19th Shot

221K 2.6K 54
                                    

Re-posted!   Enjoy!  :)
(12/07/17)


19th Shot:


"Yosh! Congratulations, pare, Meg!"


"Hoy Clyde, bakit ngayon ka lang? Wala ka ng inabutan, tapos na." salubong ni Amber sa kasintahan.


"Sorry baby. Nagkaroon lang ng emergency sa clinic nung biglang may isugod na dalawang bata na may sintomas ng dengue kaya ako na mismo ang nagdala na sa kanila sa ospital at ako na rin ang nag-examine." Anito kay Amber at pati na rin sa kanila.


"It's alright, Clyde. Naiintindihan naman naming ang nature ng trabaho mo eh." pang-aassure ni Meg rito habang akbay niya ito.


"Kayong dalawa, wala pa ba kayong balak na sumunod sa yapak naming ni Meg?" tanong niya sa dalawa na nagpalitan lang ng ngiting makahulugan.


Halos kauuwi lang ng mga piling bisita na inimbitahan nila ni Meg. Mag a-alas dos na rin kasi ng madaling araw at talagang hinintay lang nila si Clyde para buo ang barkada nila sa gabing iyon ng engagement party nila ni Meg. Iyon nga lang ay talagang late na late na itong nakarating.


Halos isang linggo palang ang nakakalipas mula ng magkaayos silang dalawa ni Meg at mula ng pumayag itong magpakasal sa kanya at heto nga at formally engaged na sila.


His mother made all the preparation of their engagement with the help of Meg and Terence's uncle who owned the hotel & restaurant where they are right now. At kahit naging maiksi lang ang preparation ay maayos naman ang naging resulta ng mabilisang engagement nila. Ang mommy nya kasi, masyadong naging excited.


"Sus! Wala ng engagement-engagement kapag kami ni Amber baby ko ang nagplano dahil itatanan ko nalang to para honeymoon kaagad!" pabirong sagot ni Clyde na sinegundahan naman ng iba. Mga sira ulo talaga.


"Hindi ba, baby? Ano, tara na ba?" kinurot lang ito ni Amber at kitang kita nila kung paano ito ngumiwi na nakapagpatawa sa kanila.


"Puro ka biro!"


Tumawa lang sila sa dalawa. Marami na ring pinagdaan ang mga ito pero hanggang ngayon ay mukhang wala pang balak mag settle down.


Then, they ended up having a pool party while still wearing their formal attire. Hindi na talaga sana siya makikisali kung hindi lang siya pinagtulung-tulungan ng mga kaibigan niya na ihagis sa pool saka siya pinagtawanan ng mga ito.


Mga sira ulo talaga!


Iiling iling na umahon siya ng pool at nilagok ang whisky na nasa lamesa lang. Halos maubos na ang nasa bote samantalang kalalabas lang niyon. Alin lang kina Art at Dwight ang may gawa kung bakit iyon kaagan kumonti. Napangiti siya habang nilalagok ang laman ng baso niya.


"Hoy buntis! Bakit gising ka pa?" sigaw ni Art mula sa pool.


Shotgun Marriage (PUBLISHED under LIB)Where stories live. Discover now