Chapter Thirteen

114K 3.4K 325
                                    

CHAPTER THIRTEEN

NAPALINGON sa kanya si Geoff. Magkasalubong ang mga kilay nito bigla. "Cameron who?"

Lumabi siya. "A certain guy from Canada. That's many years ago na. Halika, pasok na tayo sa loob." Hinila niya na ito ngunit nanatiling nakatayo at hindi gumagalaw si Geoff.

"Come na, Daddy Geoff..." aniya habang hila-hila ang kamay nito.

"You said you had never been in love before. Why do you have a first love then?" hindi nahimigan ni Zoey ang kaunting talim sa tono nito.

"Kaya nga sabi ko, hindi ko alam kung love iyon, hindi ba? Kasi iba naman naramdaman ko noon sa nararamdaman ko sa'yo ngayon. Told you before, too, that puro kilig-kilig lang nararamdaman ko dati," paliwanag niya. Malay niya naman ba kasi kung anong feeling ng totoong in love?

Basta ngayon, kay Geoff lang siya nagkakaganito. Kay Cameron noon hindi naman. But she knew that guy had been very special to her.

Hindi pa rin gumagalaw si Geoff sa kinatatayuan nito. Nanatiling nakatitig sa kanya habang parang nagtatagis ang mga bagang.

"Bakit ka grumpy?" nanunuksong nginitian niya ito. "Gusto mo ba ikaw lang ang first and last love ko? Hihihi," hagikgik niya.

Ang sarap isipin na ganito ang reaksyon nito dahil ayaw nitong may ibang lalaking nakakabit sa pangalan niya.

"I'm not grumpy," tanggi pa nito saka huminga ng malalim. Nagpatiuna na itong maglakad. Siya tuloy ang nahila dahil magkahawak kamay pa rin sila.

Ngiting-ngiti pa rin si Zoey. "Sige na nga, hindi ko na siya first love. Puppy love lang kasi bata pa 'ko noon, eh. Isa pa, it was unrequited naman."

Napahinto ito at napalingon sa kanya. "Unrequited?"

"Oo." Yumakap siya sa braso nito. "I have no guts, then. Maybe it was not that strong. So, maybe... it was not love at all. Hindi katulad ngayon, I'll do everything just for you to love me, too."

Natahimik ito. Pagkatingala niya rito ay hindi na ito grumpy. Tumalbug-talbog ang puso ni Zoey sa loob ng dibdib niya nang inabot nito ang labi niya.

Iihhhh! Napakapit siya sa batok nito at pinikit niya ang mga mata. Geoff's kiss was just light and smooth. Kumbaga sa pagkain, tumikim lang ito, hindi kumain.

"Why did you kiss me?" ngingiti-ngiting tanong ni Zoey.

Nagkibit-balikat ito. "Because I like to."

"You like kissing me?" Nagningning na ang mga mata niya.

Tumalikod na ito at hinila na siya papasok ng bahay. Ngunit nahuli niya ang lihim na pagngiti nito.

Kinagabihan ay umuwi si Geoff. Pinauwi ng Ate Trisha niya. Huhu. Sayang. Gusto pa naman niyang katabi si Geoff matulog. Pero ayos na rin iyon dahil bukas ng tanghali, susunduin siya nito para sa birthday celebration ng uncle nito.

Tamang-tama iyon dahil bukas ng umaga naman ay dadalhin siya ng pinsan sa psychiatrist. Geoff would not know.

"Hindi mo pa rin sinasabi sa kanya?" tanong ni Ate Trisha kinabukasan ng umaga. Papunta na sila sa clinic ng psychiatrist.

"Ahm, hindi pa. I'm finding a proper timing."

Humalukipkip ito. "Alright. Pero sabi ko nga, mas maganda kung masabi mo agad. Para nasasamahan ka ni Geoff sa mga psychotherapies mo."

Indulgent Geoff (TTMT #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon