Mylene POV
Teka. Nasaan ako ? Napaupo ako sa kama at nilibot nang tingin ang kabuuan nitong kwarto kung saan ako natulog. Hindi ito pamilyar sa'akin. Mabilis kung chineck ang sarili ko. Nakahinga ako ng maluwag dahil ito parin naman 'yung suot ko kahapon. Nakauniporme parin ako.
Tumayo ako at lumabas. Hanggang sa makarating ako sa sala. Nasa isang condo unit ba ako ? Napalingon ako 'don sa isang bahagi nitong condo, nang may marinig akong ingay kaya lumapit ako 'don. Pumasok ako, at nakita siya.
Nakatalikod siya mula sa direksyon ko. Habang nakatitig ako sa likod niya ay bigla nalang nagflashback sa akin lahat ng nangyari kahapon. I smiled. Kahit papaano, gumaan na ang pakiramdam ko. Para bang may mabigat na bagay na nawala sakin. At dahil 'yun kay Julian.
Hindi ako makapaniwala na may ganun pala siyang karanasan. Akala ko noon sadyang babaero lang siya. Sadyang mapaglaro lang siya sa mga babae. Pero mali ako. Dahil may mabigat na dahilan pala siya kung bakit siya naging ganun.
Bahagya akong ngumiti nang makita niya ako. "Gising ka na pala." Sabi niya. "Come. Seat there, kakain na tayo" Nakangiti niyang utos. Kaya sinunod ko naman 'yung sinabi niya.
"Tikman mo ang specialty ko. Sure akong makakalimutan mo ang taong--esti ang pangalan mo!" Tinignan ko siya nang masama. Pero tinawanan niya lang ako. Akala mo naman kung ano ang niluto. Eh! Chicken Adobo lang naman. Hmmp!
"Sege na. Kain na." Saka siya umupo paharap sa'kin.
"Masarap ba 'to ?" Tanung ko habang tinitignan ang niluto niya.
"Wengya! Specialty ko yan. Kaya sure akong masarap 'yan."
Kumuha ako at tinikman. Ang sarap nga. Ito na ata ang pinakamasarap na Chicken Adobo na natikman ko. "Pwedi na." Sabi ko, saka ako sumubo ng kanin.
"Tsk." Sabay subo niya. "Di nalang sabihin masarap." Bulong niya pero rinig ko naman.
Hindi ko mapigilang mapangiti. "Ou na. Masarap naman talaga."
Biglang lumiwanag ang mukha niya. "Yun oh! Sabi ko na nga ba. Hahaha" Napailing ako. Isip bata.
Bigla nalang tumahimik. Wala sa'amen ang nagsalita. "How do you feel now ?" Until he spoke. Napalingon ako sa kanya. Ang seryuso ng mukha niya. Hindi siya nakatingin sa'ken. Seryuso lang siyang nakatingin sa plato niya.
"I feel better." Napatingin siya sakin kaya ngumiti ako. "Thanks to you, Julian." I sincerely said.
Umayos siya nang upo at ngumiti. "Good for you, but hindi pa oras para magpasalamat"
"Huh ?" Naguguluhang tanung ko.
"Basta. Ubusin mo na 'yan, at may pupuntahan tayo." He said, smiling.
.
.
.
.
.
"Saan ba talaga tayo pupunta?" Kanina pa ako mukhang tanga dito kakatanung sa kanya pero hindi niya parin ako sinasagot. Pout.
"Basta" Kanina pa 'yang basta na 'yan ah! Simula nang matapos kaming kumain, wala na siyang ibang sinabi kundi basta. Hmp.
"Tignan mo nga, nakauniform parin ako." Napahinto siya sa ginagawa niya at napatingin sakin. Naghuhugas kasi siya ng mga dishes. Habang ako nakaupo lang dito sa dining table niya.
"Yan ba ang problema mo ?" Natatawang niyang tanung. Napailing siya at lumapit sakin. "Come" Hinawakan niya ang kamay ko saka kami pumasok don sa kwartong tinulugan ko.
BINABASA MO ANG
Behind His Coldness
General FictionLimang taon na simula ng mawala ang babaing pinakamamahal niya. At wala siyang ibang sinisisi kundi ang sarili niya. Dahil 'don pinagbawalan niya ang sarili niyang maging masaya, Dahil para sa kanya wala siyang karapatang maging masaya pagkatapos ng...