LMMP 34 ∞ It's you ∞

954 44 5
                                    

G/N: Vacaaaay~

~*~

After 2 days~

Neeya's Pov
This is it pansit! Ito na! Kalaban na namin yung Hart Gray University for King and Queen University. And, inaayusan na ako ng stylist at make up artist ng school namin.

"Stay beautiful, Neeya." sabi nung stylist ko.

Nginitian ko siya at pumasok si Hyun.

"Ready?" tanong niya.

Tumango ako, "Let's go?" sabi ko.

Inalalayan niya ako tumayo. Kinakabahan ako kasi first time ko sumali sa ganito at si Nard pa ang kalaban namin.

"Dito muna kayo." sabi ni Pia.

Hinintay namin sila Nard at yung partner niyang si Abi. Dito sa Hart Gray University gaganapin yung competition. And then kung sinong school ang mananalo dito sila ang sasali sa ibang contests kalaban ang other schools. First school pa lang namin 'to so may apat pa. Sana kami ang manalo.

"Hello, Alyannie." sabi ni Nard.

Nginitian ko siya, "Hello, Nard. Goodluck." sabi ko.

"Kapag kayo ang nanalo, ililibre mo ko. Pero kapag kami ang nanalo, ililibre kita." sabi niya sabay wink.

"Deal." sabi ko.

Kumapit na ako sa braso ni Hyun, at pinalabas na kami sa back stage. Pagkadating namin sa stage, ang daming tao, sobrang ingay at wala akong masyadong marinig. Gabi na kaya may mga dim lights sa paligid. Kinakabahan ako kaya nilibot ko ang paningin ko, andito sila Mommy at Daddy. Sila Precious at Jake. Sila Tita Yassi, yung tatlo kong kaibigan, sila Shawn. Nilibot ko pa ang paningin ko pero 'di ko siya makita.

"Mr. Bernard Grayson from Hart Gray University." sabi nung host.

Naglakad paabante si Nard at todo sigawan at cheer ang mga taga-HG University.

"I'm Bernard Grayson, I'm handsome and all girls are affected by my presence. Well, I believe that being handsome will lead you to the better future, thank you." sabi niya sabay bow.

Nagcheer ulit yung mga tao, kinagat ko yung ibabang labi ko para pigilan tumawa. Crazy, Nard. Gwapong-gwapo sa sarili, eh? Tinawag naman si Abi, hindi ko masyado pinakinggan yung sinasabi niya kasi hinahanap ko si Nicolo.

"Asan ka na ba?" mahina kong sabi.

"Ha?" sabi ni Hyun.

Umiling ako 'saka ngumiti, "Next, Mr. Leehyun Kang from LustReid University." sabi nung host.

Todo sigaw at palakpak yung mga taga-LustReid Univ. at todo cheer.

"Annyeonghaseyo, I'm Leehyun Kang. Half korean-Half Pilipino and Full Cutie! I believe that, People doesn't really change because they want to, they changed because we are destined to be changed. Kamsahabnida!" sabi niya.

Todo cheer ulit yung mga taga-Univ. namin.

"Next, Ms. Alyana Neeya Reid from LustReid University." sabi nung host.

Naglakad na ako paabante, "Go, Alyannie." mahinang cheer ni Nard.

Napangiti ako ng malawak nung makita ko siya..

si Nicolo..

"GO ATE NEEYA!!"

"GO ALYANA!!"

"WOOOOHOOO~ GO! GO!"

Cheer nila, inisip ko na lang na modelling 'tong ginagawa ko ngayun na may halong pageant, ano daw? Haha.

MCMMC 3 Neeya's Story: The Life of Ms. Maldita Princess [A JaDine Fan Fic]Where stories live. Discover now