Chapter Twenty-Five

108K 3.2K 275
                                    

CHAPTER TWENTY-FIVE

Five years ago...

HINDI na matanggap ni Zoey ang ginawa nang madrasta. Hinding-hindi niya matatanggap ang gusto nitong mangyari sa kanya sa loob ng sariling pamamahay.

                  Habang nakatalikod ito at may kausap sa telepono ay hinila niya ang buhok nito. Napasigaw ito sa sakit at saka lumagapak sa sahig.

                  "Walang hiya ka!" sigaw nito sa kanya at akmang susugurin siya nang inilabas niya ang kutsilyo mula sa likuran at itinutok dito. Natigilan ito.

                  "You are a fucking slut!" sigaw niya. "Ikaw ang walang hiya at walang kuwenta!" Nanginig siya at tuluyang naiyak. Ngunit nanatiling nakatutok dito ang kutsilyo. "You thought you can succeed? Gang rape? You wanted me to get raped? Nang mga lalaki mo?!"

                  Lucille's eyes widened. "Put the knife down, Zoey!"

                  "No!" Mas inilapit niya ang kutsilyo dito at nakita niya ang mga takot sa mga mata nito.

Ganoong takot ang naramdaman niya kagabi nang pinasok siya sa kuwarto ng mga lalaking hindi niya kilala at igapos nang walang kalaban-laban.

Hinubaran siya at hinawakan sa kung saan-saan!

                  Lalong umagos ang luha sa mga mata niya. Walang nakakarinig sa saklolo niya... kundi si Cameron.

"K-Kung hindi pa dumating si Cameron kagabi, nagtagumpay ka sana!"

                  Napasigaw si Zoey nang malakas siyang hampasin ni Lucille sa mukha. Zoey is just seventeen-years old, and a very thin girl. Nabitawan niya ang kutsilyo at humandusay sa malamig na sahig.

                  May tumulong dugo mula sa kanyang pisngi. Napadaing siya sa sakit nang mahawakan ang mahabang hiwa mula sa pisngi hanggang sa may tainga.

                  Pagtingala niya sa madrasta ay nakita niya ang singsing na suot nito. The diamond ring that her father gave Lucille. Ang diamond sa gitna niyon ay may dugo na. Iyon marahil ang nakasugat sa kanya.

                  Sinipa siya nito sa tiyan. "If you're going to kill me, kill me fast! Hindi iyong marami kang satsat!" Niyuko siya nito at hinila sa buhok. "I didn't succeed yesterday but I can always try again." Mala-demonyo ang tawa nito. "Lalo na at pinalayas ko na si Cameron. Who's gonna save you now?"

                  Inipon niya ang buong lakas. At saka siya mabilis na tumayo at tinulak ito. Napasigaw ito nang sumubsob sa sahig. Nagdilim ang paningin ni Zoey at mabilis na kinuha ang kutsilyo.

                  Mad blood is rushing through her veins. She won't get molested again by those guys! She won't get treated bad again by Lucille. She's gonna end this now!

                  Nanlaki ang mga mata ni Lucille nang itinaas niya ang kutsilyo. "No!"

                  "Zoey!" may pumigil sa kamay niya at paglingon niya ay si Cameron iyon.

                  "C-Cameron..."

                  "Don't do this! Don't kill her. She's not worth it!" Niyakap siya nito at binuhat palayo kay Lucille. "The cops are coming." Tinignan nito nang masama ang madrasta niya. "You're going to pay for this, bitch."

                  "And I'm going to sue you of child seduction, Cameron!" sigaw ni Lucille. "Do you really think that I wouldn't notice that you don't love me anymore because of that crazy kid?!"

Indulgent Geoff (TTMT #3)Where stories live. Discover now