LMMP 36 ∞ Dying ∞

952 43 4
                                    

G/N: Hey guys! I'm not feeling well today, namamaga kasi ang right eye ko eh. And, sobrang hirap magsulat. Sorry.

Dedicated to: @CzarinaJewelNuestro

~*~

Neeya's Pov
Dahan-dahan kong minulat yung mga mata ko. Ramdam ko ang pagkahina ko. Ang bigat ng katawan ko, hindi ko maintindihan. Nilibot ko yung paningin ko, nakita ko ang family ko.

"D---dad....M---mom..." nanghihina kong sabi.

Lumapit silang lahat sa akin, "Hi baby, how are you?" sabi ni Mom.

"I--I'm f--fine..." sabi ko.

"You should rest, Ally. Precious, please call the doctor." sabi ni Dad.

Ngumiti sa akin si Maye at lumabas na. Tinignan ko si Jake at nginitian ko siya kahit nanghihina ako. Nilibot ko pa ang paningin ko. Asan si Nicolo? Dumating yung doctor na tinawag ni Maye.

"Hello, Neeya. How are you feeling?" tanong ni Doc sa akin.

"I--I'm f--fine, D--doc." sagot ko.

"You should rest and you need to becareful. Your case is not just an ordinary case, hindi pa rin kasi namin naa-identify yung sakit mo." sabi ni Doc.

Napaiwas ako ng tingin kay Doc, mamatay na ba ako?

"And, iwasan ma-stress. Hindi natin alam ang pwedeng mangyare." sabi ni Doc.

Nagpasalamat na sila Mom kay Doc, at umalis na si Doc.

"Ano bang nangyare, Ally?" seryosong tanong ni Dad.

Hinawakan ni Mom yung braso ni Dad, "Hubby, ako na ang kakausap kay Neeya. Iwan niyo muna kami." sabi ni Mom.

Tinignan ako ni Dad at napabuntong hinga na lang siya. Kasunod niyang lumabas si Maye at Jake. Tinabihan ako ni Mom at hinawakan ang right hand ko.

"You can tell me everything, anak." sabi ni Mom.

I start sobbing, "Mom, hindi ko alam ang gagawin ko." sabi ko.

"Why, anak?" tanong ni Mom.

"Nard likes me but mahal ko si Nicolo. Ayoko naman masaktan si Nard nang dahil sa akin, Mom." sabi ko.

Pinunasan ni Mom yung luha ko, "Cheer up, Neeya. Kapag love na kasi ang usapan hindi mawawala si pain d'yan. Magkapatid kasi sila ni love, laging magkasama. Kahit ano mang maging desisyon mo, may masasaktan. Kahit gusto mong walang masasaktan, meron at meron pa din." sabi ni Mom.

"But, Mom. Hindi ko alam ang gagawin ko, eh. Nasaktan ko na si Nard, nasaktan ko na siya." sabi ko.

Hinawakan ni Mom yung right cheek ko.

"Anak, follow what your heart wants. Someday, maiintindihan din ni Bernard ang lahat pero hindi pa ngayon. Nasa pain pa kasi siya anak, eh." sabi ni Mom.

Niyakap ako ni Mom, napabuntong hinga na lang ako. Nasaktan ko na si Nard, eh. Wala na.

"Uhm, Mom? Asan nga pala si Nicolo?" tanong ko.

Tinignan ako ni Mom, "Anak..mag-usap muna kayo ni Jake. Alam kong kayong dalawa ang mas magkakaintindihan kasi magkakambal kayo, eh. Okay?" sabi ni Mom.

Napatango na lang ako 'saka siya lumabas. Pumasok naman si Jake at agad akong nilapitan.

"Anong nangyare?" seryoso niyang tanong.

Umiwas ako ng tingin, "Wala." sabi ko.

"Alyana." tawag niya sa akin.

Napatingin ako bigla sa kan'ya, "Asan si Nicolo? May sinabi ka ba sa kan'ya? Ha?! Siya ang kailangan ko ngayon! Kailangan ko siya ngayon, Jake! 'Di mo ba naiintindihan? Mamatay na ako! Ayaw lang naman sabihin ng mga doctor eh! Mamatay na ako! Tignan mo, hindi nila ma-identify! Kasi nga wala nang mapapagamot sa sakit na 'to!" sabi ko sa kan'ya habang umiiyak.

MCMMC 3 Neeya's Story: The Life of Ms. Maldita Princess [A JaDine Fan Fic]Where stories live. Discover now