Chapter Twenty-One

108K 3.5K 369
                                    

CHAPTER TWENTY-ONE

NAGISING si Zoey dahil sa mga mahihinang tinig na naririnig niyang nag-uusap. She opened her eyes slowly.

                  "Gising na siya! Salamat sa Diyos!" bulalas ni Lola Mina at saka siya dinaluhan.

                  Kumurap-kurap si Zoey at hindi umimik. Awtomatikong lumapat ang kamay niya sa tiyan. Napapikit siya. She's still there. Baby Zofiya's still there... napahikbi siya.

                  "Jona, call the doctors, please," tarantang sabi ni Lola Mina habang pinapatahan siya. "It's alright, hija. Everything's okay. Walang nangyaring masama sa baby."

Hinaplus-haplos nito ang kanyang buhok. "Malakas ang kapit ng bata, huwag ka nang mag-alala."

                  Zoey knew that she felt the relief. Kahit malungkot ang buong pakiramdam niya ngayon, isang malaking ginhawa na malamang walang nangyaring masama sa baby niya.

                  "B-Bakit nandito po tayo? I-I want to go home..." iyak niya at saka nagpalinga-linga. "Where's Geoff?"

                  Biglang bumukas ang pinto ng kuwarto niya at humahangos na dumating si Geoff. Hinihingal pa ito na parang nagmadaling tumakbo o ano.

                  Agad itong nakalapit sa gilid ng kama niya at marahan siyang kinulong sa mga bisig nito. She cried inside his arms.

"I'm sorry, Geoff..." Muntik nang mapahamak ang baby.

"No... it's not your fault, darling. Walang nangyari. The baby's fine," he softly said while gently rubbing her back.

"The bleeding occurred because of too much tension inside your body. Maliban doon, wala namang ibang problema. It eventually stopped when you fainted."

                  Yumakap lang siya rito nang mahigpit at hindi bumitaw kahit pa dumating ang isang doktor para i-check siya.

Anim na oras siyang nakatulog. Hindi naman siya naka-confine o ano. But she was kept in the hospital para ma-monitor. Dumating din ang OB-GYN at psychiatrist niya.

                  Ayaw niyang makipag-usap sa mga ito. "Let's go home now, please?" she pleaded Geoff.

                  "You can take her home now," the doctor said. "Wala naman nang problema. The rest of the needed treatment will be according to her psychiatrist."

                  May sinimulan nang sabihin ang psychiatrist niyang si Dra. Prado but Zoey didn't listen. She's too upset to listen to anything. She stayed inside Geoff's arms, resting the comfort and security she found in there.

                  "Eight weeks na lang ang pregnancy niya. Mas magandang mas matutukan pa siya. According to her treatments, she is able to handle her depressive episode well," Dr. Prado said. "May antidepressant naman siyang safe na inumin. She'll stay sad but not totally depressed like the last time. She'll be calm..."

                  Marami pang sinasabi si Dr. Prado na hindi naman na pinakinggan ni Zoey. Si Geoff ang naging attentive sa pakikinig pati sa payo ng OB. After that, they went home to the Quintero's.

                  Lolo Gus, Tito Gino, and Greg are all waiting for them. Lalapitan at kukumustahin sana siya ng mga ito ngunit umiwas siya at halos magtago sa likod ni Geoff.

                  "Halika, hija. Ihahatid na kita sa kuwarto mo," masuyong sabi ni Lola Mina sa kanya. Nasa likod nito si Jona habang bitbit ang mga gamit niya.

Indulgent Geoff (TTMT #3)Where stories live. Discover now