Audrey POV
ITS already nine in the evening ' nung naisipan na naming bumalik ni Dylan sa mga bungalow namin. May kanya-kanya kasing mga lakad ang bawat magpartner. Kanina naisipan naming maglibot-libot ni Dylan. Pumunta rin kami kanina sa souvenir shop at bumili nang kahit ano. We even bought a couple shirt. Ang saya nga eh! Sabi niya suotin daw namin 'yun pag-uwi.
"Goodnight"
"Goodnight. Dream of me." He said.
"Sure" natatawa kung sinabi saka ako pumasok sa bungalow namin. Sa relasyon namin ni Dylan masasabi ko na hindi kami ganun ka showy. Hindi kami ganun ka sweet. Pero ang importante pinaparamdam namin na mahal namin ang isa't isa.
As expected madilim pa dito sa loob. Ako talaga ang unang nakauwi. Binuksan ko ang ilaw saka nagtungo sa kama ko. Kinuha ko ang sling bag ko at nilabas 'yun.
Alam na ni Abigail ang tungkol sa secreto ko. Simula nang malaman niya ito kanina ay nararamdaman ko na palagi niya akong tinitignan. Siguro para narin matignan niya kung ok lang ako. Pero naiilang ako. Naiilang ako sa titig niya. Bigla akong naging uncomfortable.
Kukuha na sana ako nang isang tableta nang makuha ang pansin ko nang isang hikbi. Agad akong napalingon sa likuran ko.
"Mylene!" Agad kung tinago iyon. Mamaya nalang ako iinom. Dali-dali kong pinuntahan si Mylene na nakaupo sa gilid nang kama niya habang nakapatong sa yakap-yakap niyang mga tuhod ang ulo niya.
"Mylene anong nangyari?" Nag-aalala kung tanung. Lumuhod ako para mapantayan siya.
Inangat niya ang ulo niya tinignan ako. Naawa ako sa kanya. Mukhang kanina ka siya umiiyak.
"A-audrey.."
Niyakap ko siya. "Ssshh.. Andito lang ako." Naramdaman ko ang pagbalik-yakap niya sakin. Nararamdaman ko nang nabasa 'yung kanang balikat ko. Hinimas ko ang likod niya. Baka sakaling kahit kunti gumaan ang nararamdaman niya.
Ilang minuto din siyang umiiyak sa balikat ko. 'Nung medyo ok na siya ay kumalas siya at napasandal sa bedside table. "Salamat, Audrey."
"Mylene.."
Ngumiti siya nang mapait. "Audrey...m-mahal niya ako." Napakagat siya sa ilalim na labi niya para pigilan ang pag-iyak niya. "..M- mahal niya din a-ako." This time ay di niya na napigilan ang luhang nakawala sa mata niya.
Hindi na ako nagsalita. Hinayaan ko lang siyang ilabas ang nararamdaman niya. Hindi na rin naman ako nagulat sa sinabi niya. Kahit hindi niya banggitin alam ko kung sino. Dahil noon pa man alam kung mahal nila ang isa't-isa.
"Dapat diba matuwa ako? Pero bakit hindi? Dahil ba sa alam ko na hindi pwedi. Kahit na---mahal naman namin 'yung isa't-isa?" Pinunasan niya ang luha niya.
"Gago rin siya eh. Handa na nga ako eh. Handa na ako na kalimutan ang nararamdaman ko sa kanya. Kaya nga aalis na ako. Dahil sa kanya. Para hindi na ako maging sagabal pa."
"Nasabi mo na pala sa kanya?" Kahit ako nagulat nang sabihin nuya sakin 'yun kahapon. Hindi ako makapaniwalang aalis na siya. Pero bilang kaibigan niya, susuportahan ko siya.
Nilingon niya ako. "Tama namann ang gagawin kung desisyon diba? Baka--baka sa pag-alis ko---maging ok na ang lahat. Mas mabibigyan niya na nang...pansin ang....mag-ina niya."
"My, ginawa mo lang ang sa tingin mo ay tama" Hinawakan ko siya sa balikat. Nilingon niya ako. "Masasaktan kayo ngayon, Oo! But I do believe time will heal your wouded heart. Just believe. Alam kung may magandang planu ang Dyos para sa inyo." Nakangiti kung sinabi.
KINABUKASAN, ang huling araw namin dito. Naghahanda kami ng mga pagkain para sa mini-party namin mamayang gabi. Busy ang lahat.
Napalingon ako kay Mylene na ngayo'y busy sa ginagawa niyang paghihiwa nang sangkap para sa lulutuin niya. Naawa talaga ako sa kanya sobra dahil sa pinagdadaanan niya. Bakit kaya may ganun ano? Bakit kailangan pang masaktan. Tama nga si Mommy. Kakambal nang pagmamahal ang masaktan. Ako kaya? Kailan ko kaya mararanasan ang sakit dulot ng pag-ibig? Dahil mahigit isang buwan na kami ni Dylan pero kunting talopa lang naman nagagawa namin. Pero paano kung dumating yung araw na kailangan ko na siyang iwan? Ano kaya ang mararamdaman niya?
BINABASA MO ANG
Behind His Coldness
General FictionLimang taon na simula ng mawala ang babaing pinakamamahal niya. At wala siyang ibang sinisisi kundi ang sarili niya. Dahil 'don pinagbawalan niya ang sarili niyang maging masaya, Dahil para sa kanya wala siyang karapatang maging masaya pagkatapos ng...