3rd Shot: The Beginning

285K 3.8K 52
                                    

ANG KASALUKUYAN…

Nagising si Meg sa ingay na nagmumula sa labas ng kwarto niya. Kahit tinatamad at inaantok pa dahil hindi sya kaagad nakatulog sa pangambang baka pumasok muli si Andrae sa kwarto niya ay bumangon na rin sya ng makita ang oras. Pasado ala una na ng tanghali.

Pagkatapos magshower at magbihis ay bumaba na rin sya ng kwarto para alamin ang kaganapan sa ibaba at kung bakit nangkakaingay.

“Aba! Mabuti naman at nagising na ang mahal na prinsesa.” Bati sa kanya ni Dwight na sinalubong pa sya sa may hagdanan.

“Sorry. Tinanghali ako ng gising. Bakit nga pala ang aga-aga eh nandito kayo?” tanong niya sa mga ito.

“Eto kasing si Drae, ipapakilala na daw nya ang asawa nya! Napakasama ng ugali. Talagang nagpakasal pala ang lokong 'to ng hindi natin alam!” sagot naman ni Art sa kanya na nakapagpahinto sa paghakbang nya.

“W-what… did you said?” tanong niya pagkatapos ay nilingon niya si Drae na kinindatan pa sya.

Nambwisit pa! bulong niya at saka ito inirapan.

“Bakit parang namumutla ka yata?” tanong pa sa kanya nito. Napakabwisit lang talaga.

“So Drae, sino na nga yung malas na babaeng pinakasalan mo ha? Pano mo sya naloko?” tanong naman ng kuya Terence nya. “Ah, Meg, san ka pupunta?” puna sa kanya ng kuya nya.

“Sa labas.” Matabang niyang sagot. “Hindi ako interesado sa pag uusapan nyo.” Sinabi niya iyo habang nakatingin kay Drae.

Ang nakakainis pa, ngumiti lang ito sa kanya.

“Shut up, Drae!” she mouted to him.

BWISIT na lalake na yon! Ano na naman kayang naisipan at biglang biglang… aaahhh~!!! Hindi pwede! Paano ko pa sya hihiwalayan kung malalaman na nila kuya?” kausap niya sa sarili.

Pagkatapos ay dinukot niya ang cellphone ng Tito nya na hindi niya naisoli at nagbakasakaling may number doon si Drae.

“Ano ba naman 'tong phonebook ni Tito! Andaming arte ng mga pangalan ng contacts. Alin ba dito ang kay Drae na hudas?”

Shotgun Marriage (PUBLISHED under LIB)Where stories live. Discover now