Chapter -57

618 10 1
                                    

Audrey POV

Halos dalawang linggo na rin ang lumipas magmula nung birthday ko. So far, wala namang problema. Pero kanina pag-gising ko ang sama ng pakiramdam ko. Dahil na rin sa di ko feel ang tumambay sa bahay, dahil piling ko mas sasama lang lalo ang pakiramdam ko, pumasok ako dito sa AHO.

In-scan ko ang folder na nasa harap ko--ito 'yung mga bagong report base sa kalagayan nang mga tinutulungan ng AHO at kung may bago bang sponsor. Napatigil ako at nag-angat nang ulo nang makarinig ako nang katok sa pinto. Bumukas ito at pumasok si Marian na agad akong nginitian.

"Ma'am, ready na po ang lahat." Sambit niya.

Ngumiti ako sa kanya at tumango. "Sege. Salamat, Marian." Ngayon kasi ay magkakaroon kami nang program. May mga bisitang doktor ang pupunta dito para magbigay nang general check-up sa lahat.

"Teka--okay lang po ba kayo  Ma'am? Namumutla po kayo." Nag-aalalang tanung sakin ni Marian.

"Okay lang ako. Tara na?" Tumayo ako at agad na napahawak sa lamesa nang makaramdam ako nang pagkahilo. Err.. Napapikit ako nang maigi.

"Ma'am Audrey! Okay lang po kayo?" Ramdam kung hinawakan ako ni Marian, pero parang umiikot ata? Lumilindol ba? Sunod ko nalang narinig ay ang malakas na sigaw ni Marian and everything went black.

"Maam Audrey!!"

****

Marian POV

JUSKO! Nawalan nang malay si Maam Audrey, buti nalang at nasalo ko siya.

"Maam? Maam? Gising po! Maam?! Tulong!! Tuloooong!!" Natataranta kung inilapag si Ma'am Audrey sa sahig. Kinakabahan ako, hindi malamang ang gagawin buti nalang may biglang pumasok. Si Kuya Jorge pala--isang security guard.

"Anong nangyari?" Tanung niya, pero nagulat siya at nagmamadaling lumapit samin nang makita si Maam Audrey.

"Bigla nalang nawalan nang malay si Maam. Kuya Jorge, dalhin natin siya sa hospital." Natataranta kung sinabi.

"Sege." Mabilis niyang binuhat si Maam Audrey at nagmamadaling lumabas sa opisina.

Palabas na sana ako nang opisina nang marinig ko pagtunog nang cellphone ni Maam na nakapatong sa lamesa. Agad ko itong nilapitan at kinuha.

Hubby Calling..

Si Sir pala. Kailangan niyang malaman ang nangyari kay Ma'am. Sinagot ko ang tawag ni Sir habang patakbong lumabas sa opisina ni Maam at sinundan sina Kuya Jorge.

[ How's my w--]

"Sir! Si Marian po ito."

[Where's my w--]

"Sir, nawalan po nang malay si Maam. Dadalhin po namin siya sa hospital." Natataranta kung sinabi na may halong takot. Mabilis akong sumakay sa ambulance at agad itong pinaandar nang driver. Buti nalang may sariling Ambulansya ang AHO.

[ Sh*t! ] Ang huli kung narinig sa kabilang linya. Tinignan ko si Maam at hinawakan ang kamay niya.

Sana maging ok lang siya.

****

Audrey POV

Unti-unti kung minumulat ang mata ko. Teka? Nasaan ako?

"Thanks God your awake. How's your feeling, wife?" Napalingon ako sa gilid ko at nakita si Hubby. Hawak niya ako sa kamay at kita ko ang matinding pag-aalala sa mata niya.

Behind His ColdnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon