Chapter Two

141K 3.6K 257
                                    

CHAPTER TWO

"GEOFF..."

"Hmm?" anito sa mapupungay na mga mata. Ang iba't ibang kulay ng probe lights ay tumatama sa guwapo nitong mukha. Oh, he's so gorgeous. Can she just take him home?

"I heard French guys are the best kissers! Afterall, sa inyo daw galing ang French kissing!" humahagikgik na sabi ni Zoey.

Ngumisi ito. "Want to try me?"

Ah, damn it! Napangiti nang malaki si Zoey at agad na tumango na parang eager na bata. Kumislap-kislap pa ang mga mata niya.

Geoff laughed out loud. "You're a crazy girl."

Kung alam mo lang, Geoff. "So, can you French kiss me? Prove to me that the myth about French men is true!"

Nagsigawan na naman ang mga tao dahil bumalik na sa masaya at party-party ang tugtog. Napatalon-talon tuloy si Zoey dahil sa energy na nararamdaman.

"Come on, Geoff! Kiss me! Come on, come on, come on!" natatawang aya niya habang lumulundag-lundag kasabay ng musika.

"Can't kiss you here. Too noisy!" palusot nito. "I won't be able to concentrate."

"Then let's go somewhere else!" Patakbong hinila niya ito palabas ng dancefloor. Napunta sila sa labas ng bar na hindi na masyado maingay. May dalawang security guard at bouncers doon.

"You can kiss me here now."

Geoff amazingly smiled and shook his head. "You're pretty serious about the kiss, huh, darling?"

He just used his French accent. Ay, tinamaan na! Lalong ginanahan si Zoey. "Yes, yes, yes! I've never been kissed," totoong sabi niya. "I wanted my first kiss to be superb!"

Ang lakas ng tawa nito at lalong namungay ang mga mata. Lasing na ba ito? Nalalasing ito sa wine? Siguro ay nakailan na ito bago niya ito makilala kanina.

"Don't you want your first kiss to be given by someone you love?"

Nilundag niya ito ng yakap at tiningala. "I love you now," matamis niyang pahayag.

"Woah, there." Natawa na naman ito. "We just met like..." He looked at his watch. "An hour ago? Hmm. Matagal din pala tayong nagsayaw." Pinunasan nito ang pawis sa noo.

"You're a good dancer!" puri niya rito at saka ito tinapik-tapik sa dibdib. "I love your groove. Dance with me again, next time."

"If there's going to be a next time."

Ngumuso siya. "Can you kiss me now?"

Tumalikod ito at naglakad palayo sa bar. Hinabol niya ito hanggang sa makarating sila sa parking lot.

"Ang daya mo, Geoff. Lumabas na nga tayo para makapag-concentrate ka nang halikan ako," maktol ni Zoey.

"Gusto mong mahalikan ka ng taong kakikilala mo pa lang?"

"Kung sobrang guwapo naman, bakit hindi?"

Napalingon ito sa kanya. "Thanks."

Napahagikgik siya at yumakap sa braso nito. Tiningala niya ito. "Please, kiss me. Baka hindi na tayo magkita next time, eh. Kasi huling araw ko na 'to sa Manila. I'm going to a province. Doon ako titira." Kaya nga siya tumakas upang makapag-bar ngayong gabi dahil siguradong sa pupuntahan niyang probinsiya ay baka walang bar o kaya ay hindi na siya makapag-bar.

"I don't kiss someone I don't love."

"Pretend that you love me na lang. For... five minutes!"

Sumakay ito sa isang Audi. Ohhhhh... this guy is rich!

Indulgent Geoff (TTMT #3)Where stories live. Discover now