Chapter -35

667 13 0
                                    

Chapter -35

Mylene POV

Togs Togs Togs Togs Togs

[ Tunog nang Music 'yan ]

"Isa pa!"

"Ma'am kaya niyo pa po ba? Lasing na po kayo."

Tinignan ko siya nang masama. "Kaya? Tinatanung mo ako kung kaya ko pa? Pwes sinasabi ko sayo hindi na! Kaya nga ako andito diba? Kaya nga ako aalis, dahil hindi ko na kaya....Sob..sobrang sakit na kasi...hindi ko na kaya...Kaya pagbigyan mo na ako. Bigyan mo na ako. Ngayon lang 'to. Ngayon lang...hayaan mo na ako..." Hingang malalim. "Kinaya ko ngang magpakatanga, mapagkalasing pa kaya? Hahahaha" Kita ko ang pagkamot niya sa batok saka umalis sa harapan ko at di nagtagal ay bumalik dala ang inorder ko.

"Eto na po, Ma'am"

Agad ko itong kinuha sa kanya. Agad ko naman itong tinunga.

Napangiwi ako sa lasa. Pero wala lang 'to sa nararamdaman ko. Ito pa ba susukuan ko? Eh ilang buwan nga akong nagpakatanga...nagpakamartir pero hindi ako sumuko.

Kung may award lang sa pagkatanga for sure nominado na ako o baka pa nga ako pa ang nanalo as most tanga in the word.

Bwahahahaha!

Tumunga ako ulit. Napapunas ako sa labi ko gamit ang likod ng palad ko saka ko pinatong ang ulo ko sa counter.

Ako lasing na?

Nagpapatawa ba siya?

Dahil kung lasing na ako...bakit nararamdaman ko pa rin 'yung sakit? Psh!

Lasingin ko mukha niya.

****

Third Person POV

"Esha fa!!" Sigaw ni Mylene habang nakatungo parin sa counter. Hawak-hawak ang walang laman na bote nang beer.

Lasing na lasing na siya. Maghahating-gabi na pero hindi parin siya tumitigil sa pag-inom.

Nag-aalangan naman ang bartender kung bibigyan niya pa ba ito o hindi na. Dahil nga sobrang lasing na nito.

Napaangat nang ulo si Mylene at tinignan nang sobrang sama ang lalaking kaharap.

"Anow? Hende mho ako bebegyan? Tsk. Alam mo, kaya kong bayaran 'yung mga inorder ko. Kaya wag kang madamot!!" Sinabi nito habang tinuturo ang lalaki.

"Eh kasi Ma'am. Lasing na po kayo. Tapos nag-iisa pa kayo. Pano kung---"

"Shut up!" Marahas na napatayo si Mylene. Dahil sa biglaan ay nawalan siya ng balanse kaya siya natumba.

"Ma'am!'

Pero tumawa lang si Mylene. Pinilit niyang tumayo habang tumatawa. Napapatingin na rin 'yung ibang mga tao sa kanya.

Luckily ay nakaupo siya ulit sa stall nang counter.

"Hahahaha nahulog ako..." Tumatawa niyang sinabi.

Pero bigla nalang siyang tumahimik at napatulala. "..nahulog ako..Oo....nahulog ako. Nahulog ako sa kanya.." Tinignan niya ang Bartender na ngayo'y awang-awang na sa kanya. "..I fall without his knowledge..I fall to the wrong man. I fall....and I wish he can catch me.....but its......its imposible.." Biglang tumulo ang ang luha niya. Kasabay 'nun ang pagbagsak nang ulo niya sa counter at nakatulog.

Kasabay naman 'nun ang pagtunog nang cellphone niya na nasa ibabaw nang counter.

****

Julian POV

Behind His ColdnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon