Chapter Twenty-Eight

145K 3.9K 548
                                    

CHAPTER TWENTY-EIGHT

NAIBALIK na si Zoey sa ospital. Natahi na ang hiwa sa kanyang pisngi. She was placed in a hospital room suite. May mga bodyguards sa labas kahit nahuli naman na si Lucille.

                  Nakahiga lang siya. Nakapikit. Pero hindi tulog. Nahihirapan siyang makatulog kahit na pagod ang buo niyang katawan dahil sa nangyari.

                  Kahit ang isip niya ay pagod pero patuloy siya sa pag-iisip.

She's in a mood she can't describe. She's not sad. But she's not happy as well.

                  She's... numb.

Is that even possible? To feel nothing at all?

                  Kasama kaya ito sa disorder niya?

Whatever. Her thoughts are racing. She wanted to see Zofiya. Maybe, she'll feel happy. Bukas pa puwedeng ilipat kasama sa kuwarto niya ang anak.

                  Napadilat siya nang marinig ang pagbukas ng pinto. It was Geoff who came in.

                  He was smiling while carrying a basket of fresh flowers and fruits. "You're awake or you didn't sleep?" tanong nito at saka inilapag ang mga dala nito sa side table.

                  Kinapa niya ang puso. Bakit hindi iyon masaya na makita ito? Apektado pa rin ba siya sa mga sinabi ni Lucille? Naniniwala ba siya doon?

Pero bakit dumating si Geoff at sinagip siya?

                  Maybe, he just felt guilty. So, he saved me.

                  Napapikit siya at hindi na nagsalita.

She can't feel it. The spark, the little chaos in her heart...wala na. Wala.

                  Naramdaman niya ang paghaplos nito sa kanyang buhok. Sumunod ay ang masuyong paghalik nito sa kanyang noo. "Magpalakas ka, darling. Para ma-plano na natin ang kasal natin pagkalabas mo."

                  Kasal? Gusto pa nitong magpakasal?

Para siguradong hindi niya ilalayo si Zofiya rito?

                  He said sorry, yes. Kaya niya itong patawarin pero hindi ang magpakatanga pa sa paniniwala na totoo ang damdamin nito para sa kanya.

                  Naramdaman niya ang mabilis na paglapat ng mga labi nito sa labi niya. "Why won't you talk to me?" he whispered after the kiss.

                  Nagkunwari siyang natutulog na.

                  "Je t'aime, Zoey," she heard him whispered. "I love you so much, darling. I'm glad that you're safe. I thank God for having you here with me."

                  She felt a pinch in her heart. Now, that's a feeling. A negative one. Ayaw nang maniwala ng puso niya kay Geoff.

                  Dumilat siya at kahit nanghihina ay hinubad ang engagement ring nila.

                  "Zoey?"

                  "I don't want to get married anymore, Geoff."

                  Napakurap ito. "W-What?"

                  Tinitigan niya ito nang diretso. Her decision is final. "Ayoko nang magpakasal. Puwede naman sigurong maging parents pa rin tayo kay Zofiya nang hindi nagpapakasal."

Indulgent Geoff (TTMT #3)Where stories live. Discover now