9th Shot: Longest 24 Hours part-1

275K 3.1K 73
                                    

A/N: BABALA: Boring po ang chapter na ito. TT__TT

Diane on multimedia. --------------------------->
At sa previous chapter pala, inilagay ko ang close-up picture ni Meg. Silipin nyo nalang kung gusto nyong ipagkompara silang dalawa. ^^

___________________________________________________________

“Who is she, hon?” tanong ni Diane sa kanya. Pero wala rito ang atensyon niya kundi nasa papalayong taxi kung saan nakasakay si Meg. He saw it. Meg got jealous at nakaramdam siya ng kaunting pag asa sa naging reaksyon nito pagkakita kay Diane.

Diane was his ex-girlfriend. Matagal ng tapos ang relasyon nila. Tinapos nila iyon ng ipagkasundo siya kay Amber. Pumayag naman itong makipaghiwalay sa kanya at sinabing babalik na lamang ito sa States kung saan ito talagang nakatira. Kaya talagang nagulat siya ng makita ito ngayon. Diane was half Filipino pero ni isang bakas ng pagiging Pilipino ay wala ito.

Those blonde hair, sun-kissed skin, and her light blue eyes na lahat ay nakuha nito sa ama nito. She was an American citizen but she loved to stay here in the Philippines at dito rin sila nagkakilala.

“She’s my wife.” He unconsciously said at sa pagtataka niya ay tumawa ang dalaga. Nasa lobby sila at medyo nakakaagaw na sila ng atensyon lalo na ng tumawa ang dalaga na lalong nagpatingkad sa ganda nito bukod pa sa siya ang boss.

“You don’t have to lie, Drae. I know you’re still single dahil hindi natuloy ang kasal mo two years ago.”

“Well, you got it all wrong, Diane. I’ve been married since two years –– ”

“Really?” she said as she cuts his sentence. “You know what Drae? I had you investigated before we came back here in the Philippines. And I know you’re not yet married to that ––”

“You’ve had me investigated!?” gulat niyang tanong at saka ito marahang hinila palabas. They ended up in the nearby restaurant.

“What do you need, Diane?” basag niya sa katahimikang namagitan sa kanila mula sa paglabas nila ng office building niya hanggang sa pagkain.

“You.” Kaswal nitong sagot na para bang wala lang iyon habang diretsong nakatingin sa kanya. “I want you back Drae. We need you.” This time, may bakas na ng pag aalangan ang tinig nito.

Napakunot ang noo niya. Hindi iyon ang unang pagkakataon na ginamit nito ang plural form sa pangungusap. Anong ibig nitong sabihin roon?

“What do you mean by that? You used ‘we’ for the second time.” Kunot-noong tanong niya rito.

Shotgun Marriage (PUBLISHED under LIB)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant