24th Shot

211K 2.1K 37
                                    

Re-posted!
(12/16/17)


24th Shot:


NAGULAT SIYA ng sa pag uwi niya sa condo ni Drae ay sinalubong siya ng yakap ng mommy nito. Hindi niya inaasahan na darating ito. Ang gulo-gulo pa naman ng buong condo dahil nagpa-general cleaning sila noong isang at hindi pa naibabalik sa ayos ang lahat ng gamit dahil naging busy si Drae sa office at siya naman ay inaasikaso ang enrollment niya.


Sa loob ng dalawang taong niyangpananatili sa ibang bansa ay puro aral lang ang inatupag niya at dahil frustrated pa siya kakaisip noon kay Drae ay hindi siya nagbabakasyon na naging mabuti naman ang resulta dahil isang semester nalang ang natitira sa kanya. Karamihan kasi ay nai-advance na niya.


Sa ngayon ay ang kuya na niya ang lumalakad ng enrollment niya. Hindi nya kasi masyadong ma-gets ang procedure dahil through internet nalang daw ang magiging pag-aaral niya. Iyun bang sa computer lahat padadaanin para kahit nasa Pilipinas siya ay maitutuloy niya pa rin ang pag aaral. Expensive oo pero hindi naman issue sa kanila ang pera.


"I heard what happened, hija and I'm sorry about that. Sorry rin kung ngayon ko lang kayo nabisita after your engagement." Sabin g mommy ni Drae pagkatapos siya nitong bitiwan.


"I understand, Tita – I mean, mommy pala. We're moving on at isa pa po, may isang buwan na rin mula ng mangyari iyon kaya tanggap na naming. And in a way, it made us stronger." Aniya rito na sinabayan ng bahagyang ngiti.


Hinawakan siya nito sa pisngi. "Hindi ako nagkamali sa pagkakakilala sa iyo, Meg. You are indeed a very strong woman to think that you're only twenty."


"But I'm turning twenty one two months from now."


"Really? Kaya ba ganito kagulo ang buong unit ay dahil ngayon palang ay pinaghahandaan nyo na?"


Natawa siya. Totoo naman kasing magulo ang unit. Mula kasi ng maging busy si Drae sa office ay palagi siyang nasa condo unit ni Ems para makinig sa mga sentimyento nito sa buhay.


Napangiti siya ng maalala ang kaibigan. Dati rati ay hindi iyon pala-kwento at tahimik lang sa isang tabi at hindi mo malalaman ang itinatakbo ng isip pero nagbago iyon ng magdalang tao.


Napahugot siya ng hininga saka muling nilingon ang ginang.


"Actually mommy, nagpageneral cleaning lang po talaga kami ni Drae at hanggang ngayon ay hindi pa namin naibabalik sa ayos lahat ng gamit."


"Ganoon ba? Pero ang totoo, akala ko ay ni-ran sack ang unit dahil magulo. Mabuti naman at mali pala ako." Anito na parang may hinahanap.


Nahulaan agad niya ito at kahit hindi pa nito tinatanong ay sinabi na niya. Baka kasi nag aalangan lamang itong itanong sa kanya ang bagay na iyon eh.


"Wala na po si Thea. Kinuha na po sya ni Diane the same day na nakunan ako. Pero paminsan minsan ay dinadala sya rito ng yaya niya." Hindi rin niya napigilan ang mapangiti ng mapakla. Lalo na ng kapag naaalala niya na isa sa mga araw na ito ay baka tuluyan ng umalis si Diane at isama ang bata sa sariling bansa.

Shotgun Marriage (PUBLISHED under LIB)Where stories live. Discover now