LMMP 35 ∞ I Can't ∞

866 50 2
                                    

G/N: Guys who wants dedication? It's free. Please read my note later..

~*~

Neeya's Pov
Hindi ako makagalaw sa kinakatayuan ko.

"A-ano, Nard?" tanong ko.

Hinawakan niya ako sa dalawa kong pisnge at hinarap sa kan'ya.

"Ikaw, ikaw yung mahal ko Alyannie. Mahal kita." sabi niya at may tumulong luha sa mata niya.

"No..Nard. Hindi ako, hindi. Iba ang mahal mo, hindi ako." sabi ko at dahan-dahan kong binaba yung mga kamay niya.

"It's you, Alyannie. Ikaw ang mahal ko." sabi niya atsaka niyakap niya ulit ako, "Please, please believe me."

Pinipilit kong tanggalin yung mga kamay niya sa akin, pero sobrang higpit ng yakap niya.

"No, Nard. Hindi ako, hindi pwede." sabi ko.

Mali, mali 'to. Bakit ako pa? Sa daming babae sa mundo, bakit ako pa? Hindi pwede 'to. Mahal ko si Nicolo eh, at ayoko namang masaktan si Nard ng dahil sa akin. At isa pa mahal ko siya bilang kaibigan, hanggang dun lang.

Tumingin siya sa akin na mugto ang mga mata niya.

"Dahil ba kay Nicolo? Ha? Hihigitan ko ang pagmamahal niya sa'yo, mamahalin kita higit pa sa buhay ko." sabi niya.

"No, Nard. Please, 'wag ako." pakiusap ko.

"Mamahalin kita ng bu---!"

"BERNARD! Please! Tumigil ka na!" sigaw ko.

Nakatingin siya sa akin, "N-neeya.." sabi niya.

Neeya na ang tawag niya sa akin, hindi na Alyannie. Noon tinawag niya na din akong Neeya pero puno ng lungkot ang nararamdaman niya noon.

"Ayokong masaktan ka ng dahil sa akin, Nard. Hindi ako ang dapat mong mahalin! Kasi may mahal na akong iba, ayokong nakikita kang ganyan! Please lang, tumigil ka na!" sabi ko.

May nararamdaman na akong luha galing sa mata ko.

"Pero, Nee--!"

"Witch! Bernard!" may tumawag sa amin.

Laking gulat ko kung sino ang tumawag sa amin...

si Nicolo..

Lumapit siya sa amin at sinuntok si Nard.

"That's for loving my girlfriend!" sabi ni Nicolo.

"Tama na, Nicolo! Tama na!" sigaw ko.

Nagsusuntukan na silang dalawa at ayaw nilang magpapigil.

"Tang'na mo pre!" sabi ni Nard.

"Hoy! 'Diba may the best man wins? Nanalo na ako, ako ang mahal niya. H'wag mo na pagpilitan ang sarili mo sa kan'ya!" sigaw ni Nicolo.

"SHUT UP! Tama na!" sigaw ko.

Napatingin silang dalawa sa akin.

"Nard, ayokong nagkakaganyan ka ng dahil sa akin. Please, love another girl. H'wag lang ako, kasi hindi ko masusuklian ang pagmamahal mo. "sabi ko.

"Alyannie, please. Just let me love you." sabi ni Nard.

Nagkatinginan ang magpinsan, "Shut up, Bernard." galit na sabi ni Monster.

"Tama na 'yan! Para walang gulo, tumigil na kayo. I need to relax my mind for now, masyado nang magulo!" sabi ko.

Hindi ko na kaya, nahihilo na ako. Nandidilim na yung paningin ko.

MCMMC 3 Neeya's Story: The Life of Ms. Maldita Princess [A JaDine Fan Fic]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang