Chapter 7

14.9K 173 11
                                    

Papunta na kami ni Jake sa bahay ng parent's niya.  Matagal ko na hindi nakita sila Mommy Celestine and Daddy Fred, mga parent's ni Jake. Seryoso  si Jake ngayon sa pagmamaneho sa car niya. Alam nyo, si Jake, ayaw na ayaw na magasgasan ang kanyang sasakyan at iniingatan talaga niya ito. Parang gawa sa ginto ang sasakyan niya kung alagaan niya ito. Parang mas mahal pa nga niya ito kaysa sa akin. Hindi ka niya mahal Olivia, anong mahal ang sinasabi mo diyan. Sabi ng isang boses sa utak ko.

"Jake?" Gusto kong tanungin si Jake tungkol sa condisyon ng The Anchors.

"What?" Sabi ni Jake na walang pake.

"I just want to ask if okay lang ba ang The Anchors? I'm not gonna interfere with your work pero I just want to know if okay lang ba ang company?"

"The Anchors are struggling as for the mean time, Olivia. Merong  mga complications. " Nag-aalalang sabi ni Jake. Nag-aalala na din ako. Mahirap ang pagpapalago ng The Anchors. Naghirap ang mga ama namin ni Jake upang mapatayo kung ano man ang narating ngayon ng The Anchors. Ikasasakit talaga nila kapag basta't bastang mawawala ito.

"Is there anything that I could help you with? "

"Nothing. Don't bother. Just be a wife, that's all. It's enough already." Ouch! He hit a spot in my heart. Ang sakit. Wife lang daw ako. Wife lang. Kailan ba ako magiging asawa na merong pagmamahal. Hindi nalang ako nagsalita. Hindi ko muna siya kakausapin. Mas mabuti nalang kung hindi ako magsasalita. Baka ano pang sabihin niya na ikasasakit ng damdamin ko.

Our ride to his parent's house is silent. The tension in the air is really thick. Marami na kaming nadaanan na mga bahay at mga kahoy. Nakikita ko sa window ang lakas na pagkislap ng mga bituin at ang liwanag ng buwan. Sana sa isang araw kikislap din ako tulad ng mga bituin. Upang mapansin din ako ni Jake. Mga ilang minutong pagmamaneho ni Jake, narating na din namin ang bahay ng kanyang mga magulang. Gaya ng dati,malaki parin ito. Hindi ito kagaya ng mga bahay ng mga ibang mayayaman na nakakalula sa laki at ipinapakita talaga na mayaman sila. Jake's parent's house is big but simple and elegant. Very sophisticated ang dating at formal.

Nagpark si Jake sa garage at sinabing "We're he-" hindi ko siya pinatapos sa kanyang sasabihin dahil kaagad akong bumaba. Kaagad din siyang bumaba ng sasakyan at hinarap ako.  "What's wrong with you Olivia? Don't you dare give me an attitude! Kapag nasa loob na tayo ng bahay, dapat ayos na yang drama mo diyan!" He shouted at me. Hindi na bago sa akin yon. Palagi naman niya kong pinapagalitan. Mas lalo akong nagagalit sa kanya. Hindi ako naglakad kasama siya. I am walking behind him. Wala ako sa mood na humarap sa kanyang mukha.

Agad nagdoorbell si Jake. Kaagad naman itong bumukas at walang iba kundi si Mommy Celestine ang nagpapasok sa amin.  She immediately hugged me and kissed me on the cheeks. I also kissed her cheeks and hugged her tightly. "It's been a long time po since nagkita po tayo. I missed you and Daddy Fred po." Sabi ko after I hugged Mommy Celestine. "I missed you too, Olivia. And Jake of course. How are you my son? " Nakangiting pagsabi ni Mommy Celestine and she and Jake hugged each other tightly. Jake kissed her mother's cheek and asked her about their health. "Okay lang ba kayo ni Dad, Mom? Do you always take your meds regularly? " Mahal na mahal ni Jake ang parents niya. Everyday siya tumatawag upang kamustahin sila. He is really a loving son. But not a loving husbsnd.

Habang papunta kami sa sala nila, Mommy Celestine immediately asked me the eye popping question. " Meron na bang laman to Olivia?  Have you already given me a grandson or granddaughter?" Mommy Celestine lightly touched by stomach. Hoping if we already have a baby on the way. "Mom, stop it. We're not yet ready for that big responsibility. And besides, we're both busy. " Tama si Jake, bago pa ka mi ikinasal. Ang bilis lang naman if magkakaanak kami ngayon. Pero siya lang ang busy, ako hindi. Kaya minsan napapaisip din ako kung balang araw magkakaanak kami ni Jake. Hayss, keep dreaming Olivia. 

The Husband's Slaved WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon