya pwede mokong pagsamantalahan?" napangisi si Mingyu

"Hindi! Leche ka! Ang ibig kong sabihin wala naman tao dun kaya walang magtatanong kung bakit ka nabugbog!"

Nakangiti lang si Mingyu habang naglalakad sila papunta sa clinic. Ngiting tagumpay kasi lagi niya nalang na-asar si Jeongmin. Si Jeongmin naman namumula na sa inis at gustong itulak si Mingyu kaso lang kakabugbog lang kay Mingyu kanina kaya pinalampas niya muna.

Nang nasa clinic na sila inihiga na ni Jeongmin sa kama si Mingyu saka siya nagpaalam na kukuha muna ng first aid kit sa labas. Ng lalabas na siya may nakaharang sa daan, si Seokmin at Minghao na parehas na nakangiti ng nakakaloko.

"Bakit kayo nandito?" tanong ni Mingyu

"Bakit? Nakakaabala ba kami? Ha?" nakakalokong tanong ni Seokmin

"Nakaka-istorbo ba kami?" nakakalokong taong ni Minghao

"Padaan" naghiwalay sila Seokmin at Minghao para padaanin si Jeongmin sa gitna nila

"Bakit kayo nandito?"

Hindi pinansin ng dalawa si Mingyu at humiga lang sila sa mga bed sa clinic at natulog

"Nice talking" kumuha ng unan si Mingyu sa mga katabi niyang bed saka ito binato sa dalawa
Ganda niyong kausap!"

Naiintindihan na ni Mingyu kung bakit nandito yung dalawa. Sinasamantala nilang walang tao sa clinic kaya sila nandito.

"Yan na yung first aid! Magpagamot ka nalang jan sa dalawang yan!" nilapag na ni Jeongmin yung first aid kid sa may maliit na table malapit kay Mingu saka umalis

Kahit nabugbog kanina si Mingyu at masakit pa din ang katawan. Pinilit niyang tumayo para paghahampasin yung dalawa kaya nagising ang mga to.

"Kayo kasi!"

"Anong kami? Anong kasalanan namin?"

"Wala!"


Presente지금Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt