Chapter 4

599 37 7
                                    

"Ms. Yoon Jeongmin nagbibiro ka ba? Hindi mo kaya tong problem na to? Sisiw lang to sayo sa pagkakaalam ko."

"Pero sir, hindi ko po talaga alam eh. Pwede po bang call a friend na lang?" sabi niya at bigla nalang tumingin sakin saka ngumisi, sinasabi ko na nga ba may masamang balak yang babaeng yan! "Si Kim Mingyu nalang po"

"Call a friend nga diba? Friends ba tayo?" joke ko lang to ha, para makaiwas sa recitation. Kahit mahilig kaming magbarahan kaibigan ko yang si Jeongmin

"Edi call a chocolate na lang. Si Kim Mingyu po sir"

Nagtawanan ang lahat pati ang sir namin, ang pinakatumawa ay sila...

"Talo ka nanaman kay Jeongmin! Hahaha!" (Minghao)

"Call a chocolate! Hahaha!" (Seokmin)

Tarantado tong mga to, asarin ba naman ako! Mga tunay ngang kaibigan, promise!

"Corny mo Jeongmin"

"Sige na Mr. Kim Mingyu sagutin mo na yung problem na nakasulat sa board"

Napakamot nalang ako ng batok saka tumayo at naglakad papuntang harapan. Binigyan ko si Jeongmin ng death glare tapos siya naman nginitian lang ako, asar.

- - -

Natapos din ang night class namin at ngayon pauwi na kami sa dorm. Kasama namin si Jeongmin, ihahatid pa kasi sa bahay nila.

Napatingin nalang ako kay Seokmin ng bigla nalang siyang nangingiti na parang takas sa mental hanggang sa magkwento na siya "Alam niyo ba kanina hahaha! Si Jeongmin at si Mingyu! Ahahaha! Kasi ganito yun! Ahahaha! Ang epic! Ahahaha!" tawa pa din siya ng tawa kaya hindi niya matuloy ang kwento niya. Yung iba na nasa paligid namin pinagtitinginan na siya kaya dumistansya yung lima samin, ako nalang yung kasama niya

"Hindi po namin kilala yan" (Seungkwan)

"Wag niyo nalang pong pansinin" (Dino)

"Pasensya na po" (Vernon)

"Kakalabas niya lang po sa mental" (Minghao)

Si Jeongmin naman naka earphone lang kaya wala nanaman pakealam sa paligid niya. Kahit kelan talaga yung babaeng yun

"Hoy Seokmin iniwanan na tayo nung apat tumigil ka na"

"Ahahaha! Mianhae" pinilit niyang pigilin yung tawa niya pero natawa pa din siya kaya ayun hinayaan ko nalang "Pasensya na Mingyu ang fail mo kasi kanina! Ahahaha!"

Ilang minuto din bago tumigil si Seokmin sa kakatawa sakin, ang sarap niyang maging kaibigan. Grabe!

"Ano ba kasing nangyari kanina at tawa ng tawa si Seokmin hyung?" (Vernon)

"Si Jeongmin kasi halata naman na alam niya yung sagot sa problem sa math tapos pinasagot pa kay Mingyu eh alam mo naman si Mingyu. Ahahaha!" (Minghao)

"Kawawa ka naman hyung ahahaha!" (Dino)

"Mga baliw anong nakakatawa?" binigyan ko sila ng death glare pero parang wala lang sakanila kAya tawa pa din sila ng tawa

"Yung muka mo" walang ganang sabi ni Jeongmin

Kala niya di ko siya papatulan, yun ang akala niya! "Na mas maganda pa kesa sayo? Muka ka kasing lalake di tulad ng kuya mo mas babae pa kesa sayo"

"Mas maganda? Ahahaha! So bakla ka, maganda ka eh sabi mo"

"Hindi ako bakla! Sa pogi kong to tapos pinipilahan pa ko ng chicks!"

"Kala kasi nila ikaw yung inahin manok na nagluwal sakanila! Buhok pa lang oh pang inahing manok na! Nice hairstyle"

"Kesa naman sayo may nalalaman pang bun nagmuka ka lang Samurai!"

"Ako ang Samurai na papatay sayong bampira ka! Ngipin! Ngipin!"

"Aba ibang usapan na yan!" lalapitan ko na sana si Jeongmin kaso lang inawat ako nila Seokmin at Minghao "Bitawan niyoko! Bitaw!"

"Wag mo ng patulan pre" (Minghao)

"Oo nga babae yan" (Seokmin)

"Hindi halata!" nagpupumiglas pa din ako "Bitawan niyo ko!"

"Papatulan mo ko? Bakla ka pala talaga eh! Bakla! Bakla!" (Jeongmin)

Ako, bakla!? Hindi mo kilala kung sinong binabangga mo Yoon Jeongmin.

Tumigil na ko sa pagpupumiglas saka naglakad "Ano hindi pa ba tayo uuwi?" sumunod na yung iba.

Binagalan ko yung lakad para mauna yung lima para ngayon medyo malapit na kami sa isa't-isa ni Jeongmin.

"Anong sinabi mo kanina? Tinawag mokong bakla?"

Tinignan niya ko na parang bored na bored siya "Oo bakla ka naman eh"

"Bakla ako? Talaga?"

Nilapitan ko siya ng nilapitan at siya naman atras ng atras hanggang sa macorner ko na siya sa wall na nasa likod niya, nginitian ko siya

"Bakla ba ako?"

Gaya ng kanina bored pa din ang muka niya. Kung ibang babae to na nacorner sa pader ng isang poging katulad ko kanina pa to kinilig, pero bakit siya hindi?

"Oo. Wag ka ngang pacute. Hindi magbabago ang tingin ko sayo, bakla ka tal--"

Hindi ko na siya pinatapos sa gusto niyang sabihin sa pamamagitan ng paglapat ng lips ko sa lips niya. Ilang segundo din ang itinagal ng kiss, pero hindi gumalaw ang mga labi namin.

Bored pa din ang look niya na parang walang nangyari. Hindi mo ba talaga ako gusto Yoon Jeongmin?

"Hindi mo ko madadaan sa mga paganyan-ganyan mo." inirapan niya ko saka naglakad palayo, sinundad na yung lima

Akala ko kahit isang beses lang mapapakilig ko si Jeongmin. Na yun yung magbibigay ng pag-asa para malaman ko kung kahit katiting man lang kinikilig sakin si Jeongmin.

Presente지금Where stories live. Discover now