Chapter 6

515 31 7
                                    

"Ako nalang sa part ni G.Na"  

Anong ginagawa niya dito? 

"Oh Yerin bakit ka nandito?" (Seungcheol)

"Nandito kasi si Mingyu eh. Sige na Mingyu ako nalang sa part ni G.Na kung wala ka pang nahahanap" nginitian ako nung Yerin ng malagkit 

Natatandaan ko na, siya yung babae na nagpatali ng sintas ng sapatos sakin. Tapos may nanugod nalang sakin na lalake at sabi layuan ko daw si Yerin. Nabugbog ako ng dahil sa babaeng to. 

"Pasensya na pero si Wonwoo ang gusto kong makaduet" hinawakan ko sa bewang si Wonwoo saka ko nilapit siya sa tabi ko, umakbay naman si Wonwoo sakin 

"Pero ang deep ng voice ni Wonwoo para kumanta!" pagmamaktol ni Yerin, hala anong nangyari dun? Parang spoiled brat kumilos!

"Pasensya na talaga--" 

"Ano ka ba Mingyu may nagvolunteer na ngang maging vocal mo tapos tinatanggihan mo pa" (Seungcheol)

"Pero hyung si Wonwoo ang gusto ko!"

Ayoko naman kasing makapartner si Yerin baka mabugbog nanaman ako. Saka hindi ko naman kailangan maging partner si Yerin, ang kailangan ko si Wonwoo. Joke! Kung si Jeongmin pwede pa pero si Yerin? Ayoko kasing mabugbog! Saka isa pa kahit mabugbog man ako o hindi, wala akong balak maging kaclose ang mga babaeng katulad niya. Ayoko sa mga masyadong clingy.

"Bakit ba pinilipilit mong si Yerin ang makapartner ni Mingyu? (Wonwoo)

"Bakit selos ka?" (Seungcheol) 

"Oo." (Wonwoo)

Emeghed kinikilig ako hehehe joke lang! Si Wonwoo kasi! 

"Osige magdamit ka ng pambabae pag nagperform kayo ni Mingyu" pananakot ni Seungcheol "Magmake-up ka din ha!"

"Si Yerin nalang pala partner ni Mingyu." (Wonwoo) 

"Bakit ba kasi si Yerin pa eh ang dami naman ibang babae jan! Napansin niyo ba tong muka ko?" 

"Ano bang nangyari sa muka mo?" (Seungcheol)

"Pumogi lalo! Aray naman Vernon makabato ng unan!" 

"Hyung be serious!" (Vernon) 

"Dahil kay Yerin nabugbog ako kahapon! Tignan niyo yung muka ko oh! Wala man lang kayong concern sakin, puro kapogian ko lang napapansin niyo!" mangiyak-ngiyak nako habang sinasabi ko ito 

"Ang hangin grabe!" sabay-sabay na sigaw nila Seungcheol hyung, Wonwoo hyung at Vernon 

Bigla nalang bumukas yung pinto kaya napatingin kaming lahat sa lalake na pumasok... 

"Diba sabi ko layuan mo si Yerin?" 

Siya nanaman! "Pano ko lalayuan kung siya mismo ang lumalapit sakin! Lagyan mo kasi ng handcuffs yang braso niyo parehas para di kayo naglalayo at para din hindi ako magambala!" 

"Ang dami mo pang satsat!" lumapit siya sakin saka niya ako sinuntok pero sinubukan ko ng makabawi kaya ngayon nagsusuntukan na kami.

Kanina pa kami pinipigilan nung tatlo pero hindi pa din kami tumitigil. Si Yerin naman pinapanood lang kami imbis na awatin niya tong lalakeng to. Boyfriend niya siguro.  May boyfriend na nga siya para namang may balak pang pormahan ako. Anong klaseng babae toh? 

"Hoy babae hindi ka ba tutulong umawat!?" sigaw ni Wonwoo kay Yerin, napansin niya din siguro na parang walang pake tong babaeng to sa nangyayari ngayon.

"Hayaan niyo lang sila ang manalo ako ang premyo" 

Nang marinig ko yan itinigil ko na yung pangsusuntok sa lalakeng to "Sige na pare ikaw na ang panalo. Hindi ko kilala yang babaeng yan. Sayong-sayo na siya" 

Tumigil na din yung lalake pero may pahabol pa siya ng makatayo siya "Hindi pa tayo tapos"

Ano pa bang gusto niya? Siraulo ata yung magsyota na yun eh! Nakakakilabot! Si Yerin daw premyo! Tumatayo balahibo ko! 

Tinulungan akong tumayo ng tatlo saka nila ako pinaupo sa may bench ng practice room... 

"Wala ka pala eh!" sabi nung lalake

Eh kung nanalo ako sa suntukan ang premyo pa yung Yerin eh hindi ko naman kilala yun! Buti sana kung si Wonwoo hyung ang premyo baka makikipag-patayan pa ko! 

"Seungcheol hyung, kilala mo ba si Yerin?" tanong ko 

"Hindi mo ba siya natatandaan Mingyu?" (Seongcheol)

Natatandaan? Eh hindi ko naman kakilala.

 "Hindi hyung. Bakit sino ba siya?"

"Basta. Malalaman mo din, maaalala mo din siya. Teka lang bibili ako ng tubig" sabi ni Seungcheol hyung saka tuluyan ding lumabas 

"Hyung naman pabitin pa! Sabihin mo na please! Gulong-gulo na buhay ko dahil sa babaeng yun at sa boyfriend niya!" napaluhod nalang ako sa sobrang inis

Bakit ba ganyan magsalita si Seongcheol hyung, masyadong mysteryoso! Bahala na, basta ang dapat kong gawin iwasan yung Yerin saka yung lalake. 

- - -

3RD PERSON'S POV

"Diba sabi ko lumayo ka kay Mingyu!? Bakit ba ang tigas ng ulo mo Yerin!?" 

"Ang tagal ko din siyang hindi nakita! Masisisi mo ba ako?"

"Hindi ka na niya maaalala! Kahit may palatandaan pa rin sa mga mata mo, napansin niya ba? Buti nga si Seungcheol nahalata niya pa din na ikaw yung dating Yerin na..." hindi natapos ng lalake ang sasabihin niya ng bigla siyang batuhin ni Yerin ng wine glass na hawak niya...

"Diba sinabi ko wag mo ng ibalik ang nakaraan! Matagal ng patay ang Yerin na yun! Ito ang bagong Yerin!" 

Natawa na lang ang lalake habang pinupunasan niya ang dugo sa pisngi niya na gawa ng wine glass na ibinato sakanya ni Yerin "Wag ibalik ang nakaraan? Eh bakit binabalikan mo pa din si Mingyu? Eh parte na din siya ng nakaraan. Parte ka na lang din ng nakaraan ni Mingyu. Ni katiting nga hindi ka niya matandaan" iniwan niya nalang si Yerin mag-isa

Napaluhod si Yerin, lumuha at binasag lahat ng pwede niyang basagin... 

- - -

"Seungcheol, napatawag ka?"

("Ano bang problema mo? Nakakailan ka na kay Mingyu! Awat na pare hindi niya na nga kilala si Yerin!")

"Hyung alam mo naman na ayaw layuan ni Yerin si Mingyu. Kaya ang tanging paraan na lang ay si Mingyu mismo ang lumayo sakanya!"

("Basta awat na! Pero kailangan pa din malaman ni Mingyu na buhay si Yerin")

"Hindi Seungcheol, patay na dapat ang kilalang Yerin ni Mingyu! Wag mo ng banggitin kay Mingyu ang kahit ano man tungkol kay sa nakaraang Yerin! Kahit ang tungkol sa bagong Yerin ngayon! Please lang wag na!"

("Pero kailangan niya pa din"--)

Hindi na pinatapos ng lalake si Seungcheol at binabaan na lang ito. Wala siyang ibang iniisip kundi sakanya lang si Yerin kahit anong mangyari... 







Presente지금Where stories live. Discover now