LMMP 40 ∞ Last Breath ∞

980 45 5
                                    

G/N: Please play the song ☝. Para mas dama niyo, kahit ulit-ulitin niyo, hehe. Love you guys :*. Follow me, be my fan and keep reading my stories! ^0^.

~*~

Nicolo's Pov
    Andito pa din ako sa hospital, binabantayan si Neeya. Hinawakan ko yung pisngi niya, 'di pa rin talaga natatanggal ang pagmamahal ko para sa kan'ya. I can't lose her, hindi ko kakayanin.

"Neeya, c.r. muna ako ah?" sabi ko sa kan'ya at tumayo na.

Hinawakan niya bigla yung kamay ko. Namumutla na siya at mahahalata mo sa kan'ya na sobrang nanghihina na talaga siya. Nangangayayat na rin siya. Naiinis akong makita ang kalagayan ng mahal ko, sana ako na lang nasa posisyon niya.

"Hey.. may kailangan ka?" tanong ko.

"Can I hug you?" tanong niya.

"Of course." sagot ko 'saka niyakap siya.

Masama ang kutob ko sa mga kinikilos niya. Para bang nagpapaalam na talaga siya. No, ayoko pa. Hinawakan ko yung dalawa niyang pisngi at tinignan ko siya sa mga mata niya.

"I love you." sambit ko.

"I--I love you too, Monster." sabi niya.

"No, I love you more." sabi ko at hinalikan siya.

Tumugon naman siya sa mga halik ko, namimiss ko na 'tong halik niya. Humiwalay siya dahil hindi na siya makahinga. Nginitian ko siya at ginulo yung buhok niya ng unti.

"Ayt! Bakit mo ginulo!" sabi niya at nagpout.

Napangiti ako, "Ang maldita mo talaga!" sabi ko.

"Alam ko! Matagal ko ng alam yun! 'Di mo naman kailangan ipamukha sa akin, eh!" sabi niya.

Piningot ko yung ilong niya, "'Wag ka munang aalis, ah? Hindi ko kakayanin, eh." sabi ko sa kan'ya.

Hinawakan niya yung dalawang pisngi ko.

"Kayanin mo, okay? Kaya mo yan. And makakalimutan mo din ako. Pero palagi mong tandaan na nandito lang ako palagi sa tabi mo, sa puso mo. Kaya kapag ako nawala, ayokong makitang umiiyak ka, ha?" sabi niya.

Biglang tumulo yung luha ko, pinunasan niya naman kaagad ito.

"Ayt! Kakasabi lang, eh. Sabi kong 'wag ka umiyak. Kulit mo talaga!" sabi niya.

Pinilit kong ngumiti, "Magsi-c.r. lang muna ako." paalam ko.

"Sige, mahal na mahal kita." sabi niya.

"Mahal na mahal din kita, Witch." sabi ko.

Hinalikan niya ulit ako sa lips ko. It's just a peck. Pumasok na ako sa c.r. Kinakabahan ako, yung naraamdaman ko parang may mali. No, hindi. Hindi pa. Wala lang 'tong kabang 'to. Pagkatapos ko umihi, naghugas ako ng kamay. Napatingin ako sa salamin sa harap ko.

"Hindi pa siya mamamatay, Nicolo. 'Wag kang ganyan." sabi ko sa sarili ko.

Naghilamos ako ng mukha ko at sumabay doon ang mga luha ko. Kahit ilang beses kong ulitin na hindi pa siya mamamatay, andito pa din ang nararamdaman kong kaba. Lumabas na ako at nakita ko si Neeya na natutulog. Nilapitan ko siya at hinawakan ko ang kamay niya. Biglang tumunog ang monitor kung saan nakikita ang heart rate ni Neeya. Tumawag kaagad ako ng mga doctor, saktong dumating ang buong pamilya ni Neeya.

"Neeya!" sigaw ni Tita Nadine habang umiiyak.

Yakap-yakap siya ni Tito James. Si Precious umiiyak na, si Jake naman tahimik lang. Pero alam kong nasasaktan si Jake, kahit hindi niya ipakita. Kakambal niya yun, eh. Kapatid niya. Mahal na mahal niya si Neeya, at sobrang halata yun.

Pumasok yung mga doctor at kung ano-ano ang ginagawa nila kay Neeya. Hindi ako mapakali kaya pumunta ako sa may isang sulok at umiyak ng tahimik.

Please, not now.

Kinagat ko yung ibabang labi ko, at pinikit ang mga mata ko. Please not now, hindi ko kakayanin, eh.

Flashback~

"Witch, mahal mo ba ako?" tanong ko.

Nagisip muna siya, "Oo naman!" sabi niya ng masigla.

Nagpout ako, "Ilang percent?" tanong ko.

"110%, ikaw?" tanong niya.

"I love you with all my heart, so 1M%!" sabi ko.

"Hala! Hala! May ganun ba?" tanong niya.

Tumango naman ako, "Meron kaya!" sabi ko.

Napatingin siya sa kalangitan, "Monster?" tawag niya sa akin.

Nilingon ko siya.

"Kapag namatay ako, 'wag kang iiyak, ah? Baka sapakin kita dyan!" sabi niya.

Napakunot ako ng noo.

"Hala? Ano namang gagawin ko? Habang nakalibing ka nakangiti ako at tumatawa, ganun?" sabi ko.

Umiling siya, "Hindi, basta iwasan mong umiyak at malungkot. Kahit 'wag mong ipakita yung nararamdaman mo." sabi niya.

Napabuntong hininga ako at kinamot ko yung batok ko.

"Bakit ba natin 'to pinaguusapan? Gusto mo halikan kita d'yan? Ang drama mo Witch, eh." sabi ko.

Inirapan niya ako, "Maldita talaga." bulong ko.

End of Flashback~

Hindi tumitigil ang pagbuhos ng luha ko, napabalik ako kila Tita Nadine. Napatingin kaming lahat sa monitor kung saan yung heart rate ni Neeya. Unti-unti na itong nagf-flat.

Please no..

~*~

G/N: Epilogue is next, thank you guys sa mga suporta niyo! Another story has ended na naman! Maraming salamat po! Wala pong special chapters at book 2. Sorry, love you guys :*

MCMMC 3 Neeya's Story: The Life of Ms. Maldita Princess [A JaDine Fan Fic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon