Chapter Nineteen

110K 3.7K 386
                                    

CHAPTER NINETEEN

"AKO BA 'to? Bakit ang ganda ko?!" nanlalaki ang mga mata ni Zoey habang nakatingin sa salamin.

Inayusan siya ni Lola Mina para sa sayawan. Katatapos lang ng kainan kaninang umaga para sa birthday ni Lola Mina. Nagustuhan nito ang regalo niya ritong scrapbook na may mga pictures nito at ng lahat ng selfies nila ng future grandmother-in-law.

"Maganda ka naman talaga, hija. Tignan lang natin kung hindi bumaba si Geoffrey sa sayawan kapag nakita ka niya!"

Totoong may importanteng business call na gagawin si Geoff sa hapon na iyon. Kaya talagang hindi ito makakasama sa sayawan sa bakuran. Pinaliwanag sa kanya nito iyon kagabi bago siya matulog sa sarili niyang kuwarto.

Hinayaan na siya nitong pumunta sa sayawan pero huwag daw siyang makikipagsayaw kahit kanino. Daddy Geoff and his possessiveness!

"Halika na, bumaba na tayo," aya ni Lola Mina sa kanya.

Mabilis siyang tumango bago sinipat muli ang sarili sa full-length body mirror.

Pinagsuot siya ni Lola Mina ng white maternity dress. Hanggang tuhod ang haba at off-shoulders pa. Kinulot nito ang buhok niya gamit ang classic rollers. Now, she has big bouncy curls.

Pagkatapos may puting flower crown pa siya. Totoong flower crown! Baby's breath iyon na inikot pabilog sa ulo niya.

Lola Mina did her make-up as well. Manipis lang iyon pero nagawang takpan ang freckles niya. Maganda rin ang ginawang contour sa ilong niya kaya hindi na pansin ang tabingi niyon. Hindi na siya nilagyan ng blush on dahil mamula-mula na daw ang pisngi niya talaga.

Ang perfect na tuloy ng itsura niya! Wow! Naramdaman niya ring maging diyosa kahit isang araw lang. Buntis na diyosa!

Hindi na masyado ininda ni Zoey ang mabigat niyang tiyan nang lumabas na siya sa bakuran at nakitang marami nang nagsasayaw. Halo-halo ang kantang pinapatugtog. Mula classic love songs hanggang sa modern love songs.

Lahat ng tao ay napapalingon kay Zoey. Dahil minsan lang siya mapansin, todo ngiti at kaway naman siya sa mga ito.

"Napakaganda niyo po, Ma'am Zoey!"

"Ang ganda-ganda niyo po, Senyorita!"

"Thank you so much! I love you all, fans! Mwah!" pabirong nag-flying kiss pa siya at saka kumaway-kaway sa mga ito.

Yes! Feel na feel niya. Hindi siya ang may birthday ngunit nasa kanya halos ang atensyon.

Naupo siya sa isang tabi at nakitang sinasayaw na ni Lolo Gus si Lola Mina. Napangiti si Zoey at napahaplos sa tiyan niya.

"Baby Zofiya, Lola Mina and Lolo Gus looks very in love after all the years. Ako, promise ko sa'yo, ganyan na rin titingin sa'kin ang Daddy mo. With loooove!" She dreamily sighed afterwards. Sana matapos agad ang ginagawa ni Geoff at bumaba na ito.

Isang oras na yata siyang nakaupo at nanonood sa mga sumasayaw nang tinabihan siya ni Greg.

"Wala si Jona. May gagawin daw siya sa school," aniya rito agad.

"Ikaw naman ang isasayaw ko, Zoey," nakangiting sabi nito.

"Talagang isasayaw mo 'ko? Eh, dapat nga ang isasayaw mo diyan 'yung gusto mo makatuluyan."

"Tss. Si Lola lang naman ang may gawa niyon. Nasasaktuhan lang na sa tuwing nagdadaos siya ng ganito sa kaarawan niya ay lumalakas ang loob ng mga lalaki na lumapit sa mga gusto nilang babae. Marami na kasi kaming mga tauhan na nagkatuluyan. At ang kuwento lagi ay unang nagkakilala sa sayawan ni Lola."

Indulgent Geoff (TTMT #3)Where stories live. Discover now