LMMP 15 ∞ Our not-so-common Date ∞

1.2K 49 2
                                    

A/N: Miss me? Matagal akong nawala. Sorry, super busy sa school. Grabe! Sabi kasi ng teachers namin APEC daw parang vacay na namin, pero. Tinambakan kami ng sobrang DAMING projects. Argh! Anyways, ito na..

~*~

Neeya's Pov
Nandito ako ngayun sa Glorietta 4, Paper Moon Cafe to be exact. Love ko ang cafe na 'to. Ang sarap ng mga tinda nila at iba pa. Actually, hinihintay ko si Nicolo kasi niyaya niya ako manood ng cine. Parang ganito din ang mga nababasa ko sa mga novels. Yung boy yayayain mag-cine kasama yung girl, tapos tatawagin nilang date yun. Ako kasi, gusto ko kapag may ka-date ako. Gusto ko, simple lang pero not common like the other couples. Yung ganun.

"Hi Neeya, sorry ah! Na-traffic kasi ako sa EDSA. Anyways, san mo gusto pumunta?" tanong ni Nicolo, na nakatayo sa tabi ko.

I smiled at him.

"No worries, halos kakadating ko lang din." kahit almost an hour na ako naghintay. "Kahit saan, okay lang sa akin." sabi ko.

"Uhm..punta na tayo sa cinehan?" nahihiyang tanong niya.

I smiled. "Okay!" sabi ko.

Pagka-akyat namin, maraming nakapila sa mga ticket booth(?). Andaming tao. Pumila si Nicolo sa bayaran ng ticket, naghintay naman ako sa tapat ng timezone. Andaming batang naglalaro dun, yung iba mga immature. Yung iba couples. Common dates.

"Here you go! A ticket." sabi ni Nicolo at inabot sa akin yung ticket.

Tinignan ko yung ticket.

"Everyday I Love You?" tanong ko.

"Ah..oo..ayaw mo ba?" nahihiyang tanong niya.

I smiled. "I love it. Sila Tita Christy at Tito Quen naman ang bida dito eh, with Gerald. Actually, alam ko na yung story na 'to. Well, spoiled ako kay Tita Christy eh. Haha." sabi ko.

"Ay, ganun ba? So, w--wag na lang tayo manood?" tanong niya.

Tinapik ko yung balikat niya. "Manonood tayo, let's buy some popcorns and tissues!!" sabi ko.

Kumunot yung noo niya. "Tissues?" tanong niya.

"Kwento kasi sa akin dito ni Tita, may nakakaiyak na mga scenes daw dito. So, tara?" sabi ko.

Tumango-tango na lang siya. Pagkadating namin sa ma bilihan ng popcorns at iba pa.

"Hi Sir, may I take your order? *lip bite*." sabi nung nasa cashier. Seductively talaga ang pagkakasabi.

Ito namang si Nicolo, nakangiti lang habang nakatingin sa menu board(?) sa taas. Hello?? Di lang si Nicolo ang mago-order. Ako din kaya!! Itong babaeng 'to ang landi!! Ang sarap niya ipakain sa mga balyenang kauri niya. Ang sarap niyang sampa----wait!! Bakit ba ako ganito maka-react? Di ko naman boyfriend si Nicolo eh! Anyare sa akin?

"2 large popcorns, and 1 large drink." sabi ni Nicolo.

Napatingin ako kay Nicolo. Bakit ako walang drink??

"Bakit wa---!"

"Share tayo! Anyways, miss? Pakidagdagan ng madaming tissue okay? Uhugin 'tong kasama ko eh!" sabi ni Nicolo at kinurot yung pisnge ko.

"Aray!! Uhugin ka dyan!! Kapal ah!!" sabi ko.

"Uhm.. s--sige po." sabi nung babae.

Ayan kasi!! Nilalandi mo pa ang tao---hep!! O.A much na ako.

Pagkapasok namin sa cinehan. Puno ang cinehan, buti na lang sa bandang harap kami at may seat numbers 'to. Hinanap namin ang seat number namin at uupo na sana kami ng may mapansin si Nicolo.

MCMMC 3 Neeya's Story: The Life of Ms. Maldita Princess [A JaDine Fan Fic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon