Chapter Sixteen

115K 3.1K 198
                                    

CHAPTER SIXTEEN

"G-GEOFF..."

Natahimik ang buong clinic. Tila naramdaman din ng mga tao doon ang nararamdaman niyang kaba ngayon.

Geoff's face was void of any emotion. Nakaramdam lalo ng takot si Zoey. Pero sinubukan niya pa ring ngitian ito. Tabingi nga lang ang ngiting kinalabasan.

"I-I can explain..." mahinang sabi niya.

"You better do." Kinuha nito ang kamay niya at hinila na siya palabas ng clinic.

Siguro, hindi ganoon kagalit si Geoff sa pagsisinungaling niya. Hindi kasi masakit ang paghila nito sa kanya.

"Get in," utos nito nang pinagbuksan siya nang pinto ng Audi nito. Sa backseat na siya nito pinaupo.

Nilalaru-laro ni Zoey ang daliri niya habang pasulyap-sulyap siya kay Geoff sa harap at nagmamaneho.

"Daddy Geoff... I'm sorry..." Hindi alam ni Zoey kung saan uumpisahan ang pagpapaliwanag. Hindi niya masabi agad na kaya siya nasa clinic ay dahil may bipolar disorder siya. Nahihirapan siyang ilabas mismo sa sariling bibig ang kakulangan niya.

He sighed. "Napagod ka ba? Take a rest for a while."

Nagulat si Zoey dahil napaka-gentle ng boses nito. "Hindi ka g-galit?"

"Anong ginawa mo sa clinic?"

"Nag-mind theraphy..."

Tumangu-tango ito. "You must be tired."

Actually, she is. Hinihila siya ng antok kanina pa.

"Take a rest," ulit nito.

May unan sa isang gilid kaya hinila iyon ni Zoey at niyakap. "Daddy Geoff..." parang batang tawag niya rito.

"What?"

"Huwag mo 'kong itatapon palabas kapag nakatulog ako, ah?"

Mula sa rearview mirror ay nakita niya itong nagpigil ng ngiti. "Bakit ko naman gagawin iyon?" Nagsalubong na ang kilay nito.

"I'm so sorry...for lying..." Nang dumikit ang ulo niya sa unan ay tuluyan nang kumalma ang kaba niya sa puso at nakatulog na siya nang tuluyan.

Pagkagising niya, wala na siya sa kotse. Napabalikwas siya ng bangon. "Daddy Geoff, bakit mo 'ko tinapon?!" iyak niya kunwari.

Pero sa totoo lang, nakahiga siya sa isang picnic blanket. Pagkakita niya sa paligid ay nasa park siya kung saan una silang nag-date ni Geoff.

Agad niyang natanaw ang bulubundukin ng Sierra Madre. She was in the same spot where they first had a picnic date months ago.

Nagpalinga-linga si Zoey at nakita ang Audi ni Geoff sa gilid ng malaking puno. Nakabukas ang trunk niyon at may kinukuha doon ang nobyo.

"You're awake," sabi nito pagkakita sa kanya.

"Anong ginagawa natin dito?" nagtatakang tanong niya at saka humiga ulit sa blanket. Ang sarap ng fresh air!

Umupo ito sa tabi niya. May basket na itong dala! Wow. Prepared?

"Nagde-date ba tayo ulit?" Umunan na siya sa hita nito.

Prenteng sumandal ito sa katawan ng puno. "Yes." Hinaplos nito ang buhok niya at niyuko siya. "I want to know more about you, Zoey. Please... be truthful to me."

Indulgent Geoff (TTMT #3)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ