Chapter-37

573 12 0
                                    

Audrey POV

KINABUKASAN! Medyo late na kaming nagising dahil narin sa kaganapan kagabi. Naparami nang inom ang mga lalaki dahil nagsesenti si Julian.

Kumakain kami ngayon ng almusal dito sa isa sa
mga restaurants. Halos andito na kaming lahat na mga babae including Stacey. Si Kleen ang
pinakaunang dumating sa lahat nang lalaki, sinundan nina
Harley, William at Tommy. Katabi ko si Dylan na
kararating lang din. Inabutan ko siya ng kape. "Anung uras kayong nakatulog kagabi?" tanung
ko.

"3 in the morning" he replied as he sipped on his coffee.

"Ow? that early ha?" Nakangiwi kung sinabi saka sinubo
ang hiniwa kung pancake. Pasado 12 midnight na
kaming mga babae nakauwi sa mga tinutuluyan namin kagabi. Then sila 3am? kumusta naman 'yung ilang oras na tulog nila? Psh!


"Yeah! Ayaw pa sanang tumigil nung gagong 'yun. Buti nalang nakatulog 'nung sinapak ni
Kleen." tahimik niyang sinabi.

Hindi makapaniwalang napaharap ako sa kanya.
"Seriously?" nanlalaking matang tanung ko, saka
ko tinignan si Kleen at napailing.

"Yeah!" walang gana niyang sagot.

"Kawawang nilalang." Nasabi ko nalang.

"Wengya! Sakit nang uLo ko!" Hiyaw ni Tommy.

"Tsk! Gusto mo dagdagan ko 'yan?" Matapang na
sinabi ni Yna.

"Babes naman. Kiss mo nalang ako dali para mawala 'yung sakit" Sinabi ni Tommy saka siya
ngumuso.

"Kiss ba?" Tumango si Tommy.

"Gusto mo ikiskis ko yang mukha mo dito sa lamesa??" Ay!? Sadista talaga ang pinsan ko.

"Babes naman" :3

"Psh! Ok! Ok!" *Chup*

Ay? Akala ko pa naman ayaw niya! Naku naman!

"Yun oh! Ok na ako. Bwahahaha" Naiiling nalang akong napainom sa kape ko. Reyna at Prinsipe
talaga 'tung dalawa sa ka'PDA-han at Kawaley-han. Haays!

(___ _____")

"Ang Sweet!" Rinig kung kong komento ni Alex.

"Nakakadiri bitch!" Hirit ni Abigail.

"Mamatay ang mga inggitera!" Sinabi niya saka inirapan si Abigail. Pero being Abigail tumawa lang siya.

Napalingon naman ako kina Mylene at Harley. Pinupunasan ni Harley ang gilid nang labi ni
Mylene nang malagyan ito nang ketchup. How sweet!

"Psh! Kahit kailan ang burara mung kumain" Natatawang sinabi ni Harley.

Ngumuso lang si Mylene. And that scene when Julian Arrived. Ako ang unang nakakita sa kanya
dahil nakaharap ako sa entrance at dahil na rin sa busy ang iba kakakain at sa mga forever nila.
Napahinto si Julian sa paglalakad at seryusong napatitig sa dalawa. Nararamdam ko 'yung intense sa mga tingin niya. Buti nalang nakita din siya agad ni Tommy.

"Hoy! Gawa mo 'jan?!"

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------
ILANG oras matapos naming kumain ay naisipan nilang mag'ADVENTURE! Sa taas kasi nitong isla ay madami ka pang pweding gawin. At heto ako ngayon, pilit hinahakbang ang nanginginig at naninigas kung paa. Gusto ko nang umatras hindi pwedi dahil nakasunod na sila sakin. At dahil ito nga lang ang nag-iisang way para makapunta sa kabilang dulo.

Kaya kahit sobrang kaba ko. Tagaktak na 'yung pawis ko, pinipilit ko paring ihakbang ang mga naninigas kung paa. Hoho! Am I going to die early? Whoaa! This hanging bridge na kasing taas siguro ng puno nang niyog---yung mataas na niyog! Imagine? Ganun kataas! Hindi ko na natignan 'yung ibaba baka mahimatay ako dito na wala sa oras!

Behind His ColdnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon